Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

December 30, 2009

DAMUHAN.COM sa 2010!!!

2 ang nakaappreciate
Huling post sa taon'g 2009.




Mga kadamo, sa pagpasok ng taon'g 2010. Pinagmamalaki ko'ng sabihin na ang dating domain na damuhan.blogspot.com ay magiging www.damuhan.com. Makalipas ang lagpas isang taon ng damuhan sa blogosphere, napagdesisyunan ko'ng kumuha ng sariling domain name. Bakit? Unang-una, napag-iiwanan na ng mga kapwa ko blogero ang blog ko. Halos lahat ng kilala kong bloggers ay kumuha ng sariling domain. At dahil na din sa kanilang impluwensiya kaya napagdesisyunan ko'ng gawin ito. Sa susunod na taon, masisilayan na ang bago'ng damuhan. Hindi lang bagong domain, kundi mga bago'ng artikulo at lathalain na siya ko'ng niluluto ngayon. Dalangin ko lang, sana'y hindi magsawa ang aking mga masusugid na mambabasa sa pagbisita sa damuhan.



Pinagpapasalamat ko ng lubus-lubos ang taon'g ito dahil sa masasabi ko'ng may kagandahan ang taon'g ito para sa akin. Nakaranas man ang damuhan ng mga pambabatikos at mga pagsubok, hindi nawala ang tiwala ng mga bumibisita sa may akda. Sa mga susunod na araw, isang pagbabalik tanaw muli ang akin'g isusulat. Masaya, malungkot, kapana-panabik, atbp rekado ang inyong mababasa dito lamang sa nag-iisang tambayan ng pinoy: DAMUHAN.




Isang masaganang bago'ng taon sa ating lahat mga kadamo.



December 12, 2009

On Leave

0 ang nakaappreciate
Pansamantalang magpapahinga muna ang damuhan ngayong buwan ng kapaskuhan. Minsan, kinakailangan din ng may-akda ang magkaroon ng bakasyon para hindi masyadong mapagod. Sa pagbabalik ng damuhan sa ENERO 2010, magkakaroon na ito ng sariling domain!. Abangan ang susunod na kabanata mga kadamo.