Ito rin ang napapansin ko sa bawat Pilipino na aking nakakasalamuha. Ang ibang kasamahan ko sa trabaho, walang bukambibig kundi ang salitang tamad. Sa isang mall sa Alabang, narinig ko rin ang mga saleslady na nagsasabing katamad daw magtrabaho. Muli ay bumabalik sa aking isip ang isang katanungan: Tamad nga ba ang Lahi ni Juan???
Ang kwento ni Juan ay sumasalamin sa di kagandahang ugali ng pinoy. Ito ay tungkol sa pag-aantay ni Juan sa bunga ng puno'ng bayabas na malaglag sa sanga patungo sa kanyang bibig. Di rin makakalimutan kung paanong ang mga alimango ay kanyang pinakawalan at inutusang umuwi ng kanilang bahay.
Habang isinusulat ko ang artikulong ito, napag-isip isip ko na hindi naman talaga magandang kaugalian ang pagiging tamad ng lahing Pinoy. Isa ito sa humahadlang para hindi umasenso ang bansang Pilipinas. Wala nang magawa kundi ang ibunton sa iba ang sisi kung bakit hindi nila nakamit ang kanilang nais. Waland dapat sisihin kundi ang sarili natin. Sa panahon ngayon, hindi dapat pairalin ang katamaran. Kung gusto'ng umasenso ng bawat pilipino, dapat magsipag. Tigilan ang manana habit o pagpapabukas ng pwede namang gawin ngayon.
Sa artikulo ko'ng ito, muli ko'ng sinimulan sa sarili ko ang maging masipag sa lahat ng gawain. Hiling ko lang, matutunan sana ng bawat Pinoy na magtiyaga sa kanilang buhay. Walang ibang tutulong sa bawat isa kundi ang kani-kanilang sarili.

1 ang nakaappreciate:
Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!