Back to regular programming.
Sabi nila, napakaiksi ng buhay para malungkot. Sa halip daw na aksayahin ang oras sa pag-iyak, bakit hindi na lamang daw tao magpakasaya at magpasalamat sa Diyos dahil sa kabila ng mga iba't ibang uri ng hinanakit na ating nararanasan ay marami pa ring biyaya ang dumadating sa atin.
Tama nga naman. Sabihin man ng ilan na gasgas na ang kasabihang hindi importante ang mga materyal na bagay, pinaniniwalaan ko pa rin ito sa paraang alam ko.
Madadala mo ba ang cellphone, computer at ipod mo sa iyong pagpanaw? Hindi naman diba? Ang mga naitayo mo'ng negosyo gaya ng computer shop, meat shop, porn shop, beer house atbp ay maiiwan lamang dito sa ibabaw ng lupa.
Napapansin ko na habang tumatanda ang tao, nagbabago ang pananaw nila sa salitang "kaligayahan". Sa panahon ngayon, puro materyal na bagay lamang halos ang nakakapagpaligaya sa karamihan. At karamihan sa mga ito ay nakakalimutan nang magpasalamat sa Diyos dahil sa mga biyayang kanilang natanggap. Marapat nating tandaan na wala tayo dito kung wala siya. Sa ating pagtanda, lahat ng materyal ay nawawala.
Isinulat ko ang artikulong ito para kahit paano' magising ang mga natutulog na laman ng utak ng bawat tao. Ayos lang ang mga materyal na bagay, pero huwag nating kakalimutan ang tunay na dahilan ng kaligayahan. Mabuhay tayo ng ayon sa Kanyang kagustuhan at hindi ayon sa ating sariling kapakanan.
ang tunay na kaligayan makikita at madadama sa puso natin at sa bawat puso ng taong ating nakakasalamuha.
ReplyDeletewow...ako ba ang una?
ReplyDeletesandali basahin ko nga muna..lols
isang masigabong palakpakan muna...
ReplyDeletetama ang sinabi mo parekoy...
Hindi nman sa AYaw ko sa materyl na bagay pero kung sumobra talagang nauuwi sa masama...
yun na muna..hehehe
voted today.
ReplyDeleteand
you are very welcom.
nagising ako a. tama ka pare...
ReplyDeletenice blog...keep it up!!..unang bisita ko..keep it up...voted for a friend too! like your lay-out!!
ReplyDeletesang-ayon talaga ako sa sinabi mo dito kaibigan...sana naman marami na ang magising sa katotohananng ito...ika nga "Live a simple but Happy and contented life"..just like me....hehehe! happy blogging!!
ReplyDelete