July 12, 2008

Best Things about Pinoys (Part 1)

Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon noh? Ang dami nang nagbabago. Ilan'g beses na rin tayo'ng nagpapalit ng pangulo. Ang dating murang bilihin noon, parang ginto na ang presyo ngayon. Patuloy pa rin sa pagtaas ang presyo ng krudo sa world market na sadyang nakakaapekto sa ating mga Pilipino. Pero alam ba ninyong mayroon pa rin namang mga bagay na hindi nagbabago maliban sa hitsura ko. Mga classics 'ika nga. Para bang mga selyong nakatatak na sa kaibuturan ng ating puso at pagkatao (O ha! lalim ng tagalog!), nagdidikit sa atin na paran'g kambal-tuko. Ano nga ba ang mga ito na talaga namang maganda sa pagiging pinoy? Eto na ang una'ng parte (salamat sa Google!):

1. Merienda - Siyempre! five times a day ang kain natin! Agahan, Tanghalian, Merienda, Hapunan, at midnight snacks.

2. Sawsawan - Iba't ibang uri na talaga namang gumagarantiya sa kalayaan ng ating mga panlasa. Paborito: Toyo't calamansi, suka at sili, patis.

3. Kuwan, ano. - Loss for words? Subukan mo yan at magugulat ka kung bakit naiintindihan pa rin ng mga pinoy ang gusto mo'ng ipahiwatig.

4. Tingi - Buti na lang may mga maliliit na tindahan! San ka pa ba makakabili ng sigarilyo, sabon, paminta, asin asukal atbp in small amounts sa muran'g (mura pa kaya?) halaga?

5. Humor - Ewan ko ba, magaling talagang magbitaw ng joke ang mga pinoy.

6. Spirituality - Bago pa man dumating ang mga kastila sa Pinas eh ang mga ninuno natin ay may mga kanya-kanya nang anito, bathala atbp.

7. Po, Opo, mano po - Tanda ng pagiging magalangin. Hindi pa to nawawala!

8. Pasalubong - Siyempre, maguilty ka naman kung paguwi mo galing abroad eh wala ka nito.

9. Beaches - 7,000 mahigit na isla. San ka pa? Dami natin nyan! Boracay, Batanes, Palawan.

10. Bagoong - May dalawang uri: bagoong-alamang at bagoong-isda. Alamang ang tuyong version at liquid form naman ang bagoong-isda.

11. Bayanihan - Likas na sa atin ang pagkakapit-bisig. Walan'g iwanan lalo na sa inuman!

12. Balikbayan Box - Pag may pasalubong ka mula abroad, dito mo ilagay!

13. Pilipino Komiks - Tulad na lang ng Hiwaga Komiks, Aliwan, Liwayway, Funny Komiks, Lagalag, Kulafu, Kenkoy, Dyesebel (na binaboy na ng GMA-7) at marami pa'ng iba.

14. Folk Songs - Kaya nga may AAWITAN KITA

15. Fiesta - San mang sulok ng Pilipinas, may Fiesta. Kahit gaano kahirap, basta fiesta, tiyak na langing may pagkain sa hapag-kainan.

16. Aswang, Manananggal, Kapre - Yan at mga dwende, galing sa mga makukulay na alamat natin.

17. Jeepneys - Makukulay na sasakyan na pangunahing transportasyon ng masa.

18. Dinuguan - Blood stew or bloody beef/pork. Masarap ipares sa puto! Makalat pero masarap!

19. Santacruzan - Hindi lang to isan'g beauty contest! Sumasalamin din sa pagiging relihiyoso ng mga pinoy.

20. Balut - Nafeature sa fearfactor! Mga di nabuong sisiw na lumalangoy sa sabaw. Sarap!

Dalawampu pa lang yan ha. Abangan ang pagpapatuloy sa mga susunod na post ang iba pang magagandang bagay sa pagiging pinoy.






0 ang nakaappreciate:

Post a Comment

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS