Petiksology - hinango sa salitang PETIKS na siyang tawag sa mga oras na kunyari may ginagawa pero wala naman talaga. Tawag din sa sadyang pagpapabagal ng trabaho para makumpleto ang 8 oras ng walang ginagawa.
Sabi sa isang source na hindi ko malaman kung san ko nahagilap, ang "-oxology" ay nagsasaad ng pag-aaral ng isang bagay. Kaya pag ito'y ikinabit sa salitang PETIKS, ibig sabihin, ito ay pag-aaral ng kapetikshan!
Kung tutuusin naman, may kabuluhan din ang kursong ito lalo na sa mga tao'ng nasa gobyerno! (Ang tamaan, GUILTY!!!) Marami'ng kawani ng pamahalaan ang nagtapos ng kursong ito. Di lang taong gobyerno kundi karamihan ng mga nagtatrabaho dyan! (heheheh, minsan, ginagawa ko yan. Kaya ikaw, wag nang magmalinis!)
Ano kaya'ng trabaho ang nag-aantay sa mga kukuha ng kursong ito? Teka, pano nga pala ang mga estudyante pa lang?
Yung mga tamad mag-aral at walang alam gawin kundi lustayin ang pera ng magulang kakakuha ng double degree na di naman tinatapos, pwede ito'ng gawing second course. Kung may BS Chemical Engineering at BS Chemistry na double degree, Pwede ring magkaroon ng BS Commerce at BS Petiksology na bagay na bagay kung magtatrabaho ka sa customs!
Pasensyahan na lang sa mga tinamaan. Di naman maipagkakaila na talamak ang kapetiksihan sa Pilipinas. Naging witness na rin ako sa ganyan. Lunes na lunes, 3 oras ang lunch break sa NBI? Wahahahaa.
Pero masarap naman talagang pumetiks di bah? ^^
BDV-798131-BDV
hindi ako gradweyt ng petiksology.
ReplyDeletepero pumi-petiks ako ngayon, as in ngayon mismo.
mahilig lang siguro akong magpahinga. hehe.
ako short course ko lang yan ^^
ReplyDelete