September 27, 2008

Pinoy Movie Lines

Madalas ako'ng nangongolekta ng mga linya mula sa pelikulang pinoy. Minsan, tinatanong ako ng mga officemates ko kung bakit ko ginagawa to. Ang sabi ko, natutuwa lang ako sa mga imortal na linyang ito. Naalala ko pa ngang ginagamit ko ang mga linya ng pelikula sa kanila. Pero ang madalas ko'ng gamitin dati ay ang linya ni Sam Milby sa teleseryeng (oo! di ito movie!) Maging Sino ka Man. Kung ikaw ay isang true-blooded kapamilya, malamang alam na alam mo ang linyang "I never... said.... that I love you!". Ngayong araw na to, popost ko ang mga linyang aking napanood sa iba't ibang pinoy movies at ang iba nama'y nabasa ko sa iba't ibang forums.





1. “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!"—Cherie Gil, “Bituing Walang Ningning” (1985)




2. “Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”—Vilma Santos, “Palimos ng Pag-ibig” (1985)




3. “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat!"—Nora Aunor, “Himala” (1982)




4. “My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!"—Nora Aunor, “Minsa’y Isang Gamugamo” (1976)




5. “Once, twice, thrice, gaano ba kadalas ang minsan?"—Hilda Koronel, “Gaano Kadalas ang Minsan” (1982)




6. “Ayoko ng tinatapakan ako. Ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!"—Maricel Soriano, “Kaya Kong Abutin ang Langit” (1984)




7. “Hayop... Hayuuup... Hayuuupppp!"—Nora Aunor, “Ina Ka Ng Anak Mo” (1979)




8. “Trabaho lang ito, walang personalan.”—Rudy Fernandez, “Markang Bungo” (1991)




9. “Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!"—Vilma Santos, “Saan Nagtatago ang Pag-ibig” (1987)




10. “Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!"—Laurice Guillen, “Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi” (1983)




11. “Akala mo lang wala... pero meron! Meron! Meron!"—Carlo Aquino, “Bata, Bata...Paano Ka Ginawa?” (1998)




12. “Gutay-gutay na ang katawan nyo... pati na ang kaluluwa nyo!"—Sharon Cuneta, “Pasan Ko ang Daigdig” (1987)




13. “Sabel! This must be love!"—Carmi Martin, “Working Girls” (1986)




14. Sharon: “Ang problema naman sa ’yo, huli kang ipinanganak!"—Fernando Poe Jr. and Sharon Cuneta, “Kahit Konting Pagtingin” (1990)





15. “Wala akong pakialam… ibalik mo sa akin si Jun-jun. Ibalik mo sa akin ang anak ko! Ibalik mo sa akin si Jun-jun. Ibalik mo ang... ahhhhh!"—Vilma Santos, “Paano Ba Ang Mangarap” (1983)




16. “Kung saan, kailan, at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan!"—Sharon Cuneta, “Dapat Ka Bang Mahalin” (1984)




17. Alice: “Mamamatay ako, Ate, pag kinuha mo sa akin si Alex!”


Lorna: “Ipalilibing kita.”

Alice: “Ate, please!”

Lorna: “Nung inagaw mo sa ’kin si... muntik na rin akong mamatay. Puwes, ikaw naman ngayon ang mamatay.”—Lorna Tolentino and Alice Dixson, “Nagbabagang Luha” (1988)



18. “Simple lang naman ang hinihingi ko. Kung hindi mo ako marespeto bilang asawa, respetuhin mo naman ako bilang kaibigan. Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao.”—Vilma Santos, “Relasyon” (1982)




19. Rene: “Cheetaehhh... ganda lalake!”



Echo: “Ulol! Sinungaling! Panget! Panget!"—Rene Requiestas, “Starzan”




20. “Kung hindi tayo kikilos sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?"—Vilma Santos, “Sister Stella L.” (1984)






3 ang nakaappreciate:

  1. hahaha

    natawa ako dun kay alice dixon mamamatay daw siya...napakasimple nga naman ipapalibing siya hahaha

    natuwa ako sa koleksyon mo, masaya ako at naruon ang linyang "cheetaehhh ganda lalakeee....ulol...sinungaling..panget..." hahaha

    nice post ;-)

    ReplyDelete
  2. dami naman nun---dika naman masyadong ginananahan..yeah, nakakatuwa talaga gayahin minsan mga taglines na yan. Esp, with the teleseryes. Sa dos marami ako alam---sa kabila, wala, as in zero. I rarely watch tv these days but I make it a point that I still know the latest, including the taglines of coarse.........

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS