Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

April 27, 2009

UPDATE UPDATE UPDATE

Matapos ang bakasyon, muli ako'ng nagbabalik para sa isa namang walang kabuluhang mga bagay-bagay. Ano nga ba mga nangyari sa akin habang wala sa damuhan? 

Unang update.

Nag-enjoy ako sa Hongkong kahit na nagtagal lang ako doon ng 2 araw. Kinailangan ko'ng bumalik sa Pinas dahil sa aking trabaho. Ganunpaman, masaya ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko'ng muli si Donald Duck. Napanood ko rin ang High School Musical Show doon.

Pangalawa.

Moving forward ang drama ko ngayon. Kailangang magmove on matapos magkaroon ng boyfriend ang babae'ng never naging akin. Masakit. Kumikirot ngunit kailangan magpagaling ng puso ko'ng sugatan. 

Pangatlo.

Overnight stay sa bahay ng aking kaibigan sa Pateros. Napatunayan ko'ng di nila ako iiwan. Magkakasama di lang sa saya kundi pati sa hirap at mga pagsubok sa buhay.

Pang-apat.

Ang paycheck mula sa google ad sense ay dumating na kanina lang na naglalaman ng $1,500. Pero siyempre yun ay kita sa isa ko pang blog na di ko pwedeng banggitin dahil naglalaman iyon ng maseselang topic na di angkop sa mga batang mambabasa.

Pang-lima.

Napatunayan ko'ng masyadong maiksi ang buhay para magmukmok. Sa kabila ng mga malulungkot na bagay, mas mabuti kung di mawawalan ng pag-asa. Sabi nga ni Santino, Magtiwala lang tayo kay Bro! 

Adios!




4 ang nakaappreciate:

  1. panalong panalo ang mga updates parekoy!
    ang pangalawang update eh ayus na ayus pa rin... isipin mong masaya ang babaeng mahal mo.. pasasaan bat maghihiwalay din sila...lol

    sige sige... kitakits nalang...

    at ang KITA.. taena..panalo..
    balato nman dyan..
    ReplyDelete
  2. Salamat sa pagbibigay update sa kaganapan sa iyong damuhan kaibigang Bino, bagamat may kirot pa ring hatid sa iyong puso ang iyong update #2, natutuwa ako at "moving forward" pa rin ang direksyon ng buhay mo na pinagtibay ng pakikipagtipan mo kay Donald Duck sa Hong Kong at sa matabang pay check na iyong natanggap, magpa-burger ka naman HAHAHAHAHA.

    Count you blessings my friend and expect more to come.
    ReplyDelete
  3. NICE ONE!

    mukang punong puno ng emosyon ang bakasyon mo. pero muka rin namang masaya na ang buhay ngayon...

    buti ka pa kumikita sa blog...
    ReplyDelete
  4. daming nangyari sa buhay mo ah. happy ako for you kasi nakita mo si donald duck at nakasama kahit sandali lang. nagka.$1,500 ka pa mula sa adsense... laking pera yun ah! grabe! bilib nako sa iyo. syempre, dahil sa nandiyan lagi ang mga kaibigan mong hinding hindi ka iiwan!

    sad din ako about sa ex girlfriend mong may iba nang boyfriend. pero, sabi mo nga, nakapagmove on ka na at di dapat magmukmok sa mga bagaybagay na malulungkot. kaya, hapi na ako at kahit na papano... alam kong, you're moving on narin with your life.

    maligayang araw!!!
    ReplyDelete

Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!