Pero kung inaakala nyong magkukuwento ako tungkol sa mga multo at maligno ay nagkakamali kayo. Ako'y magbibigay lamang ng inyong kapalaran ngayong araw ng mga patay. In short, horoscope.
GEMINI (May 21-Hun. 21) — Lumalandas patungo sa katuparan ang mga pangarap. Makabubuting kumilos kaagad bago mahuli ang lahat. Ang bagabag, kalungkutan o katamlayan ay napapalitan ng kaligayahan. Subukang gamitin ang mga numerong 13, 26, 36 at 38. Magsuot ng kulay lavender na siyang lucky color mo for today.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) — Ang hindi pagkakasundo ng mga ideya ang siyang magbibigay ng kalungkutan at katamlayan. May ilang tao na nag-iisip na gamitin ka sa pansarili nilang interes. Isaisip ang mga lucky numbers mo for the day na 13, 17, 37 at 44. Tandaan na ang lucky color mo sa araw na ito ay orange.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) — Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Malulutas ang suliraning bumabagabag sa sarili. Makipagsapalaran sa mga numbers 17, 19, 31 at 42 na siyang lucky numbers mo ngayon. Huwag kalimutang gamitin ang kulay ivory white na lucky color mo ngayon.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) — Ang patuloy na pagsisikap ay magiging daan upang maisakatuparan ang mga binabalak. Malaking tulong ang maibibigay ng mga numerong 10, 17, 25 at 29 dahil ito ang iyong lucky numbers at magsuot ng canary yellow sa araw na ito na siya mo namang lucky color.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) — Lawakan ang pang-unawa sa minamahal kahit masakit sa iyong kalooban. Ang malakas na pagkatao ay dapat sabayan ng matapat at magandang kalooban. Masuwerte naman ang numbers 6, 18, 25 at 44 samantalang sa color naman ay mustard yellow.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) — Magiging masaya ang araw sa larangan ng pag-ibig. Malamang makilala ang isang mayamang biyudo/a na mag-aalay ng pag-ibig. Mag-ingat sa pagpapahayag ng taglay na hinanakit. Piliin ang mga numbers 7, 12, 23 at 43 dahil ito ang iyong lucky numbers at sa color naman ay royal blue ang dapat gamitin.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) — Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig subalit huwag padala sa nadaramang kapusukan dahil kalungkutan ang naghihintay. May babalang gusot na magsisimula sa trabaho at madadala hanggang sa tahanan. Your lucky numbers and color for the day ay 15, 25, 35, 37 at aquamarine.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) — Hinahon at katiwasayan ng pag-iisip ang dapat ipairal. Dahil sa dami ng gawain, magiging mainitin ang ulo at madaling magalit na dapat iwasan. . Highly-recommended ang numbers 13, 15, 31 at 37 at ang lucky color mo naman for today ay yellow at ang gagamit nito ay lalong susuwertehin.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) — Sundin ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali. Ang sikretong itinatago ay may pagkakataong madiskubre o mabulgar. Ang lahat ay makikiisa sa mga binabalak. Lucky numbers at color mo ngayon ay 10, 15, 17, 42 at emerald green.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) — Makakatagpo ng bagong kakilala sa pakikisalamuhang-sosyal. Mapalad sa itatayong negosyo kung magsisimula ngayon. Ang sobrang pagpapahalaga sa kasintahan ay maghahatid ng kalungkutan. Ang iyong lucky numbers at color ngayon ay 10, 18, 28, 40 at red orange.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) — Hindi naaayon ang paglalakbay. Iwasang mapasubo sa isang pakikipagsapalaran. Umaayon ang araw sa gawaing pantahanan dahil magiging lubos ang konsentrasyon. Big help ang mga numbers 11, 18, 22 at 40 at gamitin ngayon ang maroon na siya mong lucky color.
TAURUS (Abr. 20-May 20) — Pakinggan ang pangaral ng nakatatandang kaanak tungkol sa binabalak na negosyo. Huwag padalus-dalos sa gagawing desisyon. A If you will use numbers 5, 15, 30 at 33, you will be lucky sabayan pa ng paggamit ng color midnight blue na kasuotan.
nyahaha. at naging kaliga ka na din pala nina madam auring at madam rosa.
ReplyDeleteadbans hapi beerday! :)
hello bino!..
ReplyDeletenaku..lapit na pla birthday mo..
burger burger burger...heheheh
Godbless!