Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

February 24, 2009

Pambukas-Isip

7 ang nakaappreciate
Bago ang lahat, malugod ko'ng pinasasalamatan si Carlota para sa aking bagong header ng damuhan. Taos-puson'g pasasalamat dahil hindi niya ako binigo. Salamat din sa mga bumoboto sa unang linggo ng damuhan blog awards. Sa mga gusto'ng mapasali sa ikalawang linggo, Tingnan lamang ang link (damuhan blog awards) sa navigation bar. Salamat.


Back to regular programming.



Sabi nila, napakaiksi ng buhay para malungkot. Sa halip daw na aksayahin ang oras sa pag-iyak, bakit hindi na lamang daw tao magpakasaya at magpasalamat sa Diyos dahil sa kabila ng mga iba't ibang uri ng hinanakit na ating nararanasan ay marami pa ring biyaya ang dumadating sa atin.


Tama nga naman. Sabihin man ng ilan na gasgas na ang kasabihang hindi importante ang mga materyal na bagay, pinaniniwalaan ko pa rin ito sa paraang alam ko.


Madadala mo ba ang cellphone, computer at ipod mo sa iyong pagpanaw? Hindi naman diba? Ang mga naitayo mo'ng negosyo gaya ng computer shop, meat shop, porn shop, beer house atbp ay maiiwan lamang dito sa ibabaw ng lupa.


Napapansin ko na habang tumatanda ang tao, nagbabago ang pananaw nila sa salitang "kaligayahan". Sa panahon ngayon, puro materyal na bagay lamang halos ang nakakapagpaligaya sa karamihan. At karamihan sa mga ito ay nakakalimutan nang magpasalamat sa Diyos dahil sa mga biyayang kanilang natanggap. Marapat nating tandaan na wala tayo dito kung wala siya. Sa ating pagtanda, lahat ng materyal ay nawawala.


Isinulat ko ang artikulong ito para kahit paano' magising ang mga natutulog na laman ng utak ng bawat tao. Ayos lang ang mga materyal na bagay, pero huwag nating kakalimutan ang tunay na dahilan ng kaligayahan. Mabuhay tayo ng ayon sa Kanyang kagustuhan at hindi ayon sa ating sariling kapakanan.








February 20, 2009

Damuhan Blog Awards 2009

26 ang nakaappreciate
Ang DAMUHAN BLOG AWARDS ay umabot na sa ika-apat at huling linggo. Ito ay pansamantala munang isasara. Maraming salamat sa inyong pagsuporta mga kadamo.



______________________________________________________________


Pormal nang binubuksan ang kauna-unahang DAMUHAN BLOG AWARDS 2009.Ang patimpalak ay magtatagal ng isang buwan. Huwag palampasin ang pagkakataong manalo ng bragging rights at badge tulad nito:








Paano sumali? Heto ang mga detalye:

1. Inominate ang blog na gusto mo'ng mapasali bilang kalahok sa nasabing patimpalak. (1 blog bawat blogger) Pwedeng blog ng iba o kung iyong nais ay ang sarili mo'ng blog. Para magnominate, mag-iwan lamang ng komento dito mismo sa artikulong ito. Oops! Di pwedend inominate ang damuhan.

2. Tanging mga Filipino blog (Inggles o Tagalog) lamang ang pwedeng sumali.

3. Pakipost lamang ang link at title ng blog na inyong inonominate ganun din ang inyong email address. Kung may shoutbox sa blog, mas mainam.

4. Ang mga mapapabilang sa nominasyon ay makakatanggap ng mensahe via email or shoutbox

BOTOHAN:


1. Piliin ang blog na gusto nyong iboto. Multiple blogs may be selected.

2. Sakaling gusto nyong tingnan ang mga blogs na nominado, makikita ang mga links sa sidebar.

3. Araw-araw ang pagboto. Isang linggo ang palugit ng bawat botohan.

4. Sa pagtatapos ng botohan, ang sinumang makakuha ng pinakamaraming boto ang tatanghaling Damuhan Blog of the Week at makakatanggap ng badge at awtomatikong pasok sa susunod na botohan. Isang linggo ring nakapost ang banner ng nagwagi dito sa damuhan.

5. Ang 2nd place ay makakatanggap din ng badge at awtomatikong pasok sa susunod na botohan



HALL OF FAME:



Para mapabilang sa hall of of fame, kailangang manalo ng at least isang beses bilang Damuhan Blog of the Week o kaya
nama'y 2 beses sa top 2.


SA MGA NOMINADO

Gamitin ang badge na ito at ilagay sa inyong blog. I-link ang badge sa damuhan.




Kaya ano pang hinhintay nyo? sali na!!!


(Paunawa: Huwag po sanang kunin ang mga badge kung hindi kayo ang nanalo. Sa mga nagwagi, pakicopy ang mga badge at iupload sa inyong server. Mangyari din lamang na pakilink ang mga ito sa website ng damuhan)



_______________________________________________________



Narito ang listahan ng mga nanalo:

Week 1 - Supergulaman - buhay at imahinasyon ng isang supergulaman
Week 2 - Supergulaman - muling nagwagi at elevated sa Hall of Fame
Week 3 (Two Winners) - Carlota - personal blog of carlota
Ako si Juan Tamad - Sinong Tamad?
Week 4 - Bhing Juan Dela Cruz

February 8, 2009

Babala

8 ang nakaappreciate
Isa na naman'g kontribusyon mula kay lunatic ang inyong mababasa. Sana'y magustuhan ninyo ang kangyang likha. 




