Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

May 30, 2009

Bob Ong's Kapitan Sino


Sa wakas, matapos ang matagal na paghihintay ay napasaakin din ang pinakabago'ng libro ng nag-iisang Bob Ong: KAPITAN SINO

Ang pinakabagong superhero noon. Mas matibay pa sa orig. Sa mas mahabang panahon. 

Tulad ng ibang libro ni BO (Bob Ong), sa kabila ng mga pagpapatawa ay napapaloob ang mga mabubuting aral na pasimple niyang ipinararating sa mga mambabasa. Sino nga ba si Kapitan Sino? Ano ang napala nya bilang isang superhero? May mga nagalit ba sa kanya? Hinangaan ba siya ng buong bayan? O ginamit lang para sa sariling kapakanan? Ang mga sagot ay inyo'ng malalaman kapag binasa nyo ang libro'ng ito. bili na mga kadamo!!! 175 pesos lang oh! Mura na, sulit pa!

To Bob Ong: hindi kita sisingilin para sa libreng advertisement na ito sa blog ko. Pangako. Hehehehe

2 ang nakaappreciate:

  1. baka naman KAPITAN BINO yun?
    lols
    ReplyDelete
  2. ahehehe... ayan kailangan makabili na ako nyan... pandagdag na yan ulit sa koleksyon ko...ay wala na pala ang kolekyon ko, napadala ko na sa dubai... ahahaha...

    ...parang nagkataon ah...yan yata ang isa sa libro na hinahanap ng mga superhero...bibili ako nyan promis....
    ReplyDelete

Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!