August 12, 2008

Chismis

"Alam mo ba na may relasyon yang si Girlie kay Junjun?" narinig ko'ng sabi ni Manang Jojit kay Jenny.

"Oh talaga? Kaya naman pala madalas nandyan ang lalaki! Eh di ba nasa abroad ang asawa nyang si Girlie? Ano namang mapapala nya kay Junjun eh chemist yan." ani Jenny.

"Chemist? Eh ang alam ko di pa nakatapos ng highschool yang damuhong yan ah!". nagtatakang tanong ni Manang Jojit.

"Chemist: ke misis umaasa!"

"Bwahahahhhahahaha" sabay na tawa ng dalawang chismosa.




Chismis.



Chismis....




Chismis......






Mahilig daw ang karamihan ng mga Pilipino sa chismis. Sa pagkakaalam ko, walang lugar sa Pilipinas na hindi ka makakakita ng mga tao'ng nagbubulungan, nag-uusap tungkol sa buhay ng iba. Mga pakialamera sa buhay ng may buhay.

Nakakaliw daw ang ganitong libangan kung libangan man itong maituturing. May kapitbahay ako na parang hindi mabubuhay pag walang naibalita tungkol sa lovelife ni Piolo Pascual, sa kalaguyo ni Gretchen Barreto at kahit pusang pagala-gala sa lansangan ay di pinalalagpas. Ganun kabilis lumipad ang mga impormasyon sa kanya. Hindi mo na nga kakailanganin sila Boy at Kris o kahit si Ogie Diaz at Kristy Fermin dahil halos alam na alam nya lahat ng nangyayari sa showbiz at sa ordinaryong pamumuhay ng bawat tao. Minsan na ngang nakapagtala ng record ang kapitbahay kong to bilang pinakamatagal makipagtsismisan. Nakita ko siyang tumambay sa aming tindahan ng alas-siyete ng umaga. Pagkatapos ko ng gawaing bahay mga bandang alas diyes, nandoon pa rin siya at panay ang putak sa kung sino mang bumibili sa tindahan. Alas dose na ng tanghali, nandun pa rin siya. Pasado ala-una na ng maalala nyang magsasaing pa pala siya dahil walang kakainin ang mga anak nya. Guiness!!!

Pero minsan, mukhang hindi sinuwerte ang chismosang kapitbahay. Dahil sa sobra nyang daldal, nakarating sa taong ichinichismis nya ang mga pinagsasabi nyang kesyo nagpaabort daw ito dahil di pa handang maging ina. Walang atubiling nagpatawag ng barangay ang taong ito. Sa barangay hall na lang sila nagkaharap.

Ang resulta, nagcommunity work ang chismosang kapitbahay namin ng 1 araw. Linis ng kanal, tapon ng basura, walis ng kalsada atbp. At pinagmulta pa ng limang libong piso bilang danyos.

At yan ang napala nya dahil sa pagiging chismosa.

Iba naman kasi ang taong may pakialam sa tao'ng nakikialam.


Kaya naman sa iba pang chismosa dyan, di ko kayo pinagbabawalan. Sige lang, dyan kayo masaya eh. Pero walang sisihan ha. With great chismis comes great consequence. Naks! Adios ^^











4 ang nakaappreciate:

  1. Chizmiz makes the Philippines go round! ... and hey sabi nga ng tita kong chismosa magandang panawid gutom ang pag chichsimisan! :D

    ReplyDelete
  2. tama yun!
    dapat bawasan ang pagiging chismosa..
    lalo na sa aming mga gurlz..
    parang kasama na sa lifestyle yan..
    nakadikit ba sa balat..

    pero syempre may consequences yan..



    >>>(a.k.a. LOVE)<<<

    ReplyDelete
  3. hahaha. gusto ko ang parting words mo ala-spiderman... with great chismis comes great consequence. naks talaga! hahaha.

    aminado ako chismosa ako at usisera... pero responsible! parang responsible journalism lang yan. hakhakhakhak. XD

    ReplyDelete
  4. I love this article :)
    No wonder, ang mga chismosa... natamaan. (not mentioning any names or kahit sa mga nagpost ng comment dito)
    Gaya rin yan ng mga epal, sumaya sila habang nakikisawsaw o pinag-uusapan ang buhay ng isang tao. Well, naranasan ko nang pag-usapan ng iba ^^ pero ito lang masasabi ko. I love it, your making me more popular :) pinasisikat nyo lang kami. well, paghusayan nyo pa.. I cant blame you sa mga nature nyo, Uncultured. Keep it up :)

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS