October 4, 2008

Q&A Portion ng Damuhan

Isang question and answer portion ng nag-iisang bino, ang may-ari ng damuhan.


Q: Ano ang tunay mo'ng pangalan?
A: Gusto ko sana'ng ibigay ang real name ko pero dahil sa mga death threats na natatangap ko, minabuti ko na lang na itago ang pagkatao ko sa pangalang Bino. Pero kung babasahin mo ang profile ko, nandun yata ang real name ko.

Q: Ano ang iyong trabaho?
A: Noong una, isa ako'ng web developer. Naging data entry analyst at call center agent at quality assurance officer. As of this writing, isang dakilang tambay na nagtuturo ng inggles sa mga koreano.

Q: Ah, dami mo na palang napasukan.
A: Di yata yan tanong eh.

Q: Ay oo nga noh? Hehehe. Bakit mo naisipang gumawa ng blog?
A: Dati na ako'ng gumagawa ng website sa geocities, freewebs at iba pang free web service providers. Kaya para naman maging in ako, gumawa ako ng blog.

Q: Bakit damuhan?
A: Nagmula ang damuhan sa salitang damo, isang uri ng halaman na kung saan-saan tumutubo. Basura nga ang tingin ng karamihan pero masarap sa pakiramdam kapag nahihigaan at inuupuan.

Q: Madalas ka bang tumambay sa damuhan?
A: oo naman! Kadalasan sa bermuda grass pa nga sa loyola park kami tumatambay ng mga barkada ko. At habang nakatambay, nakakapagkuwentuhan kami ng kahit ano sa ilalim ng araw at buwan.

Q: Yun ba ang dahilan kung bakit damuhan ang title ng blog?
A: Tumpak! Dahil kahit ano pwedeng mapagusapan habang nakatambay at nakahiga sa luntiang damuhan. Kaya dun ko naisip na ipangalan ang blog na ito.

Q: Napansin ko'ng wala kang advertisement sa site mo gaya ng adsense? Ayaw mo bang kumita ng pera sa pagbablog?
A: Lahat ng tao naghahanap ng mapagkakakitaan. Ginawa ko na ito dati sa blog ko. Pero naisip ko'ng di naaangkop ang mga ads dito. At isa pa, di ko priority ang pera nung nilikha ko to.

Q: Ano naman ang masasabi mo sa ibang blog na puro ads?
A: Kanya-kanyang trip yan. Pero ang sa kin lang, kung gagawa ka ng blog, siguraduhin mo na may laman ito. Hindi puro ads lang. Hindi nagpupunta ang mga mambabasa sa blog kung advertisements ang habol nila. At hindi lahat, nadadaan sa ads.

Q: Ano naman ang masasabi mo sa ibang tao na nagsasabi'ng ginagaya mo daw si Bob Ong.
A: Opinyon nila yun. Halos lahat ng humorous blog na sinusulat sa tagalog, feeling ng karamihan, gumawa kay Bob Ong. Pero aaminin ko na isa siya sa mga inspirasyon ko para sa blog na ito. At aaminin ko rin na ang Q&A portion na ito ay nakita na rin sa mga libro niya.

Q:Ano naman ang maipapayo mo sa mga gusto'ng gumawa ng blog?
A: Importante na gusto mo ang ginagawa mo. Walang mararating ang blog mo kung napipilitan ka lang. Kung gagawa ka, kilalanin mo kung ano'ng audience mo. At huwag maiinggit sa ibang bloggers.

Q: Pano ka pala nila makokontak?
A: May friendster account ako na pwede nyo naman makuha in private. Send na lang kayo ng email sa damuhan_contributions@gmail.com. Pwede rin kayong magtext. Itype ang DAMO MENSAHE PANGALAN EDAD GENDER I LOVE YOU at isend sa 14344.

Q: Any message for your fans?
A: I'm sorry.I'm nosebleed alreydi. Can you make that tagalog?

Q: May mensahe ka ba sa mga mambabasa mo?
A: Maraming salamat sa pagtangkilik nyo sa damuhan. Thank you bench for my wardrobe, adidas for my shoes, replay for my eyewear....









6 ang nakaappreciate:

  1. damuhan?

    noong una inakala ko na ang damuhan na tinutukoy sa blog na ito ay yung mga damo na hindi kulay berde...kundi mga damo na binibilot sa puting papel at sinisindahan..

    ..pero tunay pala itong mga damo..tamng-tama pwede itong pahingahan ni supergulaman sa nakakapagod nyang pakikipaglaban...:)

    ReplyDelete
  2. naks!..astig ah...heheheh

    ...marami na naman ako nalaman sau kaibigan...

    ..masarap talaga mahiga sa damuhan...

    ReplyDelete
  3. damuhan !

    wow teacher ka rin pala ng mga koreano hehe

    ReplyDelete
  4. uy pareho kayo ni alex! nice web dev, pareho naman tayo! ^^

    uu nga, akala na lang nila parati si bob ong ang may pakana sa mga pilosopong tao. sya kasi sumikat kaya akala ng iba ginagaya na. hayz. diba pedeng maging pilosopo lang talaga? wehehe. pero idol ko rin sa kaadikan un.

    go, arvin! congrats nga pala sa PR2 ^^ onga pala, paupdate na rin url ko sa www.iamneri.com. salamats! ^^

    ReplyDelete
  5. Nung uns ko nkita yung DAMUHAN na yan.. akala ko may kakaibang nagyayari sa Blog. ika nga diba sa Damuhan maraming masasarap at mapapait na nanyayari hehe..(bhala na kau magisip kng anu anu yun hahaha) anyways asteeggg tong blog na toh.. Nga pala..panu ba mkapag posty ng blog dito? dehins ko lam eh! hehehe

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS