November 23, 2008

Mga Iba't ibang Larawan ng Kalsada




Sa aking paglalakbay sa ating mundong ibabaw, sa madalas na pagpasok sa trabaho, sa araw-araw na pagkokomyut, maraming makukulay na kwento ang aking nakikita. Lahat ng to, nangyayari sa kalsada. May malungkot, masaya, nakakainis at nakakainspire na mga pangyayari. May mga tao o bagay na talaga namang pupukaw sa aking atensyon.

Sidewalk. Bangketa. Isang ligtas na lugar na dapat lakaran ng mga tao para hindi sila maaksidente ng mga rumaragasang sasakyan gaya na lamang ng bus, jeep o truck. Pilit pinapalawak at pinapaganda ng MMDA para mas maging komportable sa mga sibilyan. Pero napapansin nyo ba na sa halip maging daanan ito eh nagiging instant convenience store? Oo. Tama. Tumpak. Wala ka nang madadaanan dahil sa mga illegal vendors na nakaharang sa bangketa. Anumang pagpupursiging gawin ng MMDA para maitaboy ang mga ito, pilit pa rin silang bumabalik. Paulit-ulit na proseso. Parang water cycle. At ang resulta? Sa kalsada na mismo naglalakad ang mga tao. Dahilan para madaling mahagip ng mga walang disiplina sa pagmamanehong drayber. Halimbawa nito ay aking nasaksihang pagpapalayas ng mga MMDA sa mga sidewalk vendors dito sa Alabang. Walang awang kunumpiska ang mga paninda, nilagyan ng gaaas at hindi na muling ibinalik sa mga tindera. Hindi pansin ang paghihinagpis at pagmamakaawa. Matapos paalisin ang mga illegal vendors, sinimulan nilang lagyan ng pink fences ang mga sidewalks para daw maiwasan ang paglalakad sa kalsada ng mga wala ring disiplinang pedestrians.

Iskwater. Mga taong nakatira sa ilalim ng tulay, sa gilid ng riles ng tren, sa tabi ng polluted ng ilog at kung saan-saan pa. Mga NPA: No Permanent Address. Ilegal ang tubig, jumper ang kuryente, tagpi-tagpi ang bahay at puro gulong ang bubungan. Pero huwag ka, mas updated pa ang mga ito sa mga technology. May tv, radio, computer, cellphones at iba pa. Kaw ba naman ang libre ang kuryente eh siyempre, sasamantalahin mo na. Yan ay mga class A squatters. Pero meron din namang mga nasa lower class tulad ng mga nakatira sa ilalim ng tulay, at mga natutulog sa bangketa. Di alintana ang lamig sa gabi, o ang mga usok na ibinubuga ng mga sasakyan. There's no place like home, 'ika nga.

Street Children. Mga batang namamalimos sa kalsada. Walang pakialam sa mga peligrong maaaring idulot sa kanila. Ang iba nama'y nagbebenta ng sampaguita, kumakatok sa mga bintana ng kotse at humihingi ng konting barya. Ang iba naman, nagiging barker: mga nagtatawag ng pasahero para sa mga jeepney driver kapalit ay muli, kakarampot na barya.


Rugby Boys. ito ang walang magawa sa buhay nila kundi suminghot ng rugby maghapon. Enjoy na enjoy sa likidong nakapagpapalabnaw ng utak at nakapagpapanipis ng katawan. Kahit hindi na sila kumain basta maisakatuparan lamang nila ang kanilang libangan. Ewan ko ha pero napapansin ko pa ngang available in different sizes ang kanilang favorite inhaler. May small na nakalagay sa isang plastic ng ice candy, medium pag nasa plastic ng yelo at large kapag nasa supot na ng 7-eleven.

Kotong Cops. Mga buwayang pulis na gumagawa ng dahilan para makapangikil sa mga tao, driver man o pasahero. Kahit anong kaso, iniimbento. At ang tanging paraan para makalusot ka gusot ay ang tumataginting na ube (100), ninoy, (500) at ang ultimatum na trio (1000). Kung sa amerika, kinatatakutan sila, ibahin mo dito sa Piipinas dahil halos karamihan ng tao ay sukang-suka sa kanila dahil sa baluktot nilang gawain. Kaya pati naman ang mga pulis na talaga namang tumutupad sa kanilang tungkulin ay nadadamay sa kasalanang tanging mga buwaya lamang ang gumagawa.


Snatchers - mga mandurukot. Ito ang kanilang full-time job. Mag-aabang ng inosenteng tao para dukutan. May ibang hindi nagpapahalata sa pandurukot pero meron din namang lantaran itong ginaagawa. Ang kanilang paborito? necklace, Cellphone, bag at wallet. Kung mayabang ka at gusto mong ipakita ang iyong 8gb na nokia n81, sige lang, idisplay mo pero wag kang aasang maibabalik yan sa yo kapag napasakamay na ng mga professional snatchers.


Ilan lamang yan. Marami pa ako'ng hindi naidodokumento at yun ay mangyayari sa mga susunod na araw.



7 comments:

  1. well......... ganayan po talaga ang buhay kalsada.....

    ReplyDelete
  2. ganyan talaga yan..hehe

    btw, for PINOY FEAR FACTOR NEWS & UPDATES VISIT TO http://pinoy-fearfactor.blogspot.com . Thanks! :D

    ReplyDelete
  3. your post reminds me of KALYE od ABSCBN :)

    -padaan po sa damuhan habang wala pang toll fee. hehe. :)

    ReplyDelete
  4. kahit papano dre..namiss ko yang mga nabanggit mo..tagal ko nang di nakatambay sa kalye PINAS!!!...hahaha...

    @josh...kala ko ba KAPUSO ka?...hahahahaha

    ReplyDelete
  5. hay....andami na talagang nangyayari dito sa pinas...

    marami din ako nakikita na mga rugby boys..nakakatakot cla... pero naaawa ako sa kalagayan nila..

    ReplyDelete
  6. nice share. miss ko tuloy ang Pinas.

    ReplyDelete
  7. uy sa santa rosa, nueva ecija to ah! sa harap ng plaza! hehe

    nabuklat ko lang lols tagal na 2008 pa

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.