BABALA: WAG NA WAG KAKANTIIN ANG MGA TAONG MAY SUGAT SA BIBIG

Basta may singaw ako, mainit ang ulo ko. Alam yun ng nanay ko. Ng barkada ko. Ng pinakamamahal ko.  
Ewan ko ba, pag kasi may sugat ka sa labi, parang masakit ang lahat ng bahagi ng katawan mo. Ayokong-ayokong nagsasalita tuwing may singaw ako. Lalong higit, ayokong kinakausap ako.
“Kris tapos na ba?”
Tulad ng dati, parang isang kabuteng bigla na lamang sumulpot ang bansot kong boss. Natigil ang halos tatlong oras kong pag-iisip kung bakit ba nilikha pa ang singaw.
Sa tindi ng sakit ng magkakambal ko pa man ding singaw, di ko talaga maibuka ang bibig ko. Nakatingin lang ako sa nanlilisik na mga mata ni Boss Bansot. Gustung-gusto ko sanang sabihin, “sir pasensya na po, kung tinatae lang ang bawat ideya at mga salita, tapos ko na ang pinapagawa nyo!” Pero nanatiling nakatikom ang bibig ko.
“BUUUUUUUUGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!”
Galit na binagsak ng aking boss sa aking lamesa ang palagian nyang hawak-hawak na libro na may pamagat na Anger Trap ni Les Carter.
“Di ka pinapasuweldo dito para lang tumunganga! Alalahanin mo, di ka pa regular dito, pwedeng-pwede pa kitang tanggalin kahit anong oras!”
Habang sinasabi nya ang mga linyang yon na makailang ulit ko nang naririnig, kitang-kita ko ang pamumula ng ilong nya.  Kaagad din nabasa ng pawis ang dibdib at kili-kili na bahagi ng kanyang asul na barong. Ganoon sya tuwing nagagalit.
“ Ano sabihin mo lang kung hindi mo kaya ang trabaho dito, marami ang naghahanap dyan. Kris alam mo hindi…”
Di ko na binalak intindihin pa ang bawat litanyang naging pangaraw-araw ko nang naging almusal sa opisina. At di ko rin alam kung ano ang sumapi sa akin ng mga sandaling yon.
Dati, sa tuwing nagagalit si Boss Bansot, may singaw man ako o wala, kaagad akong hihingi ng sangkaterbang pasensya at mangagakong kaya kong tapusin ang pinapasulat nyang nobela bago kainin ng buwan ang kalangitan. Pero sa mga sandaling yon, nanatiling nakapako ang aking tingin sa kanya. Naisipan kong pag-aralan ang bawat galaw ng bibig nya. At sa unang pagkakataon, humanga ako kung paano sya nakakapagsalita ng walang hingahan. Habang pinagmamasdan ko ang mabilis na pagtikom at pagsara ng kanyang bunganga sa pagsasalita, bigla ko na lang naisip na sana tubuan sya ng maraming singaw na di na maaalis kailanman-sa labi,sa gilagid,sa dila, at kung maaari tatadtarin na rin ng namamaga’t malalaking singaw ang kanyang lalamunan.
“ Siiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiir!!! Siiiiiiiiiiiirrrrrrrrrrrrrr!!!!”
Parang bigla na lang akong nagising mula sa isang napakahabang panaginip nang magkagulo ang bawat tao sa opisina. Nagulat na lang ako nang makita kong nakahandusay sa sahig si Boss Bansot. Dumudugo ang bibig. Matalas pa rin ang tingin nya sa akin. At kahit halos di na sya makagalaw, umuungol sya na parang isang asong buntis habang nakaturo sa aking kinatatayuan na para bang nagsasabing “sya, sya ang may kagagawan ng lahat!” Dahilan upang ibaling naman sa akin ang atensyon ng mga tao sa opisina.
“Anong ginawa mo?”
“Paano nangyari ang lahat?”
“Bakit di mo ginalangsi Sir?”
Sunod-sunod ang pagtatanong nila sa akin. Pakiramdam ko nililitis ako sa isang korte. Dahilan para sumabog naman ang iniimpit kong galit.
“I … didn’t kill… anybody! Mga hayoooop kayo!!”
Dumadagundong ang puso ko pagkatapos ko isigaw ang mga yon. Dali-dali akong lumabas ng opisina. Nakahinga ako ng maluwag nang malanghap ko na ang sariwang hangin sa labas.
Masakit pa sa balat ang dala ng init ng araw. Pero di ko maiwasang sumipul-sipol at kumanta-kanta hanggang sa makasakay ako ng Philcoa jeep.










February 1, 2009

Doraemon Quotes

32 ang nakaappreciate

"Ang mahiwagang mensahe!"

Yan ang message alert tone ng aking cellphone ngayon. Hawig sa boses ni Doraemon. Ilang beses ko ring sinubaybayan ang palabas na ito. Hindi ko akalain na magugustuhan ko to kahit na napakasimple lang ng pagkakaguhit ng bawat karakter sa nasabing programa. Pero isa sa mga dahilan kung bakit ko inaabangan to ay dahil sa mga tinatawag na "words of wisdom" ng robot na si Doraemon. Narito ang ilang sa mga yaon (Paunawa: Maaaring sasabihin ng iba na kay Bob Ong ang mga ito pero ang totoo, si Doraemon ang nagsabi nito) :

"Hindi porke kaya mong gawin ang isang bagay ay dapat mo nang gawin."

"Mahirap maging matanda. Wala nang mas matanda na titingin sa'yo."

"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-share ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero hindi mo naman ibibigay."

"Hindi mo dapat iyakan ang nakaraan. Isipin mo, bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang hinaharap."

Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?

Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!

Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
Doraemon: Meron.
Nobita: Ah pahiram ako!
Doraemon: Ayoko nga!
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal.

at ang pinakagusto ko'ng quote ni Doraemon ay:


Wag ka ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.