ABNKKBSNPLAKo?! Ang unang libro ni Bog Ong. Ang libro'ng ito ay sumasalamin sa mga ups and downs ng isang buhay estudyante. Nararapat lamang na basahin ng mga estudyanteng nagkukuli na mag-aral.
Ang librong McArthur na likha pa rin ni Bob Ong ay tungkol sa magkakabarkada na nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Bagamat naging mga sabog, nanatili pa rin ang pagiging magkakaibigan nila sa isa't isa. Sa librong ito, di pa rin nawala ang humor ni Bob Ong pero nagustuhan ko ito dahil sa magandang mensahe na gustong sabihin ng libro. At ang mensaheng iyon ay malalaman nyo lang pag binasa nyo ang librong ito.
Libro'ng lika ng aking katukayo na si Vlad Bautista Gonzales. Mga kwentong barbero. Akala mo seryoso pero sa bandang huli, joke lang pala. Bagamat hindi ito kasing ganda ng mga unang librong nabanggit, masasabi ko'ng mahusay pa rin ang pagkakasulat dahil sa mayroon siyang sariling istilo.
Peksman (Mamatay ka Man) Nagsisinungaling ako. Sabi ng ilan, may pagka-bob ong daw ang istilo ng pagsulat nya. Ang aking opinyon naman, kailangan mo'ng magkalikot ng utak paminsan minsan. Di katulad ni BO na may pagkamasa, ang librong ito ay puno ng hangups. Pero ganun pa man, nagustuhan ko ito dahil sa ganoong atake.Ilan lamang yan sa mga libro na naing inspirasyon ko para simulan ang blog na ito. Marami pang magagandang aklat ang hindi pa sa ngayon napapansin ng publiko. Hangad ko'ng maging masigla ang industriya ng mga libro nang sa gayon ay mabigyan ng pagkakataon ang mga gusto'ng magpublish ng kanilang libro na makilala
hahaha..
ReplyDeletetaena.. hanggang sayo ba nman nasasabihang alagad ni BOBong ka na din pareko!!!
good for you.. narinig ko na yung ilan sa kwento ni bob ong poro wala pa akong nababasa personali... hinahalukay ko nga ang internet eh para hanapin yung blog nya na bobongpinoy daw pero di pa ako nagkaka-oras halukayin ng todo to!!
sige sige, goodluck sa bob-ong bob-ong na yan!
kahit ikaw lang si bino oks na... di mo na kailangang ihanay pa sa kanila.. kumbaga, tsokolate sila, ikaw nman kendi..lols
parehong matamis
nangunguna pa rin talaga sa listahan si bob ong :)
ReplyDeletehaha lupet. b\paborito ko tlga mga libro ni bob ong!
ReplyDeleteung iba dyan di ko pa nababasa,
hanapin ko nga sa bookstore!haha.
ingaats tsong! :]
Kung iyan ang mga paborito mong basahin.. aba e napakagaling mo pala talaga :)
ReplyDeleteako ito,
si manilenya
nabasa ko na po yan! tawa ako ng tawa!
ReplyDeletenaman naman! haha idolo mo din pala si Bob Ong, ako din kumpleto ako ng libro nya at sobra ngang kulit.. astig nga at parang ganun din ang tema ng blog mo.. Rock!!
ReplyDeletewow! bob ong is the number one talaga pagdating sa ganyan!.. sa totoo lang, i have nno copy, isa man sa book ni bob ong pero nakakabasa ako dito sa blog, sa text at sa email about sa mga naisulat nya at napapatawa nya talaga ako...astig talaga xa!
ReplyDeletetabi tabi po...
ReplyDeleteoverrated si bob ong maging si eros atalia...sabihin nang binasa ko sila at natawa pero sa bandang huli, wala pa rin sila sa kalingkingan ni man jun (jun cruz reyes)