Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

October 27, 2009

Pasko sa gitna ng Pagsubok

Unti-unti nang nagbabago ang panahon. Lumalamig na ang simoy ng hangin. Naglipana na ang iba't ibang matitingkad na ilaw sa mga lansangan. Sa mga malls, kapansin pansin ang hilera ng iba't ibang christmas tree na ibinebenta ng mga tindahan. Hindi pa man sumasapit ang araw ng patay at ang halloween, tila mas nangangamoy na ang kapaskuhan.


Pero sa isang bansa na sunud-sunod na dinaanan ng mga pagsubok, marami ang nagtatanong: may pasko pa ba sa ating mga pinoy? Magkakasunod na bagyo ang tumama sa Pilipinas partikular sa Metro Manila at ibang probinsiya. Sa isang iglap, libu-libong pamilya ang nawalan ng matitirhan, akabuhayan at higit sa lahat, mga mahal sa buhay. Nilamon ng tubig-baha ang buong Luzon. Napuno ng kalungkutan sa bawat Pilipino. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng mga luha ng bawat nilalang. Walang mayaman, walang mahirap. Halos lahat ay umiyak.


Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mapapansin ang likas na bayanihan ng mga pinoy. Sa isang iglap, milyun-milyong donasyon hindi lamang dito sa Pinas kundi pati na rin sa iba't ibang bansa. Naramdaman ang pagkakaisa ng bawat tao na may mga busilak na puso. Ang mga mukhang puno ng lungkot ay unti-unting nasilayang ng mga ngiti at pag-asa. Pag-asang makakaahon muli sa putik na kinasadlakan ng bansa.


Sa mga pagtulong at pagmamalasakit na ipinakita ng bawat Pilipino sa isa't isa, Pinatutunayan lamang nito na hindi kailanman matitinag ang matinding mithiin ng bawat isa na muling bumangon. Ngayong panahon ng kapaskuhan, wala mang maihahandang masagana sa hapagkainan, tuluy-tuloy pa rin ang buhay. Hindi man ngayon, darating ang panahon na unti-unti tayong babangon at muling magiging makulay ang bawat pasko ng bawat pilipino hindi lamang dito sa Pinas kundi saan mang sulok ng mundo.










7 ang nakaappreciate:

  1. para sa akin, oo may pasko parin..
    Hindi naman kase dapat dibdibin masyado ang mga negatibo na nangyari.
    Wag nalang masyadong isipin ang mga hindi magaganda, masmarami pa rin ang dapat ipagpasalamat.

    bahagi na yun ng Buhay..
    at ang Pasko eh hndi talaga mapipigilan.
    ReplyDelete
  2. Yeah, nakakapangilabot isipin ang pagkakaisang ipinakita ng mga kababayan natin. Sana lang tinutulungan sla ng gobyerno at hindi pinagsasamantalahan. Check this out bro: http://bit.ly/1i7dqR.
    ReplyDelete
  3. Sa gitna ng pagsubok, lumabas ang bawa't bayani sa katauhan ng bawa't Pilipino, at kahit hindi pasko naramdaman ang tunay na pagbibigayan at pagtutulungan.

    At sa kabila ng mga nagdaang unos, ang diwa ng Pasko ay mananatili sa puso ng bawa't Pilipino at atin pa rin itong ipagdiriwang sa payak na pamamaraan bilang sagisag ng bagong pag-asa sa buhay ng mananampalataya kay Kristo.
    ReplyDelete
  4. nagbabalik...

    tama si Pope,
    kung meron mang magandang nangyari sa pagdating ng bagyong pepe at ondoy parekoy, yun ay ang pagkakaisa ng karamihan ngayon para makatulong sa pagbangon ng mga nasalanta.

    simbolo na yun ng kapaskuhan.
    ReplyDelete
  5. para sa akin, oo may pasko parin..
    Hindi naman kase dapat dibdibin masyado ang mga negatibo na nangyari.
    Wag nalang masyadong isipin ang mga hindi magaganda, masmarami pa rin ang dapat ipagpasalamat.

    bahagi na yun ng Buhay..
    at ang Pasko eh hndi talaga mapipigilan.
    ReplyDelete

Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!