August 18, 2008

Gameshows

"Five hundred thousand pesos! Matutubos mo na ang lupa mo sa Bicol. Pero buhay na buhay pa rin ang 2 million pesos! That only means na the 2 million is in your briefcase! So , is it a deal or no deal?"




"NO DEAL!!!"




"At ang nilalaman ng briefcase mo ay....... piso!"




*sound effects* kwekkwekkwekkwek



Pera na, naging bato pa. Kung di siguro siya naging ganid sa pera, he could have been five hundred thousand pesos richer. But that's life. We are the ones building our future... building our path. No one should be blamed but you. You are the... teka nga muna, bakit ba painggles-inggles pa ko? Kaya pala umagos na naman ang dugo mula sa ilong ko eh.

^^punas punas^^


Nasuspense na naman ako sa laman ng briefcase ng contestant sa gameshow na KAPAMILYA: DEAL OR NO DEAL. Sayang eh. Kung ako ang nasa katayuan nya, nag-deal na ko sa offer ni banker. Aba, di mo mapupulot ang ganun kalaking pera!

Kapansin-pansin na ang daming pinoy ang nagiging suki na ng mga gameshows. Para sa ilan, ito lang ang alam nilang paraan para biglang yumaman. Hindi balen'g mapawisan at mainitan sa pilahan kung kapalit naman nito'y ang pag-asang biglang maiahon ang pamilya sa kahirapan. Noon pa man, ang dami nang mga gameshows. Pero masasabi ko'ng bigla ito'ng kabuteng nagsulputan nang ipalabas ang WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE? sa IBC 13. Hosted by Cristopher De Leon, bawat questions, multiple choice. Sa bawat tama, aakyat ang pera mo sa mas mataas na halaga. Kapag di mo alam ang sagot, mayroon ka'ng mga lifelines na ask the audience, phone a friend, at 50/50.

Di ko alam kung ano ang nauna sa Game Ka na ba or Weakest Link. Basta ang alam ko, sa weakest link ako nag-enjoy dahil biglaan ang tanong at may time pressure. Nakasali pa nga ako dati. Nakakahiya man pero ang dali-dali na nga ng tanong, nagkamali pa ko ng sagot!

EDU: Arvin, saan tinatali ang sintas, sa tsinelas ba o sa sapatos?

AKO: TSINELAS!!!


Kaya naman, ako ang nadeklarang "The weakest link"! Hehehe. Pero swear talaga, pag nandun ka, tambol-tambol na kaba ang mararamdaman mo. Iba kasi ang ambiance. Seryoso pa si Edu. Tapos.. Tapos... Oo na! Di ko talaga alam ang sagot!


At mula nga noon, dahil sa kahihiyan ay di na ko sumali sa mga gameshows. Kaya hanggang panonood na lang ang ginawa k. Ako na ang nanlalait sa mga contestants ng Wheel of Fortune, Whammy, Gobingo atbp.


Aminin man natin o hindi, nagkakaroon ng pag-asa ang mga ordinaryong mamamayan dahil sa mga yan. Masasabi ko'ng sugal ang isang gameshow. Sugal ang buhay. Pag di ka marunong lumaro, you'll go home with nothing! Goodbye!










3 ang nakaappreciate:

  1. yan ang hirap sa mga contestant, masyadong naghahangad ng malaki.

    hindi makuntento

    ReplyDelete
  2. ang galing, nakasali ka na? ako gusto ko makasali. secondary na yung dahil sa pera. mas type ko yung exposure. nyahaha!

    siguro pag ako nakasali. like sa gknb. babati talaga ko... hi sa mga katambay ko jan sa damuhan.. mga ganun. nyehe!

    ReplyDelete
  3. naks, weakest link ka pala! oks lang un no. ung officemate ko ata ngayon, nanalo dati sa deal or no deal. di ko pa matanong magkano napanalunan nya kasi di pa kami close wehehe...

    onga no, WWTBAM ang nag-umpisa ng mga to. kaso minsan parang nakakalunod na sila, ala na bang iba? halatang dun na lang umiikot buhay ng pinoy e no. naalala ko na naman batibot hahaha.

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS