Sa ilang buwan ko'ng pagsusulat dito sa damuhan, makailang ulit din ako'ng nakatanggap ng mga di magagandang komento. Kunsabagay, hindi mo naman talaga mapeplease ang lahat ng mga readers. Kanya-kanyang opinyon 'ika nga. May mga nagsabi na corny ang mga pinagsususulat ko. Meron ding nagkomento na gawa ng iba ang mga sinusulat ko tulad na lamang ng Kwentong Lamok. May mga nagpopost din ng mga mensahe sa shoutbox na naninira sa mga sulat ko.
Minsan nang nangyari ang ganito sa isang blog ng kapwa ko blogger na si Enday. Pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat at di inalintana ang mga negative write-ups sa blog niya. Hindi ko lang malubos maisip kung bakit pati ang damuhan ay pinupuntirya ng mga walang kwentang nilalang na walang magawa kundi siraan kaming mga bloggers.
Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilang manahimik na lang matapos ko'ng mabasa ang isang panlalait sa aking sariling pagkatao. Wala daw ako sa tamang pag-iisip kaya ganito lang ang mga pinagsususulat ko. Ano ba naman daw ang naisip ko at nagpacontest pa ko? Ako daw ang abnormal at walang kakwenta-kwentang blogger. May sayad. Inutil. Feeling magaling. Feeling Bob Ong.
Unang-una, humihingi ako ng paumanhin kung ang mga naisulat ko ay hindi swak sa iyong panlasa. Pangalawa, bakit hindi mo subukang magblog ng maranasan mo rin kung pano laitin katulad ng ginawa mo sa akin. Pangatlo, hindi mo ako kilala para sabihin ang mga ganyang pananalita. Oo. May sayad ako. Pero hindi ako inutil at feeling Bob Ong. Minsan ko nang sinabi na isa si Bog Ong sa inspirasyon ko pero hindi ko siya ginagaya. At higit sa lahat, TAE ka!
Sa kabila ng mga negatibo'ng komento, nagpatuloy pa rin ako sa pagsusulat. Parang showbiz din ang blogging. Hindi mo malalaman kung sino ang mga kaibigan at kung sino ang mga plastic na tao at mga naiingit. May mga pilit manghihila sa iyo pababa hanggang sa tuluyan ka nang bumagsak sa lupa. Pero ang sa kin lang, ang mga tao'ng ito na nanghahamak ng pagkatao ang siyang unang-unang babagsak.
nakakalungkot isipin na may mga taong ganyan tlga, wg kng mag alala, d k ng iisa sa laban. andito kami naniniwala sau, humahanga sa mga obra mo.
ReplyDeleteipagpatuloy mo lang ang pagsusulat...wg mo hayaan n maapektuhan kita sa mga salita nila, go, go,go nver give up!
salamat!
ang Puso mo parekoy...
ReplyDeleteeasy ka lang..
sandali, sinu ba yun?
sabihin mo lang at reresbak tayo!!!
inggit lang yun kase alam nila na talented ka at may ibubuga..
wag mong pansinin ang mga inggitero at mga taong makikitid ang-----alamuna.
tama yung sinabi mo, TAe sya!
ang puno kapag mabunga siguradong may babato....
ReplyDeletepero ayos lang yan chong, isa yan sa magandang challenge..tawanan mo na lang kasi nga pati sya ohh nakikibasa din...^_^
yay! you're right... parang showbiz na rin ang blogging. nagiging madumi na rin dahil nga sa mga ganyang bagay. ang olats lang ng mga naninira sa blog kasi masyadong nangangarir. hehe. just keep on writing.
ReplyDeleteHuwag mong pansinin... Just blog.... Mamatay sila sa inggit! Almost all bloggers naman ganyan ang pinagdadaanan...
ReplyDeleteBawa't tao ay may iba't ibang personalidad, may iba't ibang paniniwala and we cannot please everybody. Isang malaking hamon sa atin ang malagpasan ang mga tumutuligsa sa ating mga panulat at pagkatao. Let's move on with our life and prove to our detractors that we are least affected and pray to God to send His Spirit to heal their troubled minds.
ReplyDeletenaranasan ko na rin yan kababayan!! pero eto patuloy pa rin ako sa pag bablogging..inggit at insecurities lang talaga ang dahilan ng lahat na yan..
ReplyDeleteidasal na lang natin ang mga kaluluwa ng ganyan klaseng tao..wala tayong mapapala dyan!! happy blogging pa rin!!
bumoto lang po!~!
There's nothing wrong for people to make comments and criticize as long as it is within the context constructive criticism. Wala lang po sanang below the belt na mga comments.
ReplyDelete“Criticism may not be agreeable, but it is necessary. It fulfills the same function as pain in the human body. It calls attention to an unhealthy state of things.” (Winston Churchill)
Sabi nga ni Dale Carnegie, “Any fool can criticize, condemn, and complain but it takes character and self control to be understanding and forgiving.”
Good luck pare!
una sa lahat gusto kong humingi ng pasensya at ngayon lang nanaman ako nakapagtambay sa damuhan.
ReplyDeletepangalawa, wag kang mag-alala, kung may naninira sayo, MADAMI naman kaming sumusuporta sayo.
pangatlo, hayaan mo na sila. di sila worth ng time mo. ipagpasa-Diyos mo nalang ang mga kaluluwa nila.. ahehe.
kaya gogogo Bino!
Tae.
ReplyDeleteTae.
Tae.
Tae talaga.
Tae talaga sya!
Ang kapal ng mukha nya.
Nku..
Nag iinit ang ulo ko sa mga ganyang eksena eh.
Mga makikitid talaga ang utak ng ibang tao.
Ako, pag naaalala ko mga nangganyan sakin.
Naiinis pa din ako.
Naging inspirasyon ko na lang siguro ay yung mga taong napapangiti ko sa mga post ko.
Wag mo silang isipin.
Laitin ka man nila o ikumpara sa iba.
Iba ka pa din.
Si damuhan ka pa din, hindi si bob ong at hindi sino mang poncio pilatong kinukumpara nila sayo.
Lahat ng post mo ay gawa mo.
Pinag isipan.
Pinag planuhan.
Ang mga taong naninira ay yung mga taong inggit at hindi marunong umunawa.
Sila yung mga taong mahirap iappreciate.
Lahat ng nakikita nila ay yung kulang at mali sa isang tao.
Hindi nila nakikita yung mga mgagandang bagay.
Ipagpatuloy mo lang ang pagbablog.
May mga manira man o manghusga.
Tawanan na lang natin sila.
Para sakin kasi mga duwag ang ganyan.
Malakas ang loob nilang mang away palibhasa di natin sila kilala.
Kung sino man sya?
Ang mensahe ko?
GO TO HELL!
Go Damuhan.
Di ko pa din nalilimutan mga tinulong mo sakin noon.
For me, isa ka sa mga magpagkakatiwalaan ko sa mundo ng blogging.
Keep it up!
;)
hindi naman kasi lahat ng shampoo
ReplyDeletehiyang sa lahat ng ulo
yung taste mo di nila taste
kaya sorry na lang sila
ang importante nailalabas mo ang saloobin
mo sa 'yong pagsusulat
matuwa na sila kung matutuwa sila
mainis na sila kung maiinis sila
wala silang paki...
tuloy mo lang trip mo bro..
keep on blogging...
sa mga naninira, tuloy nyo lang rin trip nyo...
mamatay rin kayo...hehehe
wala tayong magagawa. yung iba naiinggit lang kaya sila naninira kahit 'di naman totoo.
ReplyDeletehmmm....bad sila ah! naku... yaan lang natin mga taong ganyan kaibigan....
ReplyDeleteTama ka, yung mga ganyang tao ay siyang unang babagsak!...
haist naku! i hate those people na feeling perfect na sila.... basta, we enjoy what we do... GO lang! dont mind them ok?
God will give them a lesson that they cant forget for their entire life... hmmmp!