"Ate, talaga po ban'g may kakaibang nangyayari dito sa apartment nyo?" tanong ko.
"aba'y wala. Matagal na ko dito at 10 taon na yang apartment na pinatayo ko pero ni isa'ng multo o anuman ay wala ako'ng nakita." sagot niya.
"Ah ganun po ba? Wala po bang alamat tong lupa na kinatitirikan ng bahay na to?"
"Iho, siguro nagdadrugs ka noh? Wahahahha" Ang tanging naisagot na lang ng landlady ko.
Nagkibit balikat na lang ako at pumasok sa opisina. Pansamantalang naalis sa balintataw ko ang pangyayari'ng yaon. Masaya ako'ng nagtrabaho at nagmonitor ng mga recorded calls ng aking mga agents. (dahil sa qa specialist ako, morning shift ako)
Alas nuwebe na ng gabi ng makauwi ako sa bahay. Dala ng sobrang pagod at stress sa mga managers, di ko na nakuha pan'g kumain. Naglinis na lang ako ng katawan at agad dumiretso sa aking higaan.
Pasado alas-dose ng madaling araw. Muli ko na namang narinig ang tinig.
"Bino!!! Di mo bah ako tutuhlungannnn? Ihlang arawww nah akhong nahihirapaaaan!"
Biglang lumakas ang kaba sa aking dibdib. Para'ng naging silent movie ang buong apartment na tinitirhan ko at tanging tibok ng puso at ang boses na yun ang aking naririnig.
Sa kabila ng kahindik hindik na tinig, nanaig pa rin ang lakas ng loob ko at tinungo ang banyo kung saa'y patuloy ang hikahos na tinig.
"Nasan ka!!! Magpakita ka!" sigaw ko.
"Patuloy kang nagbubulag-bulagan! Ilang araw mo na kong pinapabayaan!!!" galit na sabi ng tinig
Nilibot ko ang buong banyo pero ni anino ay wala ako'ng nakita.
"Imulat mo ang iyong mga matahhhhh! Nandito ako!!!" ang sabi ng tinig
"ikaw!!! Hindi!!! imposible!!!" ang sagot ko.
"Ako nga. Responsibilidad mo ako pero ni hindi mo ko binibigyan ng pansin!!!!" ang sabi ng tinig.
Noon di'y natauhan ako'ng bigla. DI ko na naisip na napabayaan ko siya. Dahil sa madalas na trabaho. Bihira ako'ng makapasok sa banyo at sa office na lamang naliligo.
"patawarin mo ko. Ano'ng maaari ko'ng gawin?" tanong ko.
"Gawin mo ang nararapat." ang sabi nya.
Agad ko'ng kinuha ang toilet cleaner, asido, pamboba at 3 timbang tubig.
Binuhusan ko siya ng ilang ulit.
Maya-maya pa, tila nagliwanag na ang lahat.
"Hayyy. Salamat bino. Ngayo'y matatahimik na ko. Basta lagi mo'ng tatandaan ang mga responsibilidad mo." sabi niya.
"Lagi ko yang itatanim sa aking isipan." sabi ko.
Mula noo'y lagi ko nang pinananatiling malinis ang inodoro sa tuwing ito'y gagamitin ko. AT mula nga noo'y natigil na ang pagpaparamdam ng mahal ko'ng inodoro.
wakas
anu kaya yun????
ReplyDeletebwahaha. kala ko naman isang multo story ito. takot pa naman ako sa multo.
ReplyDeleteahehehe...tama yan, maglinis ka ng CR..nyahehe...
ReplyDeleteayuz...10/10..
pero link-ex nmman po tau (*pasimple*)...ahehehe... tnxtnx...
http://supergulaman.blogspot.com
hehehehe...
ReplyDeleteakala ko totoo...
biglang Toinkz!!!!
joke lang pla..
inabangan ko pa nmn..
hehehe..
hay....kaw ha...medyo natakot ako nung una ha!hehheheh...
ReplyDeletewag mo kc kalimutan linisin bino...heheh..
nice entry again!
Hey Guys!
ReplyDeletePlease do add my other blogs youre already there.
http://shzainzy.blogspot.com
http://shzainzy2.blogspot.com
http://shzainzy3.blogspot.com
http://shzainzy4.blogspot.com
http://shzainzy5.blogspot.com
ThaNKs a lot!
you can check it out if you want.
hahahhahaa....nice one tol....
ReplyDelete