
"Wow! Ganda ng damit mo ah! Mahal siguro yan noh? San mo nabili?"
"Ah eto ba? Galing UK!"
U. K. short for ukay-ukay. Tindahan ng mga segunda mano'ng damit na kadalasa'y galing ng iba't ibang bansa tulad ng Amerika, Japan, at Korea. Ang iba pan'g tawag sa ukay-ukay ay wagwag o wagwagan. Bakit kamo? Kasi winawagwag ng mga mamimili ang mga damit. Gets bah? Basta ang alam ko, isa ito'ng negosyong patok sa puso ng bawat pinoy.
Di ko maipagkakaila na ako mismo ay bumibili din ng mga damit sa ukay. Pagiging praktikal lang naman. Basta sisiguraduhin mo na maayos ang iyong pipiliin at hindi yung tipong pwede mo nang gawing basahan dahil sa dumi. Pero huwag ka, hindi lahat ng damit sa ukay ay mga luma. Karamihan pa nga sa mga ito ay minsan lang nagamit ng mga tao. At higit sa lahat, mabibili mo ito ng halos lagpas kalahati sa tunay na halaga.
Kamakailan lamang ay nagpunta ako ng Baguio. Siyempre pa, di ko pinalagpas ang mga tindahan ng ukay sa siyudad. At gaya ng inaasahan, may mga nabili din ako at ito ay ang mga sumusunod.
Converse Chuck Taylor - P 150. parang di pa nagamit.
Adidas Jacket - P 180. konting laba lang, parang bago na ulint tingnan.
La Coste T-shirt - P 150 (2 pcs ha) - bagung-bago pa promise!
Fila Rubber Shoes - P 160
Di ko inaasahang ganyang kamura ko mabibili ang mga yan. Iba pa rin talaga ang ukay sa Baguio!
Tip lang sa mga nagbabalak mag-ukay ukay. Kadalasan, sa unang dating ng mga damit, mataas-taas pa ang mga presyo. Pero habang tumatagal ang araw, unti-unting nagbababa ng mga presyo ang mga yan. Price drop ika nga. Gaya na lamang ng nakita ko'ng ukayukay sa Las Piñas na kung saan araw ng Miyerkules eh 30 pesos lahat ang mga damit. Pero nung araw ng Biyernes, 10 piso na lang lahat! Ang disadvantage nga lang, konti na lang ang mapagpipilian mo.
Sa hirap ng buhay, importante ang maging praktikal. Hindi basta-basta napupulot ang pera. At ang paghanap ng mga kasuotan na may magandang kalidad sa murang halaga ay matatagpuan sa ukay-ukay. Basta marunong kayo'ng pumili at tumawad, tiyak na may kalalagyan ang inyong mga pera. Maganda na, mura pa! Tara! Wagwagan na!!!


4 ang nakaappreciate:
Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!