Ring Ring!
Malakas ang tunog ng telepono sa bahay ng Pamilya Cruz. Tila ba isang bomba ito na handang-handa ng sumabog kapag hindi nasagot ng miyembro ng pamilya. Malumanay na lumapit si Aling Lita, ang ilaw ng tahanan, sa telepono para ito'y sagutin.
"Hello?" ani Aling Lita.
"Hello? Ma?" ang narinig na sagot ni Aling Lita sa kabilang linya.
"Rigor! Anak ko! Mabuti naman at napatawag ka. Miss na miss ka na namin ng tatay mo." ang tuwang tuwang sabi ni Aling Lita sa anak. Isang sundalo ng Amerika si Rigor.
"Jaime! Parine ka nga rito at nasa telepono ang anak mo." tawag nito sa kabiyak.
Agad namang lumapit si Mang Jaime sa asawa na ng mga oras na iyon ay ini-on na ang speaker phone.
"Rigor? Musta ka na anak? Nabalitaan namin yung giyera sa Pakistan ah. Ok ka ba?" sunud-sunod na tanong ng ama ni Rigor sa kanya.
"Maayos naman ako 'Pa. Masuwerteng nakaligtas kami at nagwagi laban sa mga sundalong Pakistani." ani Rigor.
"Aba'y mabuti naman kung ganun. Alalang-alala kami ng Mama mo." ani Mang Jaime.
"Siyanga po pala ma, pa. Next month po ay uuwi na ko."
"Talaga? Napakagandang balita nyang anak. Mabuti iyan at magkakasama-sama na uli tayong tatlo ng papa mo." ani Aling Lita.
"Tama yun anak! Umuwi ka na dito ng di na rin kami nag-aalala ng mama mo. At ng mabuo uli ang pamilya natin." sagot ni Mang Jaime.
"Opo pa, ma. Pero may ipapakiusap po sana ako. May isa po ako'ng kaibigan. Kapareho ko'ng sundalo. Wala na po siyang mababalikan sa 'Pinas. Wala na rin po syang kaliwang kamay at kanan paa. Maari po bang sa tin na siya tumira?" tanong ni Rigor.
"Ha? Ano ka ba naman Rigor? Ang isang tao'ng kulang-kulang ang parte ng katawan ay isa lamang malaking pabigat sa tin. Dagdag palamunin lang yan." ani Mang Jaime
"Siyanga naman anak. Sa ibang kaibigan mo na lang siya patuluyin." gatong ni Aling Lita sa apoy.
"Sige po ma, pa. Salamat" yun lang at biglang namatay ang linya ni Rigor.
Isa.....
Dalawa...
Tatlo.
Tatlong buwan ang matuling lumipas ngunit walang Rigor ang dumating sa tahanan ng Pamilya Cruz. Sa mga nagdaang buwan ay ni tawag o sulat ay wala rin silang natanggap. Tila baga nawalan sila ng komunikasyon sa anak.
Hanggang isang araw ay nakatanggap na sila ng sulat mula sa embahada ng Amerika. Isang malungkot na balita ang sumambulat sa kanila....
Nagpakamatay si Rigor.
Agad silang nagpunta ng Amerika para kilalanin ang bangkay. Kumpirmadong si Rigor nga ang tao'ng nagkitil sa kanyang sariling buhay. Ngunit ang hitsura nito ang talagang gumulat sa mag-asawa.
Ang kanilang anak na si Rigor, wala nang kaliwang kamay at kanang paa.
Noon lang din nila napagtanto na ang tinutukoy ni Rigor na "kaibigan" ay walang iba kundi ang sarili niya.
Laking pagsisisi ng mag-asawa sa sinabi nila kay Rigor noo'ng kausap nila ito sa telepono.
MALAKING PABIGAT.
Di na rin nila napansin ang tuloy-tuloy na pag-agos ng kanilang mga luha habang tinitingnan ang bangkay nang kanilang kaisa-isang anak.
naiyak ako...
ReplyDeleteseriously...
alam ko kung gaano kahirap ang malayo sa pamilya..
yun ngang wala akong sinuong na gyera at walang nabawas saken na parte ng katawan ko eh hirap na tanggapin ang katotohanan malayo ako sa pamilya ko..lalo pa kaya si Rigor.. ung kagustuhan nyang umuwi sa kanyang pamilya...ang sakit nun... hindi ko maipaliwanag pero parang nakakarelate ako na hindi.. parang nasaktan ako dun sa nabasa..
another tear jerker from you...
masakit nga namang masabihan ng isang PABIGAT.. para na rin nilang sinabing, INUTIL AT WALANG SILBI YUNG TAO..
ReplyDelete...pero sa totoo nyan iba pa din siguro kung nalaman ng magulang nya agad ang totoong naging kalagayan nya... siguro hindi sya sasabihan na pabigat nga sya...siguro nga lang...
ReplyDeletenaisip ko nung una na napaka oa nmn ni rigor para gawin sa sarili nya ang nangyari sa kabigan niya, dahil lang hindi pumayag ang mga magulang niya na ptirahin ito sa kanila.
ReplyDeletepero ang pagkagulat ko ay nasundan pa ng mas matinding gulat ng malaman kong sarili pla niya ang tinutukoy niya.
Aside from death, rejection ang isa sa kinatatakutan ng tao. Ang hindi ka tanggapin ng komunidad, ang tanggihan ka ng iyong nililigawan, ang tangihan ka ng iyong pamilya. Sa rejection, ikaw ay naghihiwalay sa iyong kamag-anak, komunidad at mahal sa buhay, ito ay isang temporary state ng separation na maaring mabago sa paglipas ng panahon.
ReplyDeleteSubalit, mas pinili pa ni Rigor ang kamatayan, permanent separation, ay mawalay ng tuluyan, di lamang sa ga mahal nya sa buhay kundi sa mundong kanyang ginagalawan.
Sa oras ng matinding paghihirap at kalungkutan, kailangan nating kumapit sa pag-ibig ng Dyos, walang makakaunawa sa atin kundi ang Panginoon, tibay ng pananampalataya ang kailangan, hindi kamatayan o awa sa sarili.
una kong nabasa ang istorya na ito gamit ng wikang english... nai-share ko ito sa isang assembly sa dati kong pinagta-trabahuhan.
ReplyDeletelahat ay natulala sa ending.
nasa huli ang pagsisisi. alam kong mabigat ang nadarama ng mga magulang ni Rigor. tama sila.. Rejection is one of human's greatest fear. the worst that may happen is one will take it's own lives pag hindi sya matanggap ng mga tao sa paligid nya.
maganda ang aral sa istoryang ito. nawa'y madami ang makabasa upang hindi na madagdagan ang mga kagaya ni Rigor...
ngayn lng ako napasyal sa tahanan mo. natuwa ako sa mga entries. babalik ako para basahin ang iba pa.