Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

October 5, 2009

Pangit!!!


Pumapangit ang sulat ko.


Tama.

Papangit ng papangit ang mga naisusulat ko sa blog.


Napapansin ko'ng nawawala ang abilidad ko sa pagsulat ng mga lathalain, artikulo, tula atbp.


Bakit kaya?



Gawa ba ito ng mga problema'ng aking nararanasan? Oh dahil my mga blogero'ng inaamin ko'ng mas magaling magsulat sa akin.


Sa mundo ng blogging, maraming mas maabilidad. Maraming mas talentado. Maraming mas matalino kaysa kay Bino. Taon'g 2006 nang magsimula ako'ng magblog. Sa loob ng 3 taon na pagsusulat, hindi ko namamalayang nauubusan ako ng mga ideya. Dumating sa punto na isinara ko ang damuhan na isang taon mahigit na umere sa cyberworld. Pero muli ko iton'g ibinalik dahil na rin sa mga loyal readers ko.


Pero heto ako ngayon, nagsesenti na naman, naturingang humor ang kategorya ng blog na ito, nagdadrama ako ngayon. Hay, kailan kaya babalik ang galing ko sa pagsulat?


Kailan uli ako magkakaroon ng pagkakataon na lumikha ng mga tula, mga kwento at mga makabuluhan ngunit nakakaaliw na lathalain? Kailan ko uli ako liligaya sa pagsusulat? Ayoko'ng mawala ang passion ko sa bloggin lalo na sa writing. Ano ban'g kulang? Inspirasyon?


Ang daming mga katanungan na kung tutuusin ay ako lang ang makakasagot. Kung ganun, sana'y madali ko'ng masagot ang mga tanong na yan. Dumating sana ang panahon na gumaling uli ako sa pagsusulat.


Sana.






4 ang nakaappreciate:

  1. I experienced that too..parang di na ako mahilig magsulat at magbasa, I rather watched dvd than writing but fortunately it comes back. It is like an instinct, once in while it softened our ability but it will definitely return..hope you will be a "good writer" again but even in your sentiment writing like that one, you are very good..
    ReplyDelete
  2. hahaha.
    hindi naman... masyado lang talagang mataas ang pamantayan mo ng pagsusulat kaya mo nasabi yan!

    ako nga, wala pa akong nasusulat ni isang maikling kwento sa blog ko...

    depende sa mood yan... hindi naman sa lahat ng oras eh kailangan mong pangatawanan ang category ng blog (humor blog)..

    nagbabago naman talaga ang ating mga ginagawa at gustong gawin sa buhay.

    pangatawanan mo na ang pagiging emo..lols

    kahit anu pang isulat mo meron at meron pa ring magbabasa... maiinspire... makakapulot ng aral at makakarelate.
    ReplyDelete
  3. Ok lang yan...

    isispin mo na lang wala kang problema!..
    ReplyDelete
  4. Tol ako din naman eh... ako nga hindi ko alam kung anong category ko kasi lahat ng bagay pinagbblog ko na... napaka general kumbaga

    tingnan mo tong dilemma ko heheh

    http://www.kumagcow.com/2009/10/its-time-for-change-in-kumagcows-site.html
    ReplyDelete

Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!