Pasasalamat

myWeb-Blog Designs

Monday, March 8, 2010

Ang Kwaderno ni Bino (ikatlong yugto)

ang unang yugto ay mababasa dito
ang ikalawang yugto ay mababasa dito


Sa tuwing tinititigan ko si Dianne, hindi ako makapaniwala kung gano ako kaswerte at hawak ko ang kamay niya. Dati kasi, hanggang tingin lang ako tulad ng kanyang mga tagahanga sa bar. Pero ngayon, para bang pinagtagpo kami ng tadhana. Mas naging artistic ako, lumabas ang mga itinatagong talento. Para bang nagkaroon ako ng superpowers.

Todo karir ako para mapaganda ang "relationship" namin. Unang linggo pa lamang, nagpasobrang cute na ko sa kanya.


Hinintay ko'ng matapos ang 1st set nya. Bago siya bumaba ng stage, sinipulan ko siya. Pag lingon nya, pinakita ko ang isang 1/8 na illustration board na may nakasulat na "You're my You!" At naging epektibo naman dahil kitang kita ang pagbablush niya. Inilabas ko ang ikalawang sandata. Hinubad ko ang suot ko'ng long sleeves at tumambad ang nakasulat sa aking t-shirt na "You fill the emptiness in me". Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Mas nadagdadagan ang kanyang blush. Ako rin nama'y kinikilig ng mga sandaling yun. At sa huling pagkakataon, tumalikod ako para sa aking huling armas. "www.mahalkitadianne.com"


Pag-baba nya, agad sumalubong ang mga tuksuhan ng mga waiters pati na rin ang manager ng bar. Natawa ko dahil yung manager, isa sa mga nakasagutan ko dati (pero oks na siyempre).

Dianne: Tara dun tayo sa bakanteng table. Gutom na ko eh. Napagod ako sa set ko.


Bino: Wag mo na kong hilahin, susunod naman talaga ako sa yo eh (sabay ngiti)


Dianne: Nagpapacute ka na naman.


Bino: hindi noh! cute talaga ako. hehehe


Dianne: Teka nandito ba si Joseph?


Bino: Nakita ko siya kaninang nanunod. Mas ok nga yun diba?


Dianne: Sabagay.



Gaya ng ibang gentlemen, inalalayan ko siya pag-upo na para bang disabled person na kailangan ng tender loving care.



Dianne: Balik-eskwela ka ba? Bakit dala mo na naman yang kwaderno mo? (sabay tawa)


Bino: Bakit, masama ba? hehehehe


Dianne: Hindi naman


Bino: Para sa yo ang laman ng kwaderno'ng ito. (sabay hawak sa kanyang kamay. nakita ko'ng nakatingin si Joseph)


Umakyat ako ng entablado at kinanta ang nakasulat sa kwaderno ko.


You give me hope,
The strength, the will to keep on;
No one else can make me feel this way
And only you
Can bring out all the best I can do;
I believe you turn the tide
And make me feel real good inside.

You pushed me up
When I'm about to give up;
You're on my side when no one seems to listen
And if you go,
You know the tears can't help but show
You'll break this heart and tear it apart;
Then suddenly the madness starts

CHORUS:
It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me say,
I'm with you through all the way.

'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me

You pushed me up
When I'm about to give up;
You're on my side when no one seems to listen
And if you go,
You know the tears can't help but show
You'll break this heart and tear it apart;
Then suddenly the madness starts

CHORUS:
It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me say,
I'm with you through all the way.

'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me.



itutuloy...




Monday, March 1, 2010

Ang Kwaderno ni Bino (ikalawang yugto)

ang unang yugto ay mababasa dito

Himala. Milagro. Totoo daw ito sabi ng karamihan. At tanging mga banal na nilalang lamang dito sa mundon'g ibabaw ang pinagkakalooban ng kapangyarihan na makita ang hinaharap, makapagpagaling ng mga may karamdaman, atbp. Pero sino ba naman ang magaakala na ang aking lumang kwaderno ay lilikha ng isang "milagro" Kasalukuyan ako'ng nagsusulat ng kanta ng araw na iyon sa music bar na aming pinagpapraktisan. Ngunit tila hindi umaayon ang aking isipan sa pagsusulat dahil ilang beses ko mang basahin ang aking komposisyon, pangit pa rin sa pandinig at panlasa ang dating ng bawat letra ng kanta. Agad ko itong pinunit at ginawang bolang papel. Hinahagis hagis ko ito sa ere at nang nagsawa ako, ibinato ko ito sa aking likuran.

Dianne: Arggh! Sino nagtapon ng basuran'g to?!! (sa may kalakasang boses kasabay ng paghawak sa kanyang pisngi)

Bino: (Utak: buti pa ung basura nakadampi na sa pisngi niya)

Dianne: Ikaw!!! Sa yo to'ng basurang to noh?

Bino: Ako? (sabay ng tawa ng mahina)

Dianne: Hey you! Why are you laughing? Did you find this incident entertaining? We have a garbage can here!

Bino: (utak: nasa call center ba ko? parang irate customer ang kaharap ko ah) I do apologize for the inconvenience, rest assured it won't happen again. (sabay ngisi)

Dianne: Are you crazy?

