November 18, 2008

Starbucks


Chocolate Cream Chip, Mocha Frappe at kung anu-ano pang flavors ng kape. Yan ang makikita mo sa Starbucks. Itinuturing ng marami na pambansang kapihan ng bayan. Parang kabuteng nagsulputan sa iba't ibang parte ng bansa. Tinalo pa nito ang ilang mga malls at fast food chains. Para bang naging adik sa kape ang buong sambayanan. Mabilis pa sa ihip ng hangin na gumastos ng mahigit 100 pesos para sa isang Grande iced coffee. Sa halip na gastusin ang nasabing halaga sa ibang mas importanteng bagay ay nagpapakalunod ang karamihan, not to mention call center peeps, sa isang baso ng kape.


At hindi yan kape ha! Yan ay ayon sa mga social climber na estudyante. "Starbucks is not coffee. They are ground beans with processed chocolate and skimmed milk" Pero kung susuriin mo naman, ano nga ba ang laman ng iniinom nila? Hindi ba't kape! Starbucks is coffee. Period. No erase.

Matalino ang sinumang nagdala ng Starbucks dito sa ating bansa. Pumatok talaga ang marketing strategy. Isipin mo naman, ang isang tipikal na pinoy na gustong magpakasosyal, pupunta doon at oorder ng kape. Uupo sa gilid na kung saan ay makikita siya ng maraming tao na walang pangkape. Aantayin tawagin ng barista ang pangalan nya. Kukuha ng napakaraming tissue paper bilang souvenir. At siyempre, matagal nyang sisipsipin ang kape para mafeel ang ambiance ng sikat na coffee company. Pathetic!


Wala akong galit sa Starbucks. Sinasabi ko lang ang aking point of view tungkol sa paanong ang isang kapehan ay nagawang baguhin ang isang tipikal na pinoy.


Nagstastarbucks din ako. Period.









3 ang nakaappreciate:

  1. In addition to that, Starbucks serves gourmet coffees. Katumbas ng isang cake na madameng icings!

    Nakakataba! Pero tambay din ako jan.. Guilty! haha

    ReplyDelete
  2. ilang taon kong naging tirahan ang davao pero hanggang ngayon e wala pa ring starbucks dito! hindi ko talaga alam kung bakit ni isang coffee station ng starbucks wala dito e one of the finest destinations naman ang davao.. hays... ang swerte niyo nga sa manila at meron kayo. kami naman e naiinggit dito at naghihintay na lang na magbukas ang ayala center dito! STARBUCKS gusto kita dito sa DAVAO!! huh..

    dumaan lang. lmao

    http://janus3185.i.ph

    ReplyDelete
  3. haha. ayos ang post mo. tama nga naman. GUILTY. pero di ako madalas sa starbucks. haha. i've been thinking to publish a post like that sa blog ko din dahil gusto ko rin suriin ang PILIPINAS at STARBUCKS relationship, kaya nakita ko tong blog mo. haha. palink naman po brader! http://waitlangwalaakongmaisip.wordpress.com
    link din po kita. uki lang ba?

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS