Hindi dapat maging madrama ang post ko'ng ito. Sa katunayan, sobrang saya pa nga ang aking nararamdaman dahil nagawa ko ang matagal ko nang gusto: ang makaalis sa trabaho na kung saan, hindi ako masaya. Dahil sa pera? Siguro. Yun lang ang nagpapamotivate sa akin para ipagpatuloy ang pagtipa sa keyboard ng opisina (naks opis!!! call center kaya yun!) na aking pinapasukan. Well, pag-alis mo sa isang kumpanya, mga alaala ng mga kaibigan mo naman talaga ang mamimiss mo eh at hindi ang management, hindi ang mga kupal. (o baka may tamaan na naman! hehehehe).
Disyembre ko pa pinagiisipan ang umalis sa trabaho dahil sa samu't saring rason. Unang-una: boredom. Alam mo ba ang pakiramdam ng nagtatrabaho pero hindi ka naman masaya sa ginagawa mo at para bang hinihila mo na lang ang mga paa mo papasok ng kumapanya? Para mo'ng pinarurusahan ang sarili mo. Ganun ang feeling! Ikalawa: bagong career. Ayoko'ng matali sa isang trabaho na walang kasiguruhan kung maggogrow ka. Job is different from career. Maaaring maraming tataas ang kilay sa sasabihin ko'ng ito pero hindi stable ang call center. Nakasalalay sa account ang trabaho mo. Pag nawala ang account, wala ka na rin. Maaaring ilagay ka sa ibang account pero sooner or later, ganun din ang magiging ending. Ang pangatlong rason: bagong line of business. (hindi ko muna sasabihin kung ano kasi baka may umepal pa. hahahaha)
Kaya makalipas ang higit isang buwan'g pag-iisip, finally, nakabuo na rin ako ng pasya na talaga naman'g hindi ko pinagsisisihan. Isan'g linggo na lang at pormal ko nang lilisanin ang posisyon ko bilang customer service representative. Ang good side, mas makakapagconcentrate ako sa blogging at hindi na magiging outdate ang blog ko. Hay sa wakas! Mas magkakaroon na rin ako ng time para sa mga kaibigan na kasalukuyan'g nahaharap sa mga pagsubok. Ang downside nga lang, pansamantala ako'ng magiging bum. Bum sa karamihan dahil walan'g regular na trabaho kundi umaasa lamang sa mga pinagkakakitaan sa internet.
Ganun pa man, masaya pa rin ako. At tulad ng nakaraang status ko sa facebook, No regrets!

2 ang nakaappreciate:
Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!