January 21, 2009

Kalaro

Andyan ka naman. Gusto mo na naman ba'ng makipaglaro? Teka muna. Pag-iisipan ko. Pinagtatawanana kasi ako ng ibang tao kapag kausap kita. Nababaliw na naman daw ako. Kung sinu-sino na naman daw kasi ang pinagkakausap ko. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng mga tao ay ikaw pa ang napili ko'ng kausapin. Eh ano pa nga ba ang magagawa ko eh ikaw lang naman ang nakakaintindi sa lahat ng mga problema ko. Ikaw lang at wala nang iba.


Mula pagkabata, hindi mo na ko iniwan. Parati kang nandyan sa saya man o sa oras ng kalungkutan. Naaalala mo pa ba nung pinagalitan ako ng teacher ko nung grade 1 dahil hindi ako nakagawa ng assignment ko sa math? Gustuhin ko mang sagutin si ma'am eh hindi ko naman magawa. Pero ikaw ang galit na galit. Sinabi mo pa nga sakin na tusukin ko ng ballpen sa mata ang guro ko ng matauhan. Pero nakinig ka pa rin sa akin ng paliwanagan kita'ng masama yun. Yan ang gusto ko sa yo eh! Kahit galit na galit ka na, basta sabihin ko'ng relax lang, tumatalima ka naman.

Tandang-tanda ko pa rin ang araw nung grumaduate ako ng elementarya. Ang aking mahal na pamilya, hindi man lang sumipot. Wala man lang ni isa na naglakas-loob na panoorin ako'ng magmartsa at abutin ang aking diploma. Tanging kapitbahay ko nga lang ang nagsabit ng medalya sa kin. Ewan ko ba sa kanila! Hindi yata nila matanggap na hindi ako grumaduate na valedictorian eh. Eh ano namang magagawa ko diba? Hanggang dun lang ang kaya ng utak ko eh.

Akala ko magbabago ang tingin nila sa kin ng tumuntong ako sa kolehiyo. Ginawa ko naman ang lahat, pero di ko pa rin naabot ang mga expectations nila. Wala eh. Mapurol daw ang utak ko. Ba't ba naman daw hidi ako tumulad sa mga kapatid ko. Puro na lang sila! Wala na ako'ng ginawang mabuti sa pamilya!

Pero ikaw, lahat ng pinagdaanan ko, nakita mo. At taliwas sa mga saloobin ng maraming tao tungkol sa akin, ikaw ang tuwang tuwa sa mga achievements ko. Ikaw lang ang nagparamdam sa kin na importante ako. Lahat nga ng trip ko, pinatulan mo eh! Astig!!!! Hanggang sa paghahanap ko ng trabaho, sinamahan mo pa ko! Buti nga hindi nakahalata ang interviewer na kinocoach mo ko sa pagsagot ng mga questions nya. Ang galing diba?

O yan, napagisipan ko na kung makikipalaro ako sa yo. At xempre ano ba sa tingin mo ang isasagot ko? Matatanggihan ko ba naman ang kaisa-isang nilalang na umuunawa sa kin. Tara na, laro na tayo. Pero pasimple ka lang ah. Baka mapansin na naman nila ako at pagtawanan. Magpakita ka na kasi sa kanila!




9 ang nakaappreciate:

  1. naalala ko tuloy yung kanta ng eraserHeads..
    taena
    hindi nman halata ahhh
    pero masaya yan!
    lols

    sige goodluck!!

    ReplyDelete
  2. naiintindihan kita... at nakikita ko kung sino ang kala-kalaro mo... :-)

    ReplyDelete
  3. wala akong ibang masabi kundi: ang galing!
    yun lang..

    ReplyDelete
  4. nakita ko na siya..andun siya oh..nakatago sa dilim..hehehe

    napadaan, nakibasa at naki epal na rin..lolz

    ReplyDelete
  5. nyaks...ahehehe...hala meron ka din other side...ahahaha...dati nag-chechess kami..ngayon inde na...basketball na lng daw kami muna...minsan ayain kita, sama mo sya..two-on-two...:D

    ReplyDelete
  6. pangalawang beses nang nabasa

    pero ok pa rin

    ReplyDelete
  7. lols.. sabi ko sayu pareng gulaman eh..
    hawig nga di ba..lols
    pasensya na..
    machismax

    ReplyDelete
  8. Good job, Bino! Keep it up. ;) Sabihin mo sa kanya, ipakikilala ko din siya sa kakilala ko. Baka magkasundo sila. Hehe.

    ReplyDelete
  9. Anu toh? Nanjan pa rin yung imaginary friend mo?!

    PEro parang nalungkot ako sa kwento mo.. Ayus lang, kasi may kalaro ka pa rin kahit di nakikita ng marami.. Nakakatakot nga lang..
    May Prozac ako, gusto mo? lolz

    Piz!
    cheers!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS