Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

August 30, 2008

Babae

2 ang nakaappreciate
"Babae, babae, ikaw ang dahilan ng aming pagkalalake"

Pamilyar ba? Kanta yan ng Hagibis, ang tinagurian "The Village People" ng Pilipinas. Tungkol sa mga babae. Importante sila sa buhay nating mga lalaki dahil sila ang nagluluwal ng ating mga anak. Ang ilaw ng tahanan. Mabait, maaasahan, maunawain atbp. Pero ano nga ba ang tingin ng iba sa mga babae? Tinanong ko ang mga engineering students ng tungkol dito at ayon sa kanila, para daw silang equation.

PAUNAWA: opinyon lamang. ang tamaan, guilty!



Para makahanap ng isang babae, kailangan mo ng oras at pera, kaya naman:


WOMAN = TIME x MONEY


Pero ang "time" ay "money" kaya:


TIME = MONEY

therefore


WOMAN = MONEY x MONEY
WOMAN = (MONEY) x 2


Ang pera daw ang sanhi ng mga problema kaya:


MONEY √PROBLEMS

therefore

WOMAN = PROBLEMS






August 28, 2008

Ang Ultimate Showdown: Havaianas vs Spartan

4 ang nakaappreciate
Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)

OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).

Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")


Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!

Mahal!



Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English), is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)


Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis

- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan

- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso

- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi

- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:

- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura

- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas



August 27, 2008

Salitang Tagalog

8 ang nakaappreciate
Minsan, nagtataka ang mga officemates ko kapag nagkukwentuhan kami dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Bihira daw kasi nilang marinig ang mga tagalog words na ginagamit ko. Sa lahat daw ng mga taong nagtatrabaho sa call center, ako lang daw ang kakilala nilang gumagamit ng mga malalalim na salitang tagalog. Ang sa akin naman, sus! Ang kokonyo nyo kasi eh! Hehehe. Di malalim ang mga salitang yun! Di nyo lang siguro nagagamit. Kayo na ang tumira kasama ang lola! Pero siyempre may iba pa rin na di ko maintindihan at tanging nakakatanda lamang ang nakakaalam.

Yayaon - aalis
Uy! Yayaon na ba tayo? Baka di natin maabutan yung palabas.

Salawal - shorts
Oi Ian! bat di mo pinatahi yang salawal mo sa mama mo?

Mag-urong - maghugas
Mag-urong ka ng kinainan mo.

Labaha - razor
Nakita nyo ba ung labaha ko? Kapal na ng bigote ko eh.


Titimo - tatandaan (bastus!!!)
Titimo din sa isipan ng batang iyan ang lahat ng naranasan nya.


Tsubibo - Ferris Wheel
Ayokong sumakay sa tsubibo. Nakakahilo!

Wawa - Lake
May namamahay daw ng buwaya dun sa wawa.

Ulirat - Malay
Paypayan nyo ng magbalik ang ulirat nyan.


At tulad ng inaasahan, konti lang ang aking isinulat. Nakakapagdugo rin kasi ng ilong kung ang mga pagkalalalim na salita ay akin pan'g ilalagay. Alam ko'ng binabasa ito ng mga officemates ko. Kaya ayan, pasensiya na. At dagdag-kaalaman lamang, di pa ako ganun katanda noh!











August 25, 2008

Pinoy sa Simbahan

4 ang nakaappreciate
Kilala ang Pilipinas sa natatanging catholic country ng Asya. Sabi nila, relihiyoso ang pinoy kaya naman madalas tayo sa simbahan para maglingkod sa Diyos. Pero mukhang hindi lahat ay nagpupunta doon para makinig ng misa. Kamakailan lamang (kahapon!), ako'y nagsimba para ipagpasalamat ang lahat ng biyayan'g dumarating sa buhay ko at sa aking mga mahal sa buhay. Dahil sobrang kapal na ng mga tao, sa bandang likod na lang ako nakaupo. Pinilit ko'ng ituon ang mga tainga sa sermon ng pari. Salamat naman at naintindihan ko rin ang gusto'ng iparating ng sermon. Pero pagkatapos na pagkatapos ng sermon, nagsimula nang umugong ang mga boses ng mga taong malapit sa aking kinauupuan. Hindi yata't nakalimutan na di pa tapos ang misa at sila'y nasa simbahan. Hindi naman sa paghuhugas kamay na parang si Poncio Pilato pero dahil sa malakas ang mga boses nila, di yun nakaligtas sa aking pandining.


ALE: Hay sa wakas at natapos din ang sermon! Di na ko mapakali dito sa kinauupuan ko!

MAMA: Nakatulog na nga ako dine eh! Ala'y ano kaya'ng nangyari dun sa tinayaan ko sa jueteng??

TEENAGE GIRL: hay naku dad, you're just wasting your money sa jueteng. Oh wait lang ha, text ko lang friend ko.

ALE: Uy mare, alam mo ba yang mga servants na yan, nakita ko minsan sa mall! Ay sus! Pagkalalandi! Kumekerengkeng sa mga batang lalaki dun!

ALE 2: Kebarbaridad! Naturingang mga tao ng simbahan eh. Oh tingnan mo naman yung isan'g yun! May gana pa yang pumunta dito eh kakapalaglag lang nyan nung sabado!

ALE 3: Ay panginoong mahabagin, sinusunog na siguro kaluluwa nyan sa impyerno kaya naisip magsimba! Aba mare, dami mo yatang alahas ngayon?

ALE: Eh siyempre naman, sinuot ko talaga yan para mapansin ng mga dito kung gaano ako kasosyal!

Minabuti ko na lang lumipat ng kinauupuan. Sa kabutihang palad, di ko na rinig ang mga panlalait at chismisan ng mga taong yon.

Ganito na ba ang Pinoy ngayon? Wag naman sana lahat.









August 23, 2008

Maraming Salamat Po

0 ang nakaappreciate
Mga Kadamo! Muli ako'ng nagpapasalamat dahil nagwagi po ang aking blog sa Filipino blog of the week para sa ika-122 linggo. Salamat sa walang kupas na pagsuporta. Pero hindi pa tapos ang laban dahil ako'y muling nominado. Kaya naman ako'y nangangampanyang muli para muling magwagi sa patimpalak na ito. Muli, ang aking walang hanggang pasasalamat sa inyo. Mwah!



Sulat ng Magulang Sa Anak

5 ang nakaappreciate
Mahal kong anak,


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.


Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.


Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.


Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.


Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana
akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.


Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.


Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.



Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.



Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.



Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin. Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.



Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.



Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.


At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.



Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.


At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...



Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan





August 20, 2008

Kwentong Langgam

3 ang nakaappreciate

Isang matalik na kaibigan mula sa Unibersidad ng Pilipinas ang nagsend ng kwentong ito sa email ko. Tungkol ito sa uhhh.... langgam. At dahil nagmamakaawa siyang ipaskil ito sa blog ko, pinagbigyan ko na sya. Dahil sya lang naman ang nagsasabing fan ko siya. Wahahahaha. At least may fan ako kahit isa. O siya, eto na ang kwento mo. (hindi niya ipinababangit ang pangalan niya dito. may kaso siguro)



May nasalubong akong pulang langgam kanina.

"O, saan ka papunta?" tanong ko.

"Dyan lang sa may kanto. Susunduin ko gerpren ko, " sagot ng langgam.

"Pwede palang magka-gerpren ang tulad mo? Worker ant ka lang di ba? 'Kala ko yung mga nagkaka-gerpren lang eh yung mga yumayari sa reyna nyo..."

"Aaah, dyan kayo nagkakamali. Kahit naman worker lang ranggo namin, may karapatan rin naman kaming ma-inlab," mabilis na tugon ng langgam.

"Eh paano mo nalalaman kung sino ang gerpren mo sa daan-daang langgam na nasasalubong mo araw-araw?" muling tanong ko.

"Sus, para kang hindi MBB grad! Shempre, pheromone tsong. Actually, bawat isa sa amin ay may unique na pheromone...'kumbaga sa pabango eh signature scent ba. In fact, I'm wearing a Chanel Pheromone right now!" pa-konyong tugon ni langgam.

"A, ganun ba? Medyo na-sense ko nga. Mukhang naligo ka sa pheromone ah! O, sige, bilisan mo at baka mainip gerpren mo sa paghintay sa 'yo sa may kanto. Mahaba-haba pa itong lalakarin mo."

"Kaya nga eh...baka pwedeng maki-hitch sa sapatos mo?"

"No problem. Sige kapit ka lang. Mga ilang hakbang lang naman ito para sa akin eh," tugon ko.

Kumapit si langgam sa nakalawit na sintas at umakyat sa aking sapatos. Maya-maya ng kaunti ay may natanaw nga akong naghihintay na isa pang langgam sa may kanto. Ito na nga marahil ang gerpren na naghihintay dahil nakita kong sobrang na-excite itong langgam na ngayon ay nakabitin na sa dulo ng sintas ng sapatos at handang bumaging na ala-tarzan sa direksyon ng kasintahang naghihintay.

Napasigaw na lang ako ng "Sandali!!!", nang biglang umigkas itong si langgam at napailalim sa suwelas ng aking sapatos. Huli na ang lahat at kahit bakas ni langgam ay hindi ko makita sa sementadong kalsada. Ni impit na hiyaw ay hindi nakatakas mula sa naipit na nilalang.

Samantala, ang kasintahang langgam ay nanatiling nakatayo sa tabing kalsada habang ang hangin ay nagsimoy Chanel Pheromone. At nangilid ang luha sa aking mga mata hindi dahil sa tapang ng halimuyak na pumalaot sa hangin kundi dahil sa nasasaksihan kong pagluluksa ng isang pusong naulila







August 18, 2008

Gameshows

3 ang nakaappreciate
"Five hundred thousand pesos! Matutubos mo na ang lupa mo sa Bicol. Pero buhay na buhay pa rin ang 2 million pesos! That only means na the 2 million is in your briefcase! So , is it a deal or no deal?"




"NO DEAL!!!"




"At ang nilalaman ng briefcase mo ay....... piso!"




*sound effects* kwekkwekkwekkwek



Pera na, naging bato pa. Kung di siguro siya naging ganid sa pera, he could have been five hundred thousand pesos richer. But that's life. We are the ones building our future... building our path. No one should be blamed but you. You are the... teka nga muna, bakit ba painggles-inggles pa ko? Kaya pala umagos na naman ang dugo mula sa ilong ko eh.

^^punas punas^^


Nasuspense na naman ako sa laman ng briefcase ng contestant sa gameshow na KAPAMILYA: DEAL OR NO DEAL. Sayang eh. Kung ako ang nasa katayuan nya, nag-deal na ko sa offer ni banker. Aba, di mo mapupulot ang ganun kalaking pera!

Kapansin-pansin na ang daming pinoy ang nagiging suki na ng mga gameshows. Para sa ilan, ito lang ang alam nilang paraan para biglang yumaman. Hindi balen'g mapawisan at mainitan sa pilahan kung kapalit naman nito'y ang pag-asang biglang maiahon ang pamilya sa kahirapan. Noon pa man, ang dami nang mga gameshows. Pero masasabi ko'ng bigla ito'ng kabuteng nagsulputan nang ipalabas ang WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE? sa IBC 13. Hosted by Cristopher De Leon, bawat questions, multiple choice. Sa bawat tama, aakyat ang pera mo sa mas mataas na halaga. Kapag di mo alam ang sagot, mayroon ka'ng mga lifelines na ask the audience, phone a friend, at 50/50.

Di ko alam kung ano ang nauna sa Game Ka na ba or Weakest Link. Basta ang alam ko, sa weakest link ako nag-enjoy dahil biglaan ang tanong at may time pressure. Nakasali pa nga ako dati. Nakakahiya man pero ang dali-dali na nga ng tanong, nagkamali pa ko ng sagot!

