December 28, 2008

Damuhan: Pagbabalik Tanaw

Ilang araw na lang ang matulin na lilipas at magpapaalam na tayo sa taong 2008. Masisilayan natin ang huling sinag ng haring araw, huling liwanag ng reynang buwan at huling kutitap ng mga prinsesa at prinsipeng bituin. Sasalubungin natin ang isang bagong taon ng may bagong pag-asa at bagong simula para sa ating lahat. Kaya naman bago matapos ang taong ito ay muli ko'ng babalikan ang mga nangyari dito sa blog ng pinoy.


28 Hunyo 2008

Sumulpot ang damuhan gamit ang libreng domain sa freewebs.com. Magulo ang pagkakadisenyo. Pero astigin na ang banner noon pa man (ooops, deleted na yung dating banner eh kaya wala nang screenshots). Nagsimula ako'ng magsearch ng ibang bloggers para makipagpalitan ng link sa kanila. Unang naging blogmate si Enday



9 Hulyo 2008


Lumipat ang site dito sa blogspot. Basic HTML lang muna ang ginamit. Mano-manong pagaadd ng blogroll ang ginawa. Inilipat ko ang mga napost ng article mula freewebs tungo dito. Nagsimulang iregister ang blog sa topblogs.com, pinoy-blogs.com, at ang importanteng search engine na google.com. Nagsimulang dumami ang mga blogmates.


Naging sponsor ang damuhan ng isang contest tungkol sa mga Top 10 Pinoy Expats Blog.


15 Hulyo 2008

Nanominate ang damuhan sa Idol Blog 2008 ni Marky



19 Hulyo 2008


Nanalo tayo sa nasabing patimpalak.



31 Hulyo 2008


Nagcelebrate ng unang buwan sa blogworld ang damuhan. Akalain mo'ng wala pang isang buwan nagkaroon na ng award!!!



12 Agosto 2008


Muli na namang pinatunayan ng damuhan na kahit bago sa daigdig ng blogging ay hindi dapat ismolin. Nanalo naman bilang Filipino Blog of the Week sa 2 magkasunod na linggo at nabilang sa Hall of Fame ng nasabing patimpalak.


09 Setyembre 2008


Maraming nagtangkang sumira sa damuhan. May mga nagsabing ginagaya ko raw si Bob Ong at mga sinulat daw ni BO ang mga ipinost ko sa blog na to. Ngunit maraming nagpatunay na karamihan sa mga posts dito ay aking likha at kung meron mang hindi ko pag-aari ay binibigyan ko ng tamang credits. Walang puwang sa blog na ito ang plagiarism.





10 Oktubre 2008


Ipinost ko ang Q&A portion ng damuhan para mabigyang linaw ang mga mambabasa kung bakit damuhan ang titulo ng blog na ito.




13 Oktubre 2008


Lumabas ang unang magazine cover ng damuhan na hanggang ngayon ay mabibili pa sa mga suking hardwares at pornstands.




29 Nobyembre 2008


Ang ikalawang cover magazine ng damuhan ay inilabas. Unang pagkakataon na nagpakita ng mukha ang may akda. Maraming nasindak pero marami ring nacutan. Hehehehe.




28 Disyembre 2008

Nagbabalik tanaw ngayon ang may-akda sa nag-iisang blog at tambayan ng pinoy. Damuhan.









4 ang nakaappreciate:

  1. wow..idol!
    ang galing... sobrang galing!
    hindi na si Baddodles ang Idol ko; ikaw na at si BOB..lols

    babalikan ko nga yung pagpapakita mo ng nakakasindak na muka..
    teka teka..pasyal muna sa nakaraang nobyembre..

    ReplyDelete
  2. kewl..
    more power to yer blog!
    nice.nice.

    'api new yr tsong!
    ingats sa paputok! :]

    ReplyDelete
  3. huwaw galeng naman within a year dameng nagawa :) manigong bagong taon, bino! :)

    ReplyDelete
  4. Naku! ang kaibigan ko.. ang bilis ah!

    keep it up!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS