December 24, 2008

Ninong at Ninang

Ang mga ninong at ninang. Sino ba ang walang maikukuwento tungkol sa kanila? Hindi ba't karamihan sa atin ay natakbuhan na nila tuwing darating ang kapaskuhan? Sadya bang malupit ang tadhana para sa mga inaanak nila dahil sa wala silang natatanggap na aginaldo? Masuwerte ang iban'g mga bata na nabibigyan ng aginaldo ng kanilang mga pangalawang magulang. Ibig sabihin lang nito, marunong pumili ng magiging kumpare at kumare ang mga nanay at tatay nila. Pero para sa mga magulang, ano nga ba ang mga dapat maging basehan ng pagpili ng ninong at ninang?




1. Credit History - pumili ng tao'ng maganda ang record sa mga bangko, loan, mutual funds at unit investment trust fund. Mas lalong maganda kung may mga time deposits din ang mga ito.

2. Lokasyon - tiyaking accessible ang lugar ng kukuning ninong/ninang para di mahirapan sa paghahanap sa kanya sa araw ng kapaskuhan. Siguraduhing alam kung saan ang address sa probinsiya, opisina, at iba pang lugar na puwede nilang pagtaguan.


3. Looks - importanteng may hitsura rin ang magiging kumpare/kumare nyo. Makakatulong ito para hindi matakot ang anak nyo sa kanila nang sa ganun ay di kayo mahirapan sa pangungumbinsi na mamasko.


Kung sakali namang may mga ninong at ninang na kayo na talaga namang iwas pusoy sa pagbibigay ng aginaldo. Maaring gamitin ang mga sumusunod na tips:


1. Wag nang hayaang paabutin ang mismong araw ng kapaskuhan kung natunugan nyo nang maglalahong parang ninja ang mga kumare/kumpadre nyo. Pagsapit pa lang ng simbang gabi, dumiretso na sa bahay nila para makapamasko.


2. Tatlong buwan bago magpasko, ipaalala na sa kanila ang aginaldo ng anak nyo ng sa gayun ay mapagipunan na ito. Ipaliwanag na kaya ito ginagawa ay para hindi sila magahol sa oras.


3. Kung meron mang utang na loob ang mga ito sa iyo, gawin mo itong advantage. Ipamukha sa kanila na kung hindi dahil sa iyo ay wala sila sa kinalalagyan nila ngayon.


At iyan ay ilan na naman sa mga walang kwentang tips dito sa damuhan. Paunawa: walang personalan. Blogger lang. Maligayang Pasko po sa inyong lahat!







3 comments:

  1. taena.. naunahan mo ako... ganto yung niluluto kong post! shete..lols
    pekpeks man.. totoo...

    ReplyDelete
  2. Just to say HELLO adn Merry Christmas to all!

    I need your help. Pls vote for me by clicking this link Joro Livelihood,locate TOP PINOY EXPATS 2008,which is located in the sidebar and then, check the boxes no. 19, Joro Livelihood and no. 5, Euroangel, then, press submit. Thanks.
    Ronel Livelihood
    Joro, The New Beginning
    Absolutely Joro
    The World Of Joro
    The Tale Of A Bukidnon Lad
    Baconchezjoro Multiply

    ReplyDelete
  3. wahahaha...its a big business for kids during this season...

    http://www.iamjherson.blogspot.com

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.