November 16, 2008

Bitter Ocampo, sour graping, selfish etc...

"Palagi na lang late si <insert name here>".

"Ngayon lang un nalate. Kahapon on time un."

"Eh nanguna yata sa class nya eh kaya kala nya pwede nang malate."

Hindi sa pagiging chismoso pero yan ang narinig ko'ng pahayag ng isang tech agent at isang team leader nung napansin nilang wala pa ang kanilang teammate.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nasabi nyang laging late ang taong yun ganung yun ang unang pagkakataon na hindi siya umabot sa takdang oras. Maaaring nasabi lang nya yun at walang ibang ibig sabihin o di kaya'y sinadya nyang banggitin ang mga salitang yun.

"Eh kung d2 kaya sila nagdesign sa floor, mananalo ba sila?"

Iyan naman ang narinig ng aking asset 3 araw matapos ang halloween celebration ng kumpanya na kung saan ang aming wave ang nanalo. Grand slam kumbaga. Panalo sa best theme decor, sa performance at best in costume. Mga nagsasourgraping dahil di sila nagwagi. Bitter ocampo ayon sa aking source.

"Uy papareserve ako sa <insert restaurant's name here> para sa team natin. Kukunin ko ang attendance."

Dumaan ang papel sa mga kabatch nya pero hindi umabot sa mga kabatch ko na nagkataong kateam nila. Ganun ba ang intindi nya sa "team"? Walang pakialam sa mga bagong teammates. Selfish.

Para sa mga taong to, grupo lang nila ang mahalaga. Wala silang pakialam sa mga taong naging bahagi ng team nila. Nasan na ang teamwork? Ang one big happy family? Tinuturing ba nilang kakumpitensiya ang mga bagong salta? Hindi ba dapat eh maging solid ang samahan dahil sa isang kumpanya lang ang pinagtatrabahuhan? Pero hindi na rin ako masyadong magtataka dahil kahit ang isang tao na kawave nila ay ganun nila ituring. Siguro'y nakikita nilang mas nagiging close ito sa mga bagong salta.

In fairness naman, hindi lahat ay ganun. Sa napuntahan ko'ng team, may ilang hindi palakibo. Pero ramdam ko na welcome kami sa team na yun. Kung meron mang may ayaw magextend ng kamay at magbukas ng pinto para umagapay at magpapasok sa mga estranghero, wala ako'ng pakialam sa kanila. Pero sana, naisip din nila na mali ang ginagawa nila. Walang kaso sakin kung ako ang di nila papansinin. Pero ibang usapan na kapag mga kawave at mga kaibigan ko na ang kanilang tataluhin.










0 ang nakaappreciate:

Post a Comment

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS