Sa unang araw ko sa opisina, iba't-ibang uri ng tao ang aking nakasalamuha. May mga ok at meron din namang mga so-so. At meron ding out of this world. Heto ang ilan sa kanila.
Ms/Mr. Friendship - sila ang mga taong madaling makisama. Walang masamang tinapay para sa kanila. Magaling makisama at laging may positive outlook in life.
Musicians/Singers - marami sa mga office mates ko ang musically inclined kaya naman nakasundo ko sila dahil pareho kami ng hilig. Merong sumasali sa mga singing contest. Meron din namang nagpeperform sa ibang bansa kasama ang kanyang banda. Meron di namnag tumutugto ng gitara.
Mr. Oldy - siya ang pinakamatanda sa batch namin pero sabi nya, late bloomer daw siya. Halata naman. Hehehe. Pero may paninindigan sa karapatan nating mga lalaki ang manong! Kapag may tumutuligsa tungkol sa mga men, asahan mong para siyang abugado na ipagtatanggol at itatayo ang bandera natin.
Mr. Happiness is a choice - hanga ako sa taong ito. Akala ko nung una straight siya. Pero nung nagkaroon kami ng activity tungkol sa mga motto namin sa buhay, yan ang sinulat nya. "Happiness is a choice". Walang takot nyang inamin na bisexual siya. At di nya alintana ang sasabihin ng ibang tao.
Komedyanteng Nanay - siya ang pinakamaingay sa klase. Kahit medyo English Only Policy ang sistema sa office ay nagtatagalog siya na ok naman kahit sa trainer namin. Makalaglag panga ang mga banat nyang punchlines. Although minsan ay sumusobra na, ok pa rin.
Babaeng Loner - siya naman ang walang pakialam sa mundo. Napakatahimik at aloof nya sa klase. Walang cooperation. Parang naglalakbay lagi ang diwa.
No Boyfriend/Girlfriend Since Birth - mga di pa nagkakaroon ng relationship since birth. Yung babae, mataas ang standards. Yung lalaki naman, family first ang banat.
Mr Dunung-dunungan - siya ang taong hindi ko makakasundo. Kala mo lahat alam, pero karamihan sa mga sinasabi nya, barbero. Hehehehehehe. Para bang gusto nyang maiba sa lahat. Walang kwenta.
At yan ang ilan sa mga officemates ko. Iba't ibang personalidad ant outlook sa buhay. Nasabi ko ba na iisang batch lang kami mapupunta pagkatapos ng training? Kaya naman dapat ay mabuo ang isang samahang matatag at nagtutulungan. Sana....
Bakit wala dyan yung ka-opisina ko? Kakaiba itong hinayupak na ito.Pandak,hindi kagwapuhan, mabaho ang hininga, hindi naman mayaman, bobo, ngunit PINAKAMAYABANG SIYA SA OPISINA.Anong tawag mo sa ganuon? Bwisit talaga ako duon!
ReplyDeletehello bino!..
ReplyDeletehmmm...ayos yan..iba-ibang personalities!hehehe...
hope maging maayos ang samahan nyo... : )
parang isa ako sa ka-opisina mo ah.. hahaha!
ReplyDeleteyung second to the last. lol
maaaring totoo na ganun ang dahilan pwede rin hindi.
good luck and God bless sa mga kasamahan mo.. hope you'll enjoy each other's company..
cheers!