12:30 ng madaling araw. Ginising ako ng kumakalam ko'ng sikmura. Tila isan'g ungol ng leon kung lumikha ng tunog. Nagugutom ako. Ang bilis nalusaw ng mga bituka ko ang 3 cups ng kanin, 2 fried chicken, 2 mamon at 1 siopao na kinain ko nung hapunan. Oo. Matakaw ako. Sa kabila ng pagiging patpatin ko ay nagagawa ko'ng pagkasyahin ang mga pagkain sa tiyan ko. Wala naman ako'ng alaga. Pero bakit napakatakaw ko, hindi ko alam. Basta, di ako makatulog hangga't di ako nabubusog. Kaya naman di ko na pinatawad ang lamig ng pritong porkchop na nasa refrigerator. Nilantakan ko iyon sabay tungga ng isang bote ng iced tea. Solb! Busog na ko.
Kaya naman dahil ako'y nakakain na, pwede na ako'ng matulog. Pero siyempre, kailangan ko muna'ng antaying bumaba ang kinain ko dahil ayaw ko'ng bangungutin. At habang ako'y nagaanatay magpababa ng mga kinain ko, umandar na naman ang malikot ko'ng imahinasyon na wala namang kinalaman sa kagutuman at kabusugan ko pero sayang naman kung hindi ko ikukwento.
Naisip ko na lang bigla na pano kung ang mga sumusunod na tao'ng ito ang magiging pangulo ng ating bansa?
1. Pokwang - siguro, habang buhay na hahalakhak ang Pilipinas. Mapapahephep-hooray ang mga investors dahil sa skimberlu, chenelin at churva niya.
2. Pooh o Diego - Si pooh na gumagaya ka y Paquiao o si Diego naman na pambansang bading. Baka maghari ang kabadingan sa buong country! Patay tayo dyan!
3. Willie Revillame - Para masolusyunan ang kahirapan ng bansa, papalawagin nya ang "willie of fortune". Bilang bwena mano sa bagong format ng game, ang mga unang maglalaro ay mga senador, congressman at gabinete nya. Premyo ang kaban ng bayan.
4. Marian Rivera - eh di daanin na lang sa sayaw! Muling bubuhayin ang cha-cha kasama ang tango at boogie. Kaso, hanggang sayawan na lang. Dahil tuyo ang utak ng presidenteng ito.
5. Joey De Leon - habang buhay na maghahari ang bastos sa bansa. At tiyak na magsasara ang ABS-CBN dahil ipapaban niya ito dahil sa tindi ng galit nya sa nasabing network. Maghahari sa bansa ang Kapusod Network.
6. Kuya Kim - pangangalagaan niya ang kalikasan. Papalitan ang DENR ng bagong pangalan: Matang Lawin. Sya na rin ang mag-aanounce kung suspendido ang klase at ang opisina ng gobyerno.
7. Big Brother - magkakaroon ng mga security cameras sa loob ng bawat tahanan ng bawat pamilyang pilipino. Sa ganito daw paraan, mas maiiwasan ang mga krimen. At lahat ng mahuhuling bumabatikos sa kanyang pamamalakad ay magkakaroon ng consequence.
Hanggang dito na lang muna. Natunaw na naman ang kinain ko. Malalim na ang gabi. Oras na para magpahinga. Adios ^^
parang ok si big brother maging pangulo dahil sa security cameras... pwede nating ihack ang system at mag-stalk sa crushes wahahaha
ReplyDeleteayus sa pag iisip...naaalala ko 2loy c bob ong!:-) magandang araw!
ReplyDeleteMusta, this sounds bullying. Anyway, looks familiar your layout and I like it.
ReplyDeleteI need your help. Pls vote for me & go to Thoughtskoto,locate pinoy expats 2008,which is located in the middle of the blog and then vote for The New Beginning, Ronel Livelihood & Absolutely Joro.Thanks.
Ronel Livelihood
Joro, The New Beginning
Absolutely Joro
The World Of Joro
The Tale Of A Bukidnon Lad
haha, i like what you wrote about marian... haha, maka-angel ka? ...nasa iisang bangka tau kaibigan.
ReplyDeletehirap maging voter pag eto ang mga tatakbong presidente ng pilipinas..hahahaha..
ReplyDeletegaling!
Kaasar ka!
ReplyDeletewoo dito ko.
ReplyDelete6. Kuya Kim - pangangalagaan niya ang kalikasan. Papalitan ang DENR ng bagong pangalan: Matang Lawin. Sya na rin ang mag-aanounce kung suspendido ang klase at ang opisina ng gobyerno.
haha. benta eh. =)) natawa ko. haha.