EDU: Arvin, saan tinatali ang sintas, sa tsinelas ba o sa sapatos?

AKO: TSINELAS!!!


Kaya naman, ako ang nadeklarang "The weakest link"! Hehehe. Pero swear talaga, pag nandun ka, tambol-tambol na kaba ang mararamdaman mo. Iba kasi ang ambiance. Seryoso pa si Edu. Tapos.. Tapos... Oo na! Di ko talaga alam ang sagot!


At mula nga noon, dahil sa kahihiyan ay di na ko sumali sa mga gameshows. Kaya hanggang panonood na lang ang ginawa k. Ako na ang nanlalait sa mga contestants ng Wheel of Fortune, Whammy, Gobingo atbp.


Aminin man natin o hindi, nagkakaroon ng pag-asa ang mga ordinaryong mamamayan dahil sa mga yan. Masasabi ko'ng sugal ang isang gameshow. Sugal ang buhay. Pag di ka marunong lumaro, you'll go home with nothing! Goodbye!










August 16, 2008

Biglang Naisip dahil Gutom

7 ang nakaappreciate

12:30 ng madaling araw. Ginising ako ng kumakalam ko'ng sikmura. Tila isan'g ungol ng leon kung lumikha ng tunog. Nagugutom ako. Ang bilis nalusaw ng mga bituka ko ang 3 cups ng kanin, 2 fried chicken, 2 mamon at 1 siopao na kinain ko nung hapunan. Oo. Matakaw ako. Sa kabila ng pagiging patpatin ko ay nagagawa ko'ng pagkasyahin ang mga pagkain sa tiyan ko. Wala naman ako'ng alaga. Pero bakit napakatakaw ko, hindi ko alam. Basta, di ako makatulog hangga't di ako nabubusog. Kaya naman di ko na pinatawad ang lamig ng pritong porkchop na nasa refrigerator. Nilantakan ko iyon sabay tungga ng isang bote ng iced tea. Solb! Busog na ko.


Kaya naman dahil ako'y nakakain na, pwede na ako'ng matulog. Pero siyempre, kailangan ko muna'ng antaying bumaba ang kinain ko dahil ayaw ko'ng bangungutin. At habang ako'y nagaanatay magpababa ng mga kinain ko, umandar na naman ang malikot ko'ng imahinasyon na wala namang kinalaman sa kagutuman at kabusugan ko pero sayang naman kung hindi ko ikukwento.


Naisip ko na lang bigla na pano kung ang mga sumusunod na tao'ng ito ang magiging pangulo ng ating bansa?



1. Pokwang - siguro, habang buhay na hahalakhak ang Pilipinas. Mapapahephep-hooray ang mga investors dahil sa skimberlu, chenelin at churva niya.

2. Pooh o Diego - Si pooh na gumagaya ka y Paquiao o si Diego naman na pambansang bading. Baka maghari ang kabadingan sa buong country! Patay tayo dyan!

3. Willie Revillame - Para masolusyunan ang kahirapan ng bansa, papalawagin nya ang "willie of fortune". Bilang bwena mano sa bagong format ng game, ang mga unang maglalaro ay mga senador, congressman at gabinete nya. Premyo ang kaban ng bayan.

4. Marian Rivera - eh di daanin na lang sa sayaw! Muling bubuhayin ang cha-cha kasama ang tango at boogie. Kaso, hanggang sayawan na lang. Dahil tuyo ang utak ng presidenteng ito.

5. Joey De Leon - habang buhay na maghahari ang bastos sa bansa. At tiyak na magsasara ang ABS-CBN dahil ipapaban niya ito dahil sa tindi ng galit nya sa nasabing network. Maghahari sa bansa ang Kapusod Network.

6. Kuya Kim - pangangalagaan niya ang kalikasan. Papalitan ang DENR ng bagong pangalan: Matang Lawin. Sya na rin ang mag-aanounce kung suspendido ang klase at ang opisina ng gobyerno.

