Lastikman, Ang Panday, Kumander Bawang, Super Islaw, Super Inday, Captain Barbel, Darna, atbp. Ilan lamang sila sa mga superheroes ng ating bansa na tila nagkaroon ng marka sa bawat Pinoy. Noon'g bata pa ako, paborito ko'ng panoorin ang mga pelikulang pinoy na kung saan, ang tema ay tungkol sa mga superheroes. Madalas ko na ring ikwento sa mga pamangkin ko ang mga iba't ibang superhero na ito. At nakakahiya mang aminin, pinagarap ko ring maging isa sa kanila. Pero paano ng ba maging isang superhero? Narito ang ilan sa mga tips para maging superhero.1. Pumili ng cool na pangalan. Pumili ng pangalang astig, maiksi at madaling bigkasin. Iwasan na ang paggamit ng salitang "super", "mighty", ganun na rin ang pangalan ng kulay. Maging unique at wag gaya-gaya. Hindi rin magiging astig kung kahit ikaw ay hindi mapronounce ang pangalan mo.
2. Costume. Lahat ng superhero kailangang magkaroon ng trademark or style. Kailangang marecognize ka gamit ang iyong damit. Iwasan ang pagsusuot ng brief sa labas ng pantalon katulad ng ginawa ni Superman. Hangga't maaari, wag magsuot ng mga reflectorized na damit. Masisilaw at magiging sanhi lang pagkabulag sa mga tao ang ganitong klasen'g costume. Sa halip na makatulong ka, disgrasya pa ang maidudulot mo.
3. Malungkot na Nakaraan. Isa iton'g bonus points para sa ilan dahil nagiging inspirasyon ito para lalo'ng maging superhero. Ang iba, pinatay ang magulang o mahal sa buhay. Yung iba naman, walang kinagisnang nanay o tatay at namamalimos sa lansangan.
4. Pupose. Kailangan meron kan'g objective para maging superhero. Siyempre, kalimitan eh dahil gusto mo'ng makatulong sa mga tao at ayaw mo'ng matulad sila sa iyong nakaraan. Iwasan ang paghihiganti. Hindi ka karapat dapat maging superhero kung puro poot ang nasa loob mo.
5. Sidekick. Kailangan mo ng isang tao na maaasahan mo at mapagkakatiwalaan. Siya ang nakakaalam ng iyong sikreto. Dapat din na may alam sa latest technologies ang kaibigan mo. Pero kung wala naman, ang simpleng suporta nya para sa iyo ay sapat na.
6. Special Moves/Spells. Hindi ka magiging superhero kung wala kang espesyal na kapangyarihan. Halimbawa nito ay ang pagkontrol sa mga elemento gaya ng tubig, apoy, lupa at hangin. Meron din namang kumukontrol sa isipan ng isang tao, nagsasummon ng iba't ibang halimaw atbp. Pero di mo ito dapat gayahin, Kailangang orig ang magiging kapangyarihan mo. Hindi din pwedeng mapasaiyo ang lahat. Superhero ka lang. Hindi ka Diyos.
7. Love lnterest. Kailangan mo siyempre ang isang tao na paglalaanan mo ng panahon. Pero tandaan na ang superhero ay hindi pwedeng umibig sa normal na tao. Kadalasan ay nagiging hadlang ito para gampanan ang iyong misyon. Kung iibig ka rin lang, sa isang superhero na rin.
At yan ang ilan sa mga tips para maging superhero ka. Sa mga hindi nakaintindi, makipagugnayan na lang sa aking Secretariat Dragon para sa kopya ng artikulo'ng ito. I'll even sign it for you.

3 ang nakaappreciate:
Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!