Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

March 30, 2009

B1 Gang: Pagbabalik-Tanaw

Tandang - tanda ko pa noong ako'y nasa high school, madalas gumagawa kami ng book report. Iba't ibang libro ang pinapabasa sa amin ng aming mga guro. Gagawan pa namin ito ng summary at sa bandang huli'y huhusgahan ang buong kwento.


Sa dinami-dami ng ginawa ko'ng book reports noong high school, may libro ang tumatak sa akin na hanggang ngayon ay patuloy at paulit-ulit ko'ng binabasa at ito ay ang B1 Gang.

Photobucket



Ito ang kwento ng mga magkakabarkadang sina Gino, Kiko, Boging at Jo: mga high school teeners na gustong maging investigative journalists sa kanilang pagtanda. Lumilibot sila sa iba't ibang parte ng Pilipinas at nagreresolba ng mga misteryo sa tulong ng kanilang hinahangaang mamamahayag na si Mike Rodrigo.


Ginawa ang B1 Gang para mabalanse ang mga banyagang libro na noo'ng mga taon'g yun ay namamayagpag sa isip ng bawat kabataang pinoy.


Itinuro ng B1 Gang ang pagpapahalaga sa lahing Pinoy, kultura at magagandang lugar sa Bansa.

Nabuo ko ang koleksiyon ng B1 Gang books at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang mga ito. Hindi ko maikakaila na naging interesado ako'ng magbasa ng libro dahil dito. Kung pagaganahin mo ang iyong imahinasyon habang nagbabasa nito, para mo na ring narating ang mga lugar na nabanggit sa aklat.


Narito ang listahan ng mga aklat ng B1 Gang. Maaaring bihira lang ang nakakaalam ng mga ito pero sinasabi ko sa inyo na isa ito sa mga magagandang libro na aking nabasa.




Prequel EPISODE ONE - BOOK 1 Free eBook!
Prequel EPISODE ONE - BOOK 2 Free eBook!
Case File No.1 HALIMAW SA WAWA
Case File No.2 LIHIM NG BATONG BUGHAW
Case File No.3 LIHIM NG DILIM
Case File No.4 HIWAGA NG NAWAWALANG AGILA Free eBook!
Case File No.5 REBULTO SA BAHAY NA BATO Free eBook!
Case File No.6 MISTERYO SA LIBINGANG-YUNGIB Free eBook!
Case File No.7 MASKARA NI LONGINO Free eBook!
Case File No.8 WILDLIFE DETECTIVES Free eBook!
Case File No.9 MATA NG DIYABLO Free eBook!
Case File No.10 ASWANG SA HATINGGABI Free eBook!
Case File No.11 DIWATA NG BULKAN Free eBook!
Case File No.12
Case File No.13 SUMPA NG MOMBAKI







21 ang nakaappreciate:

  1. aba. ngayon ko lang narinig ang B1 gang, at mystery cases ang topic. gusto ko mga gantong kwento, nakakaaliw basahin.. salamat sa pagintroduce dito. :)
    ReplyDelete
  2. huhu. mali yung name na natype ko. kamusta naman ako? tsk. may h po yan dapat. ahehe.
    ReplyDelete
  3. ayokong manghula ng edad pero mukang mas matanda ako...hindi ko inabutan ang librong ito!

    mas tanda ko kasi yung mga kwento tung sa...aba! aba! bababa pala!"

    siyempre hindi ko nakakalimutan ang 'henny is a hen. henny penny is red hen. henny penny has eggs. henny penny has ten eggs."

    teka pang grade one yan ha hindi pang high school hehehe!
    ReplyDelete
  4. nangangatog ako sa mga kwentong yan! lols mga taytol pa lang nanginginig kagat labi na ako..hehehe

    bakit nakakalito tong comment box mo? bago ahh
    ReplyDelete
  5. nasubaybayan ko tong mga aklat na to at talaga namang nagusutuhan ko rin. nagkaroon pa nga ito ng comic strip sa inquirer eh. ^^
    ReplyDelete
  6. kaibigan bino! wow... ang ganda naman nyan.... buti kpa natatandaan mo pa mga yan...ako? wala na aq matandaan sa mga tinuro sa akin nung highscool....bad!hehehhe
    ReplyDelete
  7. bino said...
    nangangatog ako sa mga kwentong yan! lols mga taytol pa lang nanginginig kagat labi na ako..hehehe