Bino: Yes i'm crazy for you, touch me once and you'll know it's true! (Sinadya ko yun para lalo siyang inisin)

Dianne: Sa tingin mo nakikipaglokohan ako sa yo? Eto nang basura mo!

Bino: Hey wait Dianara!

Dianne: What the... It's Dianne! Yan oh, ang laki-laki ng name ko sa poster dito sa [name of bar sa alabang] Kailan pa naging miss universe ang name ko ha? At tigilan mo na yan, nakatingin na ung mga waiters dito oh (sa pabulong nyang sabi)

Bino: I see. Dianne. What a beautiful name. I'm Arvin Montilijao Bautista a.k.a Bino. Nice to meet you (sabay lahad ng aking kamay)

Dianne: Hahahhaha (kusa nyang inabot ang aking kamay)

Bino: bakit?

Dianne: La lang, talagang kailangan buong pangalan.

Bino: Ah, kala ko may balat ng malunggay ako sa ngipin. Bino na lang for your convenience.


Milagro ngang maituturing ang naganap na pag-uusap namin ni Dianne. Tubig at langis. Langit at lupa. Ito ay sa kadahilanang, ang banda niya ang most applauded sa bar na yun. Maraming tagahanga. Maraming nagrerequest. Pero matapos ang chit-chat namin ni Dianne, nasundan pa ito at di naglaon ay naging close na kami.


Pagpunta ko ng bahay nila Enzo, para ako'ng sikat na sikat na artista na naglalakad sa red carpet at tinitilian ng mga tagahanga. Ganun ang aking naramdaman.


Enzo: and the oscars goes to... Bino Bautista!!!!

Jam at Ryanjames: Congratulations! Palakpakan!!!

David: Swerte mo parekoy! Kala namin, wala sa isa sa atin ang makakahawak ng kamay ni Dianne! Nagmimilagro nga ang kwaderno mo! hahahaha

Bino: Mga Ul*l! Para kayong mga sira!

Jam: Dahil dyan...

Lahat: May nagtext!!!



Natigil lang ang aming paglolokohan ng singhalan kami ng kapitbahay. Parang fairytale lang ang mga pangyayari. Siya ang aking prinsesa. Dati hindi ko maabot ang mundo niya. Pero ngayon, tila ang mundo namin ay naging isa.




itutuloy...




Monday, February 22, 2010

Ang Kwaderno ni Bino

disclaimer: ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay ng may-akda. anumang pagkakahawig nito sa ibang lathalain ay hindi sinasadya


Sabi nila, may mga kwento daw sa likod ng mga bagay na iniingatan natin. Merong masaya, at meron ding malungkot.Merong may konting tamis, konting asim, konting anghang, at paminsan-minsa'y meron din'g konting pait. Katulad na lamang ng kwaderno na naninilaw na sa kalumaan. Kung saan-saan na napadpad ang kwadernong ito. Mula nang una ko iton gamitin, nakarating na ito ng Batangas, Bataan, Olongapo at muntik na ring mapasakamay ng grupo ng mga Abu at MILF. Sinubukan ko na itong itapon ngunit katulad ng isang boomerang, bumabalik pa din ito sa akin.


Sa mga susunod na araw, maaaring malaman nyo kung ano ang laman ng kwadernong ito.


Ako ang tao'ng malihim. Sa kabila ng pagiging maingay ko sa mga kabarkada at kapamilya ay nananatili ang pagiging hindi paglabas ng aking tunay na nararamdaman. Misteryoso daw sa tingin ng iba.


Para sa mga first time visitors ng damuhan, ako nga pala si Bino. Pangalan pa lang popular na. Naks! Isa ako'ng keyboardist ng banda na tumutugtog ng mga ala Richard Poon na musika sa mga hotel sa Metro Manila. Madalas ding napapahamak ang banda namin dahil sa katarantaduhan na ginagawa ko. Para matuloy ang gig, nakikiusap na lang ang bokalista namin na intindihin na lang ako. Hindi ko na idedetalye ang mga kabalbalang ginawa ko maliban sa pagbuhos ko ng juice sa isang manager ng hotel sa Alabang na madalas naming tugtugan.


Sa kabila nga ng pagiging makulit ko, malambot ang puso ko. Umiiyak ako sa mga teleserye at sa mga pelikula ng Star Cinema na may mga linyang "You had me at best" atbp. Emosyonal at sensitibo ako'ng tao
. Ganun pa man, may mga tao'ng nagtitiyaga pa rin sa kabila ng aking ugali.


Lahat ng mga kaibigan ko, kasama ko sa banda at naging miyembro ng banda. Hindi pa kasali dito ang mga kaibigan ko sa opisina, at sa cyberspace. Si Enzo ang gitarista, si Jam ang drummer, ako sa keyboards, RyanJames sa bass at David sa vocals. Lahat kami'y nagkakasundo sa halos lahat ng bagay. Naghahati-hati sa pagkain, sa pera na kinikita mula sa mga gigs atbp. At minsa'y naghati-hati din kami sa isang babae. Lahat kami nagpapantasya'ng makasabay sa pagkanta si Dianne. Isang bokalista ng bandang sa ngayon ay tumutugtog sa isang bar sa Alabang.


Isa lang ang pangarap ko, ang makasabay sa pagkanta si Dianne. Kahit hindi sa gig, basta gusto ko'ng handugan siya ng kanta.


Itutuloy...