7. Big Brother - magkakaroon ng mga security cameras sa loob ng bawat tahanan ng bawat pamilyang pilipino. Sa ganito daw paraan, mas maiiwasan ang mga krimen. At lahat ng mahuhuling bumabatikos sa kanyang pamamalakad ay magkakaroon ng consequence.

Hanggang dito na lang muna. Natunaw na naman ang kinain ko. Malalim na ang gabi. Oras na para magpahinga. Adios ^^



August 12, 2008

Chismis

4 ang nakaappreciate
"Alam mo ba na may relasyon yang si Girlie kay Junjun?" narinig ko'ng sabi ni Manang Jojit kay Jenny.

"Oh talaga? Kaya naman pala madalas nandyan ang lalaki! Eh di ba nasa abroad ang asawa nyang si Girlie? Ano namang mapapala nya kay Junjun eh chemist yan." ani Jenny.

"Chemist? Eh ang alam ko di pa nakatapos ng highschool yang damuhong yan ah!". nagtatakang tanong ni Manang Jojit.

"Chemist: ke misis umaasa!"

"Bwahahahhhahahaha" sabay na tawa ng dalawang chismosa.




Chismis.



Chismis....




Chismis......






Mahilig daw ang karamihan ng mga Pilipino sa chismis. Sa pagkakaalam ko, walang lugar sa Pilipinas na hindi ka makakakita ng mga tao'ng nagbubulungan, nag-uusap tungkol sa buhay ng iba. Mga pakialamera sa buhay ng may buhay.

Nakakaliw daw ang ganitong libangan kung libangan man itong maituturing. May kapitbahay ako na parang hindi mabubuhay pag walang naibalita tungkol sa lovelife ni Piolo Pascual, sa kalaguyo ni Gretchen Barreto at kahit pusang pagala-gala sa lansangan ay di pinalalagpas. Ganun kabilis lumipad ang mga impormasyon sa kanya. Hindi mo na nga kakailanganin sila Boy at Kris o kahit si Ogie Diaz at Kristy Fermin dahil halos alam na alam nya lahat ng nangyayari sa showbiz at sa ordinaryong pamumuhay ng bawat tao. Minsan na ngang nakapagtala ng record ang kapitbahay kong to bilang pinakamatagal makipagtsismisan. Nakita ko siyang tumambay sa aming tindahan ng alas-siyete ng umaga. Pagkatapos ko ng gawaing bahay mga bandang alas diyes, nandoon pa rin siya at panay ang putak sa kung sino mang bumibili sa tindahan. Alas dose na ng tanghali, nandun pa rin siya. Pasado ala-una na ng maalala nyang magsasaing pa pala siya dahil walang kakainin ang mga anak nya. Guiness!!!

Pero minsan, mukhang hindi sinuwerte ang chismosang kapitbahay. Dahil sa sobra nyang daldal, nakarating sa taong ichinichismis nya ang mga pinagsasabi nyang kesyo nagpaabort daw ito dahil di pa handang maging ina. Walang atubiling nagpatawag ng barangay ang taong ito. Sa barangay hall na lang sila nagkaharap.

Ang resulta, nagcommunity work ang chismosang kapitbahay namin ng 1 araw. Linis ng kanal, tapon ng basura, walis ng kalsada atbp. At pinagmulta pa ng limang libong piso bilang danyos.

At yan ang napala nya dahil sa pagiging chismosa.

Iba naman kasi ang taong may pakialam sa tao'ng nakikialam.


Kaya naman sa iba pang chismosa dyan, di ko kayo pinagbabawalan. Sige lang, dyan kayo masaya eh. Pero walang sisihan ha. With great chismis comes great consequence. Naks! Adios ^^











Panalo na Naman!!!

0 ang nakaappreciate
Salamat sa lahat ng bumoto sa customized layout contest ni Carlota ng www.carlotaonline.com. Dahil sa inyo, nagwagi po ako. At eto ang layout na handog sa akin bilang gantimpala.





