PAALALA: MAY KASERYOSOHAN ANG TOPIC NA TO.
Sabi ng karamihan, ang mga mabubuting nilalang sa lupa, maagang kinukuha ng Panginoon para di na nila maranasan ang hirap sa mundong ibabaw. At ang mga nananatiling buhay, karamihan sa kanila'y masama at nangangailangan ng repentance. Ewan ko kung totoo to. Pero karamihan sa mga kaibigan at mahal ko sa buhay na sobrang buti ng kalooban, kinuha na ni Lord. Di ko tuloy malaman kung nadamay lang sila sa kamalasan ko.
Bata pa lang ako, malapit na ako sa disgrasya at mga karamdaman. Sabi ng mga tita at tito ko, noong ako'y sanggol pa lang, lubos na ako'ng sakitin. Every week, may lagnat ako. May paniniwala ang mga nakakatanda na para di na daw maging sakitin ang bata, bibilin daw ito ng ibang tao. At yun nga ang ginawa nila. Binili ako ng tito ko sa halagang 5 piso. Pero ala ring nabago. Naging sakitin pa rin ako. Kaya naman binalik din ako sa mga magulang ko.
Grade 1 ako ng una ako'ng madengue. Akala ng nanay ko, mamamatay na ko. Inabutan na kami ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa ospital. Sa awa naman ng Diyos, bago magpalit ng taon ay nakalabas kami. Pagod at puyat ang naranasan ng mga mahal ko sa buhay kakaalaga sa akin.
Kung bubuksan ang laman ng cabinet ko noong mga panahong iyon, puro bote at wrapper ng gamot ang mga nakalagay. Gamot sa ubo, sipon, lagnat, at mga iba't ibang vitamins at ascorbic acid. Lahat ng mga yan, pinaiinom sa akin. Minsan nga amoy gamot na ang hininga ko at ng buo ko'ng katawan. Nagpapasalamat pa rin naman ako dahil di ako lumaking addict.
Nagpatuloy ang pagiging sakitin ko ng tumuntong ako ng highschool. Dala siguro ng pressure sa eskwela, palagi ako'ng puyat. Panay ang gawa ko ng term papers para sa iba't ibang subjects. Akala ko, kaya ng katawan ko. Pero nagkamali ako. Dumating ang araw na di magawang bumangon ng patpatin ko'ng katawan dahil sa hilo. Tulad ng inaasahan, nagdeposito ang mga tita ko (patay na ang nanay ko ng panahong ito) ng pera sa doktor para mapagamot ako. Tumagal ng limang araw ang pagkahilo ko. Kala nga ng ibang tao buntis ako na imposible namang mangyari.
Sa kabutihang palad, tila nilisan na ako ng iba't ibang karamdaman pagtuntong ko ng kolehiyo. Muli na namang tumaas ang mga marka ko at nakagraduate bilang cum laude. Akala ko tapos na ang lahat ng mga paghihirap ko. Pero nagkamali ako. Marami pa palang sumunod...
Itutuloy....

that's life bino...
ReplyDelete..naks!cum laude ka pla ha... talino!heheheh...
..i'll wait for the next entry bino...masyado mo kami binibitin..hehehe
Godbless...
more! hehe.=)
ReplyDeletetignan mo nga naman oh,
ReplyDeleteakala mo simpleng bino lang,
yun pala
gagambino ka.
cum laude ka pa.
nakakabitin tong post ah?
sobrang introduction.
abangan ko karugtong.
gagambino.
:)
uhuuhhh...cumlaude pa itong bino na ito. melodramatic ang drama mo ninong, pang maalaala mo kaya ang drama ng bio-degradable na life mo. padala mo kaya kay ate charo...
ReplyDeleteTambayan Ni Byter
tignan mo nga naman oh,
ReplyDeleteakala mo simpleng bino lang,
yun pala
gagambino ka.
cum laude ka pa.
nakakabitin tong post ah?
sobrang introduction.
abangan ko karugtong.
gagambino.
:)