Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi
maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng
trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.
E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?
Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore . Bigyan
mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng
mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang
pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..
Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo
sa kalye. Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang
underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para
makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8
ng gabi. Bumalik KA sa parking lot
para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng
oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa
Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?
Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai .
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip
ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng
kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang
tao ang mga long distance na tawag mo..
Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour
sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo
kung sino ako?"
Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng
sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo ?
Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles
sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?
Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.
IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa
pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.
IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang
sa lupa.
Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa
bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa
Pilipinas?
Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay
may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at
pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may
katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto
nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng
hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"
Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis
matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan .
Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.
Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at
pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang
responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at
umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.
Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi
naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung
saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso
ng papel para itapon sa basurahan..
Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang
hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa
pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa,
maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman
nating ginagawa ang mga ito.
Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo
ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa
kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan
na ating sinumpaan sa ating pamilya
nuong narito pa tayo.
Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita
natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal
na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin
sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at
responsibilidad ng isang
magulang.
Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang
magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang
magpapabago sa aking pamilya?"
E sino ang magbabago ng sistema?
Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa
atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang
tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi
kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog
sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa
loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga
lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid
na mga himala.
O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi
pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa
Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang
sistema. Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o
Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay
agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may
digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong
Pilipino.
Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na
handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga
mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng
isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa
konsyensya.. Medyo inuulit ko lang
ayon sa ating salita ang mga salita ni John ....F..Kennedy sa kanyang
kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:
"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating
bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang
Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang
kanlurang bansa ngayon."
Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa
atin.
oo nga naman... be the change you want to see in the world *tama bah?* hehe.
ReplyDeletetama ka doon kabayan :-) salamat sa post na ito, nagbukas ng mata ng ating mga kababayan na laging nagrereklamo sa ating bansa pero wala namang ginagawa.
ReplyDeletelet there be peace on earth and let it begin with me,.......same analogy. I you want change, progress or whatever it is, you should start. Pointing a finger to another person will not do it. Kalat mo, ayusin mo>>>>>
ReplyDeletetama.
ReplyDeletehuwag mo nang hintayin ang mga pulitiko na simulan ang pagbabago; pangunahan mo ito sa sarili mo.
hindi lang mga pulitiko kundi lahat tayong mga Pilipino ang may pakana sa kung anuman ang nangyayari ngayon sa ating bansa.
natumpak mo kabayan kung ano dapat gawin natin para sa pagbabago...
ReplyDeleteamen! ... well said!
ReplyDelete