December 10, 2008

Pasko sa Pinas


Unti-unti nang lumalamig ang simoy ng hangin. Humahaba na rin ang gabi. Tila tinatamad nang sumikat ang haring araw dahil kahit ala-sais na ng umaga ay ubod ng dilim pa rin ng kapaligiran. Naglipana na ang mga parol at kumkutitap na bumbilya sa mga tirahan at lansangan. Pasko na naman!


Kakaiba talaga ang pasko sa Pinas. Isipin mo naman, pagpasok na pagpasok pa lang ng mga "ber" months, mararamdaman mo na ang opisyal na pagpasok ng christmas season. Minsan pa nga, kahit Pebrero na, basta tinatamad pang magligpit ng christmas tree, pasko pa rin!

Tradisyon na sa ating bansa ang simbang gabi o rooster's mass sa wikang inggles. Ito ang pagsisimba ng 9 na gabi (madaling-araw) na nagsisimula sa ika-16 ng buwan ng Disyembre. May paniniwala rin na kapag nakumpleto mo ang simbang gabi at magwiwish ka, matutupad daw ito. Ako mismo, naniniwala sa pamahiin ito. Ilang taon na rin ako'ng kumukumpleto ng simbang gabi. Naging panata ko na rin.

Kasabay ng simbang gabi ang mga pagkain na tumatak na sa puso't isipan ng mga pinoy. Hinding hindi mawawala ang puto bungbong at bibingka na para mas masarap kainin ay sasabayan ng pag-inom ng mainit na salabat (oo! may salabat pa hanggang ngayon tsong!). Mabentang mabenta ang mga ito tuwing kapaskuhan.

Siyempre, tradisyon na rin sa pinas ang pagkakaroling. Kadalasan, nagsisimula ang pangangaroling ng mga musmos at mga matatanda tuwing simula rin ng simbang gabi. Pag mga bata ang matiyempuhan mong nangangaroling sa labas ng bahay mo, pwede ka nang sumigaw ng patawad. Pero kadalasan naman kapag matanda, mapipilitan ka dahil sa sobre na kanilang iniaabot. At ewan ko ba kung bakit sa tuwing aawitin ng mga paslit ang linyang "pasensiya na kayo kami namamasko" ay automatic na susundan ito ng "we wish you a merry christmas".

At sa bisperas ng kapaskuhan, sama-sama ang buong pamilya o kung hindi man ang magkakabarkada para sa isang noche buena. Naging kaugalian na rin sa hapag ang hamon at keso de bola. Masayang nagkakainan, nagkukuwentuhan at nagpapalitan ng mga regalo ang bawat miyembro ng pamilya at mga magkakaibigan. At siyempre sama-sama ring nagdarasal. Nagpapaalala na ang tunay na simbolo ng kapaskuhan ay si Kristo.


At ito ang pasko sa pinas. Masaya at hindi maikukumpara sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa ibang bansa.


pahabot na sulat:


may sariling artikulo po ang mga ninong at ninang.










5 ang nakaappreciate:

  1. ahhhh oo nga..
    parang nasa pinas ka lang ahhh.. pero sa pagkakalam at pananaliksik ko nasa isang mayamang bansa ka ng hilagang merika...

    salabat? di ko alam kung anung lasa nun... o baka nman natikman ko na yun pero di ko lang alam na yun pala ang tinatawag na salabat... madalas kase akong kumain at uminom ng mga bagay bagay na di ko alam ang pangalan...

    nice nice..

    asan ang artikulo ng mga ninong at ninang?

    ReplyDelete
  2. second christmas kuna dito sa Merika. Gusto ko sana sa Pinas mag christmas kasi parang ordinary day lang ang christmas dito di ka tulad dyan. hahayz!

    Advance Merry Christmas nga pala sa iyo at sa pamilya mo.

    ReplyDelete
  3. talaga?..nakokompleto mo ang simbang gabi?hmmmm..buti kapa...sana ngayon makompleto ko din xa...

    lumalamig na nga e...hay, ang sarap magbakasyon at makasama ang pamilya...

    stay safe :)

    ReplyDelete
  4. ang hilig rumepost hahaha..

    naaalala ko dati well actually last year lang nung huli akong nangaroling.. kakamiss lang.. mula nung natuto akong magsimba nakukumpleto ko talaga ang simbang gabi.. 2nd year toh na hindi ko man lang nasimulan.. unang taon nung 2006 ngaun.. eto.. alam mo na.. hindi natin nasimulan sa kabusyhan natin nung nakaraang linggo.. ayun un lang..
    sana next year maituloy ko na ulet.. may bago kase sana akong i-wiwish eh ahihihi hulaan mo..

    ReplyDelete
  5. hahaha alam ko na ang iwiwish mo yanah. heheheh - Bino

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS