November 8, 2008

Birthday Resolution

Ika-8 ng Nobyembre. Muli na namang nadagdagan ang aking edad. Tumatanda na ko. Pero masaya dahil nananatili ako'ng buhay at iyon ay intinuturing kong blessing. Marami nang blessings ang natanggap ko mula kay Lord at wala na ako'ng mahihiling pa. Kahit nga ang pagkapanalo ng pambato ko sa pangulo ng Amerika ay ibinigay Nya. Salamat ng marami. At dahil tumatanda na nga ako ay mayroon ako'ng tinatawag na birthday's resolution na hopefully ay matupad ko.

1. Hindi na ako iinom ng beer ng higit sa 5 bote. Ako ang taong kahit 1 beer pa lang ang naiinom ay nagkaka-amats na at kung anu-ano ang ginagawa. Nagsasayaw, sumisigaw at nagdadrama. Buti na lang at pumapalpak ang mga video camera ng mga kasamahan ko sa tuwing nalalasing ako. Walang ebidensya.


2. Babawasan ko ang sobrang pagkain ng french fries. Ito ang dahilan ng madalas ko'ng pagutot lalung lalo na sa publiko. Malakas ang tunog ng utot ko pero walang amoy. Pero kapag walang tunog, napakabaho!


3. Hindi na ako mag-uubos ng pera sa online games. Nung nauso ang Ran Online at Cabal, gumagastos ako ng mahigit 1 libo para sa mga items na binibili sa item mall para mas mapabilis ang paglelevel ng character ko. Minsan din, bumili ako ng potion na nagrereset ng stats sa halagang 640pesos. Sa buong buhay ko, ito lang ang walang kwentang pinagkagastusan ko.

4. Kakain na ako ng ampalaya. Sana!!!! Sana lang talaga ay magawa ko'ng kainin ang napakapait na gulay na to. Di ko lubos maisip kung bakit pinagpipilitan to sa akin ng mga kaibigan at kamaganak ko. Iba't ibang luto pa ang ginagawa nila pero di matanggap ng panlasa ko.

5. Hindi na ako magpupuyat kakachat. Isa ito sa addiction ko. Laging nakatapat sa harap ng monitor sa dis oras ng gabi kakahanap ng makakausap sa internet. May pasok man ako o wala sa trabaho, lagi ako'ng madaling araw matulog dahil dito. Kaya naman lumalaki ang eyebags ko.


Ilan lamang yan sa mga gusto ko'ng baguhin sa sarili ko. Hopefully magawa ko. Pero sabi nga ng iba, promises are made to be broken. Kaya sana....sana....








9 ang nakaappreciate:

  1. Happy Birthday Bino!

    hmmm...how's your day? i hope na masaya ka...

    well, mas maganda kung sundin mo yung resolution mo..

    *It's not healthy kung iinom ka ng beer n ganun kadami.. tama n ang isa..naks!
    *naku!french fries.. favorite ko yan!heheh.. pero wag din masyado.. share mo nlang sa akin....hehhe
    *itigil mo na ang paglalaro..ipunin mo nlang for your own good..heheh.. minsanan nlang paglaro mo ah!
    *ang ampalaya daw kc ay nagpapadagdag ng dugo..DAW ha!..yun din sabi sa akin e.. dko rin kc kayang kumain ng ampalaya.. pero minsan i do eat ampalaya..(no choice pag yan lang ulam namin)heheheh....
    *CHAT?..naku..wag masyado!..

    ...naguluhan kba sa mga cnbi ko kaibigan?naku..intindihin mo nlang.. birhday mo naman e!heheh...

    seryoso ha... wish you a good health at sana maging maayos ang work mo sa bago mong job... and a happy family!

    Godbless!..

    mayyang is always here..take care my friend!

    ReplyDelete
  2. haberday, bino! parehas pala tayong scorpions! kakaberday ko lang din nung atres. galeng! ^^

    hindi ko rin kayang kumain ng ampalaya. pede bang pass muna pa rin? wehehe. wag mo na ngang pagkagastusan online games. ;)

    onga pala, ngayon ko lang napansin, pakipalitan na sa www.iamneri.com ang url nung dating iamner.blogspot.com. maraming salamat! ^^ enjoy your day :)

    ReplyDelete
  3. Hapi hapi hapi birthday!!!

    sana magawa mo yang mga resolution na yan.

    painom ka naman! lolz

    ReplyDelete
  4. Happy Birthday! Best wishes to you... Nov 8 ka pala? Ka bday pala tayo? Kaya lang mas matanda pa ako! nyahahaha.

    ReplyDelete
  5. maganda ang mga resolution mo, sana matupad lahat.

    hapi bday dear bro :)

    ReplyDelete
  6. Magandang resolutions yan! Nawa'y gabayan ka ng Poong Maykapal sa pagtupad ng mga bagay na nais mong baguhin sa iyong sarili. Pero hindi naman masyadong big deal kung 'di ka kakain ng ampalaya. Eew! Bwahaha! See you around, Damuhan! ;-)

    ReplyDelete
  7. uy, nagbirthday ka pala..
    belated..

    salamt pala sa pag-add ha.
    ampalaya? eh bakit daw ba?
    dati rin isinusuka ko yan eh, ngayon ako na mismo nagluluto para kainin.. may iba kasi di nman ganun kapait.. maganda nga nman sa ktawan yan, lalo na kung umiinom ka, kontra sakit sa atay..

    cheers bino!
    belated hapi birthday!

    ReplyDelete
  8. hello bro, u have a nice blog!!!

    http://www.thephilippineisland.com/
    Discover and Explore Everything About This Island of Paradise

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS