Pinanalangin ko'ng magkahiwalay sila. That's the selfish thing that I did. And so it happened. Nagkaroon ng problema ang relasyon nila dahil sa isang issue: religion. Baptist siya. Katoliko ang boyfriend nya. At yun ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Ilang beses ko rin siyang nakitang umiiyak dahil sa pangyayaring iyon. Awang-awa ako sa kanya ngunit sa kabilang banda'y natutuwa dahil malaya na siya.
Nagkaroon ako ng pagkakataong maging kaibigan siya. Sabay kami lagi kumain, at pati pag-uwi ay hatid-hatid ko siya. Makalipas ang ilang buwan, naging kami. Masayang masaya kaming dalawa. At hindi naging issue ang pagkakaiba namin ng relihiyon. Nangako ako'ng magpapalit ng relihiyon sa oras na pumayag siyang magpakasal sa akin.
Langit ang nadama ko ng ibigay nya ang kanyang kamay tanda ng pagpayag nyang pagiisang dibdib namin. Plinano namin ang lahat. Gusto namin ng isang garden wedding. Matagal ng preperasyon ang amoing ginawa para maging matagumpay at memorable ang aming pagpapakasal.
Akala ko tuluy-tuloy na ang kasiyahang nadarama ko. Pero nangyari ang lahat ng di inaasahan. Ang aking pinakamamahal na babae, parang sa isang kisap mata'y kinuha na lang ng poong Maykapal.
Namatay siya sa isang aksidente. Hindi ko na babanggitin ang mga detalye. Pero parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan matapos ko'ng marining ang masamang balitang iyon. No one can imagine how much I cried and how many sleepless nights I spent trying to realize kung bakit sa ganun hahantong ang aming pag-iibigan.
Muli'ng bumalik sa aking isip ang kasabihang maagang kinukuha ng Diyos ang mga may mabubuting puso. At muli, iniisip ko'ng kakambal ko ang malas. Pati ang babaeng mahal na mahal ko, inilayo sa akin. Hanggang kailan ko dadalhin ang kamalasang ito? Hanggang Kailan?
nakaka-antig damdamin naman ng kwento mo...Sadyang napaka lupit ng tadhana... tsk tsk tsk nawa'y mahanap mo rin balang araw ang babaeng nararapat syo... bata ka pa!
ReplyDeletehmmmm...sooo sad naman bino..
ReplyDelete..wlang malas! kaya huwag mo sisihin self mo....
just pray bino...
kinilabutan ako.
ReplyDeletedi ko naisip na ganito pala ang tinutumpok ng kwento.
hmm..
gusto ko sanang magtanong kung kelan nangyari pero sige, wag na lang.
Marami talagang unexpected things na nangyayari sa buhay natin.
Hindi sya nwala dahil sa sinasabi mong malas, cguro hanggang dun lang talaga.
Don't blame anyone, at lalong wag mong sisihin ang sarili mo.
Ganun lang naman talaga ang buhay,
May nawala mang importanteng tao sa buhay mo, may kapalit namang ipapadala si god sayo.
You should learn to accept things in order to move on.
Kaya mo yan.
Mamamalayan mo na lang, na nagmamahal ka na ulit.
Keep the happy memories with you.
Don't forget, yet you must move on and go on with your life.
Thank God.
Though nasaktan ka.
you should thank him, for giving you the opportunity in meeting such a girl na nagmahal sayo at minahal mo ng ganito.
Godbless bino. :)
uuggghhh...i hate sad stories...uggghhh... kung sa akin magyayari un (*knock on wood)...ugghhh...bka hindi ko kakayanin un... wla na kasi akong magiging reason pra mabuhay nun, sya na lng ang natitira kong dahilan...
ReplyDeletebut good thing for you khit papano mejo nakakayanan mo... but sna dont put all the blame sa iyong sarili...walang malas na tao pero lahat ng mga pangyayaring iyon ay may dahilan...
ipag-pray ka nmin ng aking fiance to be more successful...happy love life and more blessings to come...
gudluck pareng bino....