Agad ko'ng inabot ang kanyang bayad at ibinigay sa driver ng FX na sinasakyan namin papunta'ng Las Piñas. Matiyaga ako'ng nag-antay na mapuno ng pasahero ang sasakyan hanggang sa tuluyan na ito'ng umandar.
Sa kabila ng traffic ay nakuha ko pa'ng mag-enjoy sa biyahe gamit ang aking ipod na pinuno ko ng mga kanta ng mga paborito ko'ng opm bands. Ngunit sa kabila ng lakas ng tugtugin mula sa nasabing gadget ay di pa rin nakaligtas sa aking pandinig ang tila umano'ng excited na boses na isang babae.
Napatingin ako sa salamin ng fx at aking natanawan ang kolehiyalang nakiabot ng bayad na sobrang ingay sa pakikipagusap sa kanyang bago'ng cellphone. Di ko na natiis at pinatay ko na lang ang aking ipod. Noon di'y nakita ko siyang pumindot sa kanyang telepono at nag-antay na may sumagot sa kabilang linya. Hindi naman siya nabigo.
"Hello Ariel! Genelyn to. Oo! Ako nga! May bago na ko'ng cellphone!!! N90! Yeah!!! Save mo number ko ha. It's 0927-264-6***!. Yun nga!. Actually papunta ako sa SM to shop for clothes. Kadarating lang ng allowance ko from my dad eh. 10k for 2 weeks!!! So paano, text mo ko ha. bye!"
Masyado'ng excited ang dalaga na hindi na nya yata napag-isip-isip na lalabas ang kanyang numero sa screen ng telepono ng kanyang tinawagan dahil sa caller id. Akala ko'y tapos na ang kanyang pagtatawag ngunit muli na naman ito'ng dumial ng mga numero.
"Hello Jessy! Genelyn to. Pupunta ako'ng SM kasi dumating na yung allowance ko'ng 10k eh. Shopping galore to the max! Ay oo nga pala, save mo to'ng number ko ha. Tapost 3g call tayo. It's 0927-264-6***. Ok? Cgeh, ciao!"
Hindi ko na mabilang kung ilang kaibigan at kamag-anak ang kanyang tinawagan. Hanggang sa nakarating na siya sa kanyang destinasyon. Nagpatuloy ang aking paglalakbay hanggang makarating sa aking pupuntahan sa Las Piñas. Pero hindi ko lubos maisip kung ano ang pumasok sa utak ko at naisipang itext ang babaen'g yon para bigyan ng babala.
"Hi! Pls b cautious n divulging info n pblic."
***nokia tune***
"Hu u! Wer did u get my #?" ang reply ng dalaga.
"Kung masama ako'ng tao, d na sna kta babalaan. Kasakay m k sa fx at dming nakrinig ng nmber mo. Alam k rn n my 10k ka at nsa sm southmol ka. Nxt tym, mag-ingat ka dahil kung iban'g tao ang nakrinig ng mga yan, malamang, nahold up ka na." Sagot ko.
Matapos ko'ng replayan ang dalaga ay nilapag ko ang aking cellphone sa mesa at nagsimula nang maghapunan. Mga ilang minuto lamang ang nakakalipas ay muling tumunog ang aking telepono.
"TY ha. Cn u b my txtm8?"
Natawa na lang ako sa kanyang mensahe at pinatay ang aking telepono. Matapos kumain ay nagpalipas ako ng mga ilang minuto bago tuluyan ng nahiga sa king malambot na kama.
ganda ng kwento mo nakakaaliw parang nagbasa ako ng pocket book ah.. =]
ReplyDeletehuwaw!...ahehehehe...baka naman sinadya nya talagang iparinig seo...aheks...
ReplyDeletechance na yan..txtm8 mo na, juks...ahehehe..
Mukhang panget yung babae. 'Di mo pinatulan e! Hahaha! Dapat kamukha siya ni Anne, or kasing-L ni Adel. Isa lang masasabi ko kay ateng may may bagong cell phone, "panalo!" Hahaha!
ReplyDeletehahaha. jan nagsisimula ang mga lovestory sa tv ah. haha.
ReplyDeletebuti na lang di xia nahold-up. kaloka naman ang babaeng to. tinext nalang nia sana mga friends nia. lol. swerte nia at walang bad guy sa FX. ahehe. tsk tsk.
ayos. isang babala para sa lahat!
txt mo na yung girl. ahaha.
aha..ang galing nun ahhh... tama nga si SuperGulaman..lols baka naman sinadyang iparining sayo..hehehe
ReplyDeletelols dapat nakitxt mate ka na..hehehe
Wahahaha nakakatawa naman, pero tama iyong ginagawa mo? saang bundok kaya galing iyon? siguro akala niya kapag sa CELLPHONE na N90 ang kausap dapat sigawan ang laban. lols!
ReplyDeleteyan ang mabait.. di mapagsamantala...
ReplyDeleteat nagawa pang makipag text mate ni gaga hahah :))
ReplyDeleteHahaha.. ang galing mo naman...isa kang mabait na tao at sana wag ka muna kunin ni Lord.. (katok sa kahoy) hehehe..
ReplyDeleteBaka nagpapapansin lang yong girlalush na yon. Pero di ko din ma gets-gets bakit merong mga taong ganyan pagnakikipag-usap sa CP nila.. Kala mo eh nasa kabilang bundok ang kausap! hahaha..
Btw, napadaan lang pala ako para iboto c Madam Carlota.. Nakibasa na rin..
hahahayyyyy! nakakaloka naman si ading hayskuler!.. ano yun,papansin?hehheeh...
ReplyDeletemaganda yun ginwa kaibigan.. pero teka! galing nang memory mo ah... sabagay ilang beses ba naman kc niya binanggit ang number nya..hehehe..
oooooppps! talagang gus2 pa niyang makipagtxtm8 ha!... bat yaw mo mkipgtxtm8 2 her? d cguro xa kgndahan..heheheh...
baka nagtrip lang yung babae wala namang 10k baka 10 lang natira sa pera niya coding nalang na magkita sa sm para makauwi ng bahay. . .
ReplyDelete