"Baguhin ang buhay, maglilingkod sa inyo. Buon'g bansa ipagmalaki mo tayo'y Pilipino..."
"Sino pang may malasakit at pag-ibig sa bansa, sino pa? Eh di ako! Kailan maguumpisa? Magkaisa, Kumilos na! Kailan pa? Eh di ngayon!"
Kung madalas kang nakikinig ng radyo at nanonood ng telebisyon, hindi mo maipagkakaila na malamang ay ilang beses mo nang narinig at nasilayan ang mga jingles ng bawat kandidato sa pagkapangulo ng bansa. Animo parang kabuten'g nagsulputan ang mga ito. Nagsimula sa kantan'g hindi ka mag-iisa (or something like that na nakalimutan ko ang title) na inawit ng Asian Song Bird na si Regine Velasquez para sa kampanya ni Senador Noynoy Aquino.
Sa aking palagay, ang paggawa ng kani-kanilang jingle ay isang matibay na istratehiya para lalong umangat ang kanilang ratings sa survey. Mahilig sa musika ang Pinoy. At kapag nga naman dadaanin sa kanta ang mensahe na gusto nilang iparating, tiyak na mas maiintindihan ito ng masa.
Masasabi'ng naging pinakaepektibo ang jingle ni Manny Villar (medyo parang bastus yata ang pagkakasulat pero ayos na yan!). Kahit saan ako magpunta, maraming mga kabataan ang mas nakaakalam ng kanyang kanta kumpara sa kanta ng kanyang mga katunggali. Naging matunog ang pangalan ni Villar sa pag-angat nito sa survey. Pero kung inaakala nyo'ng kinakampanya ko siya ay dyan kayo nagkakamali.
Sa isang katulad ko'ng lumaki sa impluwensiya ng musika, kung pagbabasehan ang bawat letra ng kantan'g isinulat para sa kanya-kanyang politiko, mas nagustuhan ko ang kanta ni Gloc 9 para kay Brother Eddie Villanueva. Ang pagbanggit ng mga katagang "EDDIE AKO" ay isang mahusay na paraan. Kung tatanggalin mo tao'ng pinatutukuyan nito at papalitan ng katagang "EH DI AKO", lumalabas na ang sagot na tanong na "sino?" ay walang iba kundi tayo mismo. Sabi nga ng ilan, kung tanga ang gobyerno, mas tanga ang bumoto nito.
At ano nga ba ang punto ko kung bakit ko sinusulat ito? Layunin ko'ng imulat ang bawat Pilipino lalo na ang mga botante'ng katulad ko na naging mapanuri sa politiko'ng gusto nilang mahalal bilang pinuno ng bansa. Nagkaroon man ng epekto ang mga kantang ito sa pagpili ng kandidato, hindi ito nangangahulugan na lahat ng sinasabi ng bawat lyrics ay totoo. Madumi ang politika. Hindi mo alam kung sino ang tunay na may malasakit at kung sino ang namamantala lamang.
Samakatuwid, tayo ang mag-aahon sa bayan ni Juan. Tayo ang simula. Tayo ang pipili ng karapat-dapat na maluklok sa trono ng ating bansa. Sa atin nakasalalay ang magiging kinabukasan ng ating mga kababayan. And that's the bottomline (Tito Boy???)

5 ang nakaappreciate:
Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!