Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

June 15, 2009

Siya na ba ang Mahal Mo?

Pasensiya na kung malungkot na naman ang sulating ito. Kasalukuyan kasi akon'g naglalabas ng sama at hinanakit ng loob dahil sa mga suliraning dumadating sa akin. Isang awitin ang aking isinulat tungkol sa isang babae'ng minahal ko ng lubos ngunit mas piniling ihandog ang kanyang pag-ibig sa iba. 

______________________________________________________

Dati-rati'y madalas tayo'ng nagkikita,
Pinagsasaluhan mga lungkot at ligaya

Madalas namang namamasyal tayo'ng dalawa,
Habang mga puso nati'y punung-puno ng saya


Ngunit bakit ngayo'y may nakita ka nang iba
at pinagpalit mo ako sa isang katulad nya


Siya na ba ang mahal mo't bakit pinagpalit mo ko
sinaktan mo ang damdamin ko lalung-lalo na ang puso'ng ito
tunay nga bang siya na ba ang mahal mo giliw ko
paano na ang pag-ibig ko'ng alay lang sa iyo

Hindi man ako ang tunay na inibig mo
Parating umaasa'ng babalik ang pagtingin mo
Kahit hirap at nagdurugo ang puso't isip ko
Mananatiling ikaw pa rin ang iibigin ko

Ngunit nang makita kang mayroon ng iba
Ako'y lubos na nasasaktan, bakit ako'y iniwan pa

Siya na ba ang mahal mo't bakit pinagpalit mo ko
sinaktan mo ang damdamin ko lalung-lalo na ang puso'ng ito
tunay nga bang siya na ba ang mahal mo giliw ko
paano na ang pag-ibig ko'ng alay lang sa iyo


12 ang nakaappreciate:

  1. how sad!!!

    pero sabi nga ng kaibigan...

    "it's not your lost, Pare!!"

    Abiel Online
    Love Thoughts Love Lines...
    ReplyDelete
  2. How sad!!!

    Pero ika nga ng kaibigan ko...

    "it's not your lost, Pare!!!"

    Abiel Online
    Love Thoughts Love Lines...
    ReplyDelete
  3. Love come, love goes; minsan walang katiyakan ang pag-ibig, walang garantiya na pangmatagalang hatid na kaligayahan.

    Pero sa bawa't sakit at hapding hatid nito, ito ang nagpapatibay sa ating tunay pagkatao.
    ReplyDelete
  4. kakalungkot naman yun.

    ok lng yan pre darating din ang taong para sayo.

    naks!ngpaka-dr.love ako dito ah,hehe
    ReplyDelete
  5. ganyan talaga ang buhay!
    pasasaan bat masasanay ka rin sa sakit na yan hanggang sa hindi mo na maramdaman...
    oks lang yan parekoy!

    taena... may be you deserve someone better than her. ganun naman talaga eh...

    itagay mooooo..
    ReplyDelete
  6. nice one! very emotional!

    kaya be careful lang po of the usage of question marks. in poetry accepted na walang tuldok. but question mark and exclamation point (to give emphasis into the feelings,) is necessary.
    ReplyDelete
  7. naku bino, sa ken ka na lang. mamahalin kita ng suupeerrr! :) mas masarap kaming magmahal na mga tunay na veyklas! PRAMIS! :) sige drop me a line kung gusto mo ng kakapihan. Sikwet naten (sikwet daw oh). Hehe.
    ReplyDelete
  8. ouch...sakit naman nun...anyway just think na it's her lost not yours...
    ReplyDelete
  9. awww... maybe ndi talaga kayo para sa isa't isa diba?! sabi nga nila

    "when one door closes, another one will open"

    when the other door opens dapat aware ka kasi mas may magandang offer yun =]
    ReplyDelete
  10. pagibig dumarating, umaalis. magnahal ka lang, yun lang..

    btw, nagustuhan ko ang blogsite mo, patambay na po ako dito ah? add po kita sa blogroll ko!

    salamat! :)
    ReplyDelete
  11. pagibig dumarating, umaalis. magnahal ka lang, yun lang..

    btw, nagustuhan ko ang blogsite mo, patambay na po ako dito ah? add po kita sa blogroll ko!

    salamat! :)
    ReplyDelete
  12. alam mo, ganyan talaga parekoy. minsan, kailangan nating masaktan para matuto tayo o mas lumakas pa. malay mo, mabigo ka ng mabigo, super strong ka naman. pwede ka ng magligtas ng tao, tapos ikaw na ang titingalain ng ng lahat. at shemeperr! wala ng silbi ang mga bwakanang inang mga parak na yan! at ikaw na ang gagawa ng trabaho nila. mabilis kang yayaman at voila! hahabulin ka ng mas maraming babae at sobrang di mo inaasahan ito. ciao. ü
    ReplyDelete

Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!