Muli, maraming salamat po.

August 10, 2008

Batibot

4 ang nakaappreciate
pagmulat ng mata
langit nakatawa sa batibot
sa batibot
tayo nang magpunta
tuklasin sa batibot
ang tuwa at saya
doon sa batibot
tayo na tayo na
mga bata sa batibot
maliksi, masigla
doon sa batibot
tayo na tayo na
mga bata sa batibot
maliksi, masigla!

Kung ikay ay ipinanganak noon'g dekada 80, malamang alamang alam mo ang lyrics ng kantang yan. Mula yan sa isang popular na programa dati para sa mga bata na pinamagatang Batibot. Hinango mula sa sesame street. Ang ibig sabihin ng salitang batibot ay "small but strong and robust". Nilikha ng Sesame Workshop at Philippine Children's Television Foundation Incorporated.

Ang batibot ay isang 30-minute show na ineere mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 hanggang 10:00 ng umaga. Taong 1996 nang magwagi ang Batibot sa 8th Gawad CCP bilag isa sa Best Television Programs sa Pilipinas.

Malaki ang naiambag ng Batibot sa paggabay sa paglaki ng mga bata noon. Gamit ang mga muppets na sina Pong Pagong, Kikong Matsin, Manang Bola, Ningning at Gingging, Salaginto at Salagubang atbp, nagawa nilang maiangat ang edukasyon ng bawat batang Pilipino.

Naging longest running educational television program ng PCTV ang batibot. Pero gaya ng ibang programa, taong 1996 ay unti unti nang humina ang ratings nito. Marahil ay dahil na rin sa pagpullout ng mga character nila Pong Pagon at Kikong Matsing dahil sa isang license issue. Napalitang man ito ng character ni Koko Kwikaw. hindi nito nagawang ibalik ang dating sigla ng palabas.

Ganun pa man, masasabi ko'ng naging masaya ang pagiging bata ko noong panahong yon dahil na rin sa batibot.

Ang batibot, naging parte ng buhay ng bawat batang pinoy.









August 9, 2008

Kick Ass Blogger Award

3 ang nakaappreciate
Walang hanggang pasasalamat ang aking ipinababatid sa aking kablog, kadamo at kaibigang si NER dahil sa pagkakaloob niya ng kick ass blogger award or tag.


Kaya naman eto ang nilalaman ng tag na yaon:

Kick Ass Blogger Award


Mayroong ka ban'g kilalang blogger na makasipang-pwet?

Maaaring meron silan'g pambihira o original na nilalaman ng blog o di kaya'y umaapaw sa pagiging malikhain. Isa ba siyang tumutulong sa yo para maging mas mahusay na blogger o isang kaibigan na lagi mong maasahan.? O siguro'y isang tao na nagiging inspirasyon mo, o isa'ng nagbibigay sayo ng tunay na saya dahil sa pagiging komikero nito.

Anuman ang iyong rason, alam ko'ng meron kang kakilalang ganyan. Kaya naman nararapat na malaman nila.

*Mamili ng 5 bloggers na sa tingin mo ay "kick ass bloggers"

*Ipaalam mo sa kanila na binibigyan mo sila ng award.

*Ipamalita at bumibisita sa binigyan mo ng award at sa www.mammadawg.com

*Pumunta sa Kick Ass Blogger Club HQ at lumagda. Ipasa ang award na ito sa iba.


Original Text:

Do you know any bloggers that kick ass?


Maybe they've got incredible, original content. Or they're overflowing with creativity. Is it someone that helps you become a better blogger? Or a bloggy friend you know you can count on? Or maybe it's someone who simply inspires you to be a better person... or someone else who sends you to the floor, laughing your ass off.

Whatever the reason may be, I'm sure you know at least a couple of bloggers that kick ass. Well... why not tell 'em so?

LOVE ON 'EM
  • Choose 5 bloggers that you feel are "Kick Ass Bloggers"
  • Let 'em know in your post or via email, twitter or blog comments that they've received an award
  • Share the love and link back to both the person who awarded you and back to www.mammadawg.com
  • Hop on back to the Kick Ass Blogger Club HQ to sign Mr. Linky then pass it on!

Grab code's below - don't forget to link up the person who nominated you for the Kick Ass Blogger Club. :)


Kaya naman inihahandog ko rin ito sa lahat ng bloggers na bumabasa dito. Kaya alam ko'ng binabasa mo to, wag magsinungaling!

August 8, 2008

Tawa lang ng Tawa

2 ang nakaappreciate
Hirap tayo'ng mga Pinoy sa panahong ito. Ang dami'ng walang trabaho. Ang dami ring halos wala nang makain sa bawat araw. Patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalung-lalo na ang bigas. Ang pandesal, pumapalo na sa 2.50 bawat piraso. Pero di maipagkakailang hindi natin nakakalimutang tumawa o ngumiti kahit pa gaano kahirap ang buhay. May kasabihan nga na "Laughter is the Best Medicine". San ka nga ba naman makakakita ng isang lamay na kung saan eh masayang nagkakantahan ang mga nakikiramay maging ang mga kaanak ng yumao? Saan ka rin makakakita ng mga nasunugan na at binaha ay nakukuha pa'ng kumaway at ngumiti sa harap ng camera.? May sira nga ba ang ulo nating mga pinoy?

Isa ang Pilipinas sa pinakasamayang bansa sa buong mundo. Kaya naman di na nakapagtataka kung tumatawa tayo kahit na ubod bigat ng ating problema sa buhay. Para ban'g nadadaan na lang sa tawa ang lahat. Kaya nga bang gamutin ng tawa ang sakit ng isan'g tao'ng nagdurusa sa sakit na kanser? Magagawa ba nitong ibalik ang mga naabong ari-arian ng mga nasunugan? Mabubuhay ba muli ang isa'ng yumao kapag sila'y ating tinawanan? Lulutang ba sa dagat ang MV Princess of the Stars kung tatawanan?

Ilan lang yan sa mga tanong na bigla ko lang naisip ng may makita ako'ng isang ale na tumatawa sa di malamang' dahilan. Kahit na halatang hirap siya sa buhay dahil sa kalsada siya natutulog kasama ang kanyang asawa't anak, tila bagang napakasaya pa rin nila. Kita'ng-kita sa kanilang mga mata nung araw na yun ang lubos na kasiyahan. Walang maskara. Totoo ang kanilang nararamdaman.

Kaya naman napag-isip-isip ko na hindi mo kailangang masyado'ng seryosohin ang iyong pasanin sa buhay dahil maaga ka lamang tatanda at mailalagay sa hukay. Kailangan di natin ang minsang magrelax. Kung iniisip mo ngayon na sobrang hirap ka na, isipin mo ang mga batang nasa kalye, ang mga tao'ng grasa na namamalimos, mga baliw sa mental hospital atbp. Mas mahirap pa kaysa sayo ang kanilang sitwasyon pero nagagawa nila itong gamutin.

Kaya smile ka lang. Tawa lang. Mabisang medisina yan sa iyong problema.

August 3, 2008

Paano Kontrolin ang Emosyon

2 ang nakaappreciate
A friend of mine sent this email to me and I just wanted to share it with you guys.




This would give you guides on how to control your emotions towards your better-half, friends, officemates and all the people around you, especially your "boss". The rules of practicing "ugaling langit, ugaling kaaya-aya" :



#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.



#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.



#3 Ang taong galit, 'bingi.' If someone is angry, wala raw pinakikinggan, so, don't try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.



#4 Ang taong galit, 'abnoy.' Ayon sa pastor, Biblical daw ito? because the Lord said when He was crucified, "Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa." Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.



You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewel, because you need them for you to mature. Hangga't andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God will not take away those people; it's for you to take away your bad feelings towards them. You'll know na mature ka na pag dumating 'yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.



#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this

person, "I will grow mature," and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA

MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.