August 25, 2008

Pinoy sa Simbahan

Kilala ang Pilipinas sa natatanging catholic country ng Asya. Sabi nila, relihiyoso ang pinoy kaya naman madalas tayo sa simbahan para maglingkod sa Diyos. Pero mukhang hindi lahat ay nagpupunta doon para makinig ng misa. Kamakailan lamang (kahapon!), ako'y nagsimba para ipagpasalamat ang lahat ng biyayan'g dumarating sa buhay ko at sa aking mga mahal sa buhay. Dahil sobrang kapal na ng mga tao, sa bandang likod na lang ako nakaupo. Pinilit ko'ng ituon ang mga tainga sa sermon ng pari. Salamat naman at naintindihan ko rin ang gusto'ng iparating ng sermon. Pero pagkatapos na pagkatapos ng sermon, nagsimula nang umugong ang mga boses ng mga taong malapit sa aking kinauupuan. Hindi yata't nakalimutan na di pa tapos ang misa at sila'y nasa simbahan. Hindi naman sa paghuhugas kamay na parang si Poncio Pilato pero dahil sa malakas ang mga boses nila, di yun nakaligtas sa aking pandining.


ALE: Hay sa wakas at natapos din ang sermon! Di na ko mapakali dito sa kinauupuan ko!

MAMA: Nakatulog na nga ako dine eh! Ala'y ano kaya'ng nangyari dun sa tinayaan ko sa jueteng??

TEENAGE GIRL: hay naku dad, you're just wasting your money sa jueteng. Oh wait lang ha, text ko lang friend ko.

ALE: Uy mare, alam mo ba yang mga servants na yan, nakita ko minsan sa mall! Ay sus! Pagkalalandi! Kumekerengkeng sa mga batang lalaki dun!

ALE 2: Kebarbaridad! Naturingang mga tao ng simbahan eh. Oh tingnan mo naman yung isan'g yun! May gana pa yang pumunta dito eh kakapalaglag lang nyan nung sabado!

ALE 3: Ay panginoong mahabagin, sinusunog na siguro kaluluwa nyan sa impyerno kaya naisip magsimba! Aba mare, dami mo yatang alahas ngayon?

ALE: Eh siyempre naman, sinuot ko talaga yan para mapansin ng mga dito kung gaano ako kasosyal!

Minabuti ko na lang lumipat ng kinauupuan. Sa kabutihang palad, di ko na rinig ang mga panlalait at chismisan ng mga taong yon.

Ganito na ba ang Pinoy ngayon? Wag naman sana lahat.









4 ang nakaappreciate:

  1. endi naman lahat, nataon lang siguro na mejo naakit magkwentuhan ng gnong topic ung malapit siu..

    madami pa ding katoliko na pumupunta sa cmbahan upang busugin ang kaluluwa nila! :D

    ReplyDelete
  2. Tama ka bro, pero hindi lahat ng pinoy ganyan, mga katolikong pinoy siguro. Kung gusto mong makakita ng totoong pagsamba sa Diyos mag-observe ka sa Iglesia Ni Cristo.
    Nice blog.

    ReplyDelete
  3. totoo ba un?

    talagang ganun yung mga exact words?

    parang di ako makapaniwalang nangyayari pla un??

    grabe nmn pla...

    ReplyDelete
  4. HOOO. ayus ah. pwede ko bang i-link to sa blog ko? ang amaayzing eh.

    tska di ah(ysrael). marami pa reng mga KATALIKONG PINOY na marunong magdasal. Tulad ni ano at ni kwan! =))

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS