Patalatas: Una sa lahat, malugod ko'ng binabati ang ating Pambansan'g Kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang pagwawagi sa kanyang laban kay Ricky Hatton. Saludo kami sa yo Pacman!
Back to regular programming
Alas-otso ng gabi. Oras ng hapunan. Nagluto ang aking nag-iisang kasambahay na si Rose ng pritong Galunggong. (Fact: paborito'ng isda ko ang galunggong na mas kilala sa tawag na "GIGI"). Masaya kami'ng nagsalo sa hapag-kainan. Sarap na sarap sa pritong isda na isinasawsaw sa kamatis at may kasama pang side dish na itlog na pula. Solb ang dinner!
Kinabukasan. Alas-sais ng umaga. Ang natirang kaning lamig, naging instant fried rice o sinangag. Pagdating ng tanghalian, ang mga natirang galunggong, hinimay at isinahog sa ginisang munggo. Muli, solb ang lunch!
Hindi na bago sa akin ang pagrerecycle ng mga tirang ulam. Sa kahirapan ng buhay, hindi na magiging maganda ang maging impraktikal. Natutunan ko ang tinatawag na "Recycled Food" mula sa aking mga tito't tita. Noo'ng mga panaho'ng nagtitinda kami sa mga kantina (canteen) ng mga paaralan, nasaksihan ko ang mga hokuspokus sa mga pagkain. Halimbawa na lang, nagluto ng bananacue ang tita ko. Sa kasamaang palad, mabibiling sa mga daliri sa kanang kamay ang mga bumili. Ang ginawa niya, inalis nya ang mga saging sa stick at binalot sa lumpia wrapper. Instant turon! Ayun, ubos ang tinda nya!
Maging ang noodles ng spaghetti na di na nalagyan ng sauce, ibinili nya ng repolyo, patatas, at gatas at ginawang sopas.
Minsan ko na ring pinagaralan ang pagrerecycle ng mga tirang ulam kapag wala si Rose (may day-off din ang tao!) sa bahay at kami lang ni Micah ang naiiwan. Pero kadalasa'y hindi nagiging successful ang pageeksperimento ko. Kaya ang recycled food na aking nilikha, mga aso ang nakikinabang. May alam ako sa pagluluto pero sobrang hina ng utak ko sa pagrerecycle. Ang naaalala ko lang na matinong recycled food ay ang oriental fried rice mula sa kaning lamig, natirang luncheon meat at green peas. Basta ang importante ay maisip kung paano pahahabain ang buhay ng mga tirang pagkain.
Hindi masamang ideya lalo na sa panahong hirap ang pagkita ng pera para makabili ng kakainin sa araw-araw.
Adios!

3 ang nakaappreciate:
Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!