    bakit nakakalito tong comment box mo? bago ahh

    ako kaya yun..lol bakit naging Bino? hehehe.. may topak dati ang commentbox mo parekoy..
    ReplyDelete
  8. hi ask ko lang po kung san maaaring makabili ng b1 books....ang hirap na po kasing mahanap sa mga bookstore....plsssss po
    ReplyDelete
  9. aw sayang wla ung ep 1-3 hayst!!nagtanong na ko nyan sa national bookstore pero wla rin eh..syang
    ReplyDelete
  10. san b pwede bumili ng b1 gang.. 5 copies nlang ntira skin.. my friends never returned my b1 gang files.. help po!!!!!!!!!
    ReplyDelete
  11. hi ermz try mo sa cubao, but I'm not sure kung meron pa. anong casefiles ang meron ka? hinahanap kasi namin yung casefiles 1-3. kung pde nga ako na gagawa ng e-book, joke. hehe. sarap kasi ulit ulitin yung mga stories. anonymous ako pero eto tag name ko RQ117
    ReplyDelete
  12. hELLo sA LaHat!! I'm nEw hErE bUt i'M eXciTed tO jOin..
    B1 gaNg aNg faVorIte kOng bAsAhiN nuNg eLeMenTarY akO..i sAw mY sEatMaTe reAdIng "Lihim ng Batong Bughaw" aNd I gOt ReaLLy inTereSted..cOvEr pA LaNg yUng nAkIta ko..i literaLLy sEarcHed NatiOnaL bookStores sA FarMeRs cUbAo..[1996 pa yUn!!] at nag-mEmBer pa aKo sA sA B1 Gang Club noon..nag 1 2 3 pA kO nUn sA jEep kAsi kuLang pEra ko..naGamit Ko sa pagPaPadALa sa pOsT offIce [hEy wHat do You exPect fRom a 6th gRadEr,waLang Pera di ba?] tALaGaNG nAgtataLon aKo sA tuWa nUng ma-reCeive kO yUng CertifIcaTe ko at mGa sTickErs!! i gRew uP rEadIng tHese Books!! tHeY bRinG bAck mEmoriEs.. sALaMat sA mGa wRiTers,puBLisHeRs..sA LaHat..sAnA ma-ApPrEciAtE ng mGa maGuLang aT mgA bAta anG bOOks ng B1 Gang..it WiLL tAkE yOu to Many aDvenTures,bLow yOur mInd aWay wiTh tHe sUspenSe at mArAmi tAyoNg maTuTuTuhab..agRee ba guyz??!!!
    ReplyDelete
  13. guys im just wondering where can i buy the whole episodes of b1 gang? i remember when i was in high school i had a collection of all the books they published.. unfortunately nawala ko cla lahat.. bka may alam nman kaung bukstore na nagbebenta pa? salamat!! message nyo nlang ako sa fb.. elevation_i_am@yc. thanks much much in advance..
    ReplyDelete
  14. as far as I know po, wala na po siya sa mga bookstores. Siguro sa mga bookstands sa Recto meron pa
    ReplyDelete
  15. wala na siya sa mga bookstores. nagtanong ako minsan sa national bookstore sa cubao eh, sabi mtgal na daw phase out. baka nga sa recto meron pa, sana meron kasi gsto ko bumili ng lahat ng case files eh
    ReplyDelete
  16. dahil sa b1 gang nangarap ako makarating sagada, yun ngpunta bga ko nung 2009 hehe. dami nyang tinuro sakin tungkol sa phils. sayang wala na cla. case file no. 11 lang ang di ko pa nababasa. pls pagawa naman ng ebook
    ReplyDelete
  17. sana may continuation pa ang b1 gang.. naalala ko 1st year hs ko pa nasimulan basahin yan...
    ReplyDelete
  18. Kinilabutan ako at natuwa at the same time ng makita at mabasa ko tung blog na to kase:
    1. Paborito ko din ang B1 Gang, at madalas din kame pinapagawa ng book report tungkol dito nung Filipino teacher namen nung 1st year pa ko
    2. Taga Muntinlupa din ako

    hindi kaya magka schoolmate o baka magkaklase pa tayo? hehe
    ReplyDelete
  19. bakit wla ng halimaw sa wawa?
    ReplyDelete

Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!