Nagising na lang ako ng maulinigan ko ang boses na yun. Hindi ko pinansin sa pag-aakalang guni-guni ko lang.
"Binooooo! Hiraph nahh hiraphhh na kohh!!.. Tuhlungggan mohhh kohhh!"
Palakas ng palakas ang sigaw. Natiyak ko'ng may tumatawag nga sa akin. Agad akong bumangong mula sa aking kama at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig na yon. Nagmumula ito sa banyo. Dahan-dahan ako'ng lumapit sa pintuan at marahang kumatok.
"tuhlungan mo akoh!" ani ng tinig.
Napansin ko'ng nakatrangka ang pintuan. Hindi kaya may nakulong lang na tao sa loob ng banyo ko? Imposible! Ako lang mag-isa ang nakatira sa apartment na ito.
Agad ko'ng binuksan ang pintuan upang makita kung sino o ano ang nasa loob. Ngunit wala... Wala ako'ng natagpuan. Binusisi ko'ng maigi ang bawat sulok ng banyo. Wala talaga. Minabuti ko na lang na bumalik sa aking kama at ituloy ang pagtulog.
Ngunit sa aking isip ay may naiwang katanungan:
Guni-guni lang ba ang tinig na yun? Kung totoo mang narinig ko yun, bakit sa banyo? Ano ang misteryosong bumabalot dito?
itutuloy...
waaahhhhh...may multo dyan bino..
ReplyDeletenakakatakot naman...pero aabangan ko xa..heheh
nice one! newbie lang pala ako sa blogging sana maging kasama ko kayo sa pag gawa ng blog ko, honestly wala talaga akong kilala sa mundo ng blogging, kaya ito naghahnap ng mga new friends sa mundo ni blogging sana ma link ko yung blogsite ko kung pwede. . . thanks po god bless!
ReplyDeleteEto po pala ang blogsite ko : pasensya na medyo bago palang kasi. .
ReplyDeletepinoyblogerista.blogspot.com
hehehe....