Matatandaang nagpost ako ng mga themesongs para sa iba't ibang sitwasyon ng buhay ng bawat tao. Pero sa pagkakataon'g ito, hatid ko ang mga love song na aking paborito:
King and Queen of Hearts ni David Pomeranz. Bakit kamo? Ito ang madalas tugtugin at awitin sa mga J.S. Prom. (siguro naman naranasan mo to nung high school student ka?) Tila ang mga mapipiling king at queen ng prom ay nararapat lamang na backup-an ng ganitong kanta.
All My Life ng America na perfect na perfect kantahin ng isang lalaki sa kanyang nililigawan. Tila sinasabi ng bawat linya ng kantang ito ang wagas na pagmamahal. Favorite part: now and forever til the day i die, you and i will share all the thing this changing world can offer.
The Last Time ni Richard Poon. Ito ang kanta ng mga tao'ng sinasabi sa kanilang sarili na nakita na nila ang tao'ng kanilang iibigin magpakailanman. Favorite part: This is the last time I'll fall in love
Nais ko ng Side A. Nais ko'ng sabihin sa iyo, mahal kita, hindi kita iiwan. Ang bawat linya ng mga kantan'g ginagawa ng sikat na bandan'g ito ay talaga namang tumatatak sa puso't isipan ng mga tao.
Before I let You Go ng The Freestyle. Hindi naman lahat ay masaya. Minsan dumarating sa buhay na tayo'y nang-iiwan at iniiwan. Kailangang mag-move on. Kaya before I let you go, I want to say I love you ang fave part ko ng kantang ito
Muli ni Bugoy Drilon. Para sa mga tao'ng iniwan na pero gusto pa ring makipagbalikan. Bakit di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan? Hay, wala na nga kayo eh. Tama na!
Marami pa yan kung tutuusin pero dahil lagi ako'ng bitin magpost, yan na muna ang aking mga inilista. Hanggang sa susunod na post mga kadamo.

1 ang nakaappreciate:
Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!