September 11, 2008

Tips sa Pagsisinungaling

Hindi ka ba marunong magsinungaling? Nahihirapan o natatakot ka bang malaman ng iba na ika'y nagsisinungaling lang. Pwes heto ang ilang sa mga tips para maging epektibo ang pagsisinungaling mo. (Muli, gawa ko ito at hindi ni Bob Ong).


1. Magkaroon ng eye contact - tumingin ng diretso sa mga mata ng pinagsisinungalingan mo. Sa ganitong paraan, magmumukha kang nagsasabi ng totoo. Pero kung talagang hirap ka, tumingin ka sa ilong. Magmumukha ka ring nakatitig sa mata ng kausap ng mo gamit ang ganintong pamamaraan.

2. Be consistent - para maging epektibo, wag pabagu-bago ng kwento. Makakabuting gumawa ng script para sa iyong kwento. Imemorize at huwag kalimutan ang kaliit-littang detalye.

3. Be confident - huwag magpahalatang kinakabahan. Isiping para ka lang nasa final interview. Huwag nerbiyosin.

4. Huwag magwalk-out pagkatapos magsinungaling para di ka mahalata. Matapos magawa ang balak, sumimple lang ng dahan-dahang pag-alis sa crime scene.

5. Lastly, huwag magpapahuli! Ito ang katapusan ng iyong career bilang isang sinungaling pag nahuli ka.

At iyan ay ilan lamang sa mga tips. Mas maraming magaling magsinungaling kesa sa akin kaya yan lamang ang aking inilathala. Para sa iba pang tips, kumunsulta sa mga abogado, politiko at mga showbiz personalities.







3 ang nakaappreciate:

  1. Bwisit ako sa mga sinungaling.Nagbigay ka pa ng mga tips!

    ReplyDelete
  2. hala, nagalit si Anino, oo nga naman, nagkaron pa ng maganda idea ang mga sinungaling, but they really do exists!...and will always do :)

    rgds blogmate :)

    ReplyDelete
  3. hhahahahaha..kahit CSI nito hindi nla mhahahalata...galing mo tol...

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS