January 4, 2009

Prediksiyon sa 2009

Paunawa: Ang mga sumusunod na prediksyon ay nagmula sa bulaang propeta na nagngangalang Madam Lukring.

2009. Maraming mga bagay-bagay ang mangyayari ngayong taong ito. Sa pagbukas ng aking mga mata ay agad ko'ng nasilayan ang pinaghalong liwanang at dilim. Narito ang aking mga nakikita'ng maaring mangyari sa taong ito.

TRABAHO


Maraming papasok sa call center na mga housemaids matapos maging inspirasyon si Inday, ang inggleserang katulong. Pero ilan lang silang matatanggap

Hihina lalo ang electronics na magiging sanhi ng malawakang brownout kaya lalakas uli ito.

Papasukin na rin ng mga politiko ang mundo ng pagbablog para sa extra income.


Libu-libong tao ang mawawalan ng trabaho kapag natapos ang mga teleseryeng ipinapalabas ng mga tv stations.


BLOGGERS:



Isang blog ang hindi na magtatagal sa mundo ng blogosphere dahil manonosebleed ang mga readers sa banyagang salita'ng kanyang ilalathala.

Isang bagong layang blogger ang tataas ang google page rank. Mula 0 magiging page rank 3 ito.


Isang blogista ang isang taon'g hindi maliligo dahil mawawalan ng tubig sa kanilang lugar. Magiging sanhi ito para langawin ang kanyang blog.



SHOWBIZ

Magkakaroon ng bagong teleserye si Karylle sa ABS-CBN at ang magiging title ay MARICAR.


Patuloy na magkakaroon ng eskandalo si Marian Rivera. Pinapayuhan ang nasabing artista na magsuot ng mahigpit na bra para di na maulit ang nangyari'ng eskandalo sa SOP.

Mapagsasama si Marian Rivera at Anne Curtis sa isang napakalaking teleserye. Ang magiging title: DYOSABEL.


Muling magkakaroon ng pelikula sina Vic Sotto at Dolphy matapos ang matagumpay nilang pelikulang DOBOL TROBOL. Ang magiging title ng kanilang bagong pelikula: DOBOL BUKOL

Isa na namang sequel ng pelikula ni Aiai Delas Alas ang ipapalabas kalagitnaan ng taon. Title: Cooking ng Ina Nyo'ng Lahat


POLITIKA



Mananalo si Manny Pacquiao kung kakandiato siya bilang barangay captain.


Magtutunggali sa pagkapresidente sina Kuya ng Pinoy Big Brother at Banker ng Deal or No Deal.

Maglalaban sa pagka-bise presidente si Willie Revillame at Joey De Leon.

Patuloy na magbibitaw ng jokes si Joc Joc Bolante


Maisasakatuparan ni GMA ang kanyang cha-cha matapos nyang bumaba sa pwesto sa taong 2010






Ilan lamang yan sa mga nakikitang magaganap sa taon'g 2009. Ang mga nabanggit ay gabay lamang at nasa pagsisikap pa rin ng bawat indibidwal ang kanilang ikatatagumpay sa buhay.






13 ang nakaappreciate:

  1. kakatuwa naman ang mga prediksyon...
    swerte ni manny makakapasok na rin sa politics...
    hahaha
    ganda ng site mo kasi madamo...hehehe
    salamat sa pagbisita sa munti kong tahanan!

    ReplyDelete
  2. ayos ang mga prediksiyon na to ah... hehehe

    ReplyDelete
  3. panalo yung "cooking ng Ina nyong lahat" haha sana matuloy yun project n yun ni ai ai hahahaha

    ReplyDelete
  4. hahahah aydol... walang kupas pa rin mga banat mo talaga... natawa ng todo hahhaha

    ReplyDelete
  5. sinu ba yung si MADAM LUKRING?
    taena.. napakagandang prediksyon...
    pampakalma..lols
    pakilala mo nga ako sa kanya at makapagpahula din.

    sana sana...
    eh bat walang prediksyon sa weather weather?lols

    ReplyDelete
  6. sana tulad ng ibang hula, di magkatotoo haha. scary lalo na sa politika. anong nangyari ke marian sa SOP? huli na ko sa balita ehe.

    ReplyDelete
  7. napakagandang mga prediskyon.,.,

    pwde din ba magpahula??

    ReplyDelete
  8. magkano pahula? papahula ako. heheh. kakatawa!

    ReplyDelete
  9. ok din d2 ha.. nakakatawa ang mga posts.. hahaaha..

    http://aecatamora.blogspot.com/

    ReplyDelete
  10. hehhe..kaw tlga!

    paano kaya kung maging totoo yan.. sino si madam lukring?...

    wow ha!

    ReplyDelete
  11. aray ko...sumasakit ang opera ko lol!


    manilenya

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS