March 16, 2010

Ang Kwaderno ni Bino (Ang Pagtatapos)

Matapos ang aking pag-awit, nakarinig ako ng mga palakpakan. Sandamakmak na hiwayan ang nagdulot ng ingay sa bar. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam ako ng tunay na self confidence. Tila mas lumakas ang loob ko. At ginawa ko na ang next move.




Bino: Dianne, pwede ba kitang makaduet sa isang performance dito?




Dianne: Nu kaba? Bumaba ka nga dyan, namumula na ko oh.




Bino: Unless you say yes.




Dianne: Oo! Payag ako!






Kung maisasatelebisyon ang buhay ko, malamang, isasama ko sa happy moments ang eksenang ito. Sa lahat ng mga bokalista na nagyaya na makaduet siya, ako na isang keyboardist ang unang nakakuha ng kanyang permiso.




Masaya.





Hindi.





Sobrang Saya.





Tila ang bilis umikot ng mga kamay ng orasan. Sobrang bilis ng galaw ng mga kamay nito sa tuwing kasama ko siya. Dati rati, halos ifastforward ko ang buhay ko. pero ngayon, laging bitin ang bawat sandali. Tila ang bawat pagsasama namin ay laging kulang para sa akin. Ganun pa man, masaya.







Sobrang bilis nga ng oras. Di ko namalayan, 10 minuto na lang at magsisimula na ang gig ng banda namin at ng kay Dianne. Sa kauna-unahang pagkakataon, dalawang bokalista mula sa magkaibang genre ng musika.






Nagsalita na ang manager ng bar.





in 3..2..1






Lights on!






Tatlong hit ng drumstick ni Jam ang que at nagsimula na kami sa pag-awit.






I've been living with a shadow overhead
I've been sleeping with a cloud above my bed
I've been lonely for so long
Trapped in the past, I just can't seem to move on

I've been hiding all my hopes and dreams away
Just in case I ever need em again someday
I've been setting aside time
To clear a little space in the corners of my mind

All I want to do is find a way back into love
I can't make it through without a way back into love
Oh oh oh




Natapos ang aming pagkanta at muli kaming nakarinig ng mga palakpakan. Tumingin sa kin si Dianne at bumulong ng "thank you" na agad ko'ng nireplyan ng isang matamis na ngiti.





Backstage, tumunog ang cellphone ko kasabay ng pagflash ng "1 message received".



"nice performance." si joseph.




"thanks. di mo ba icocongratulate si Dianne?" text ko.




"mamaya na para di agaw eksena"




Lumabas ako at hinanap ko si Dianne.




Dianne: Kala ko di mo ko lalapitan mataops ung song number natin eh.


Bino: Siyempre di ko gagawin yun sa yo. Gusto kitang makasama eh.


Dianne: (tahimik)


Bino: You don't have to say a word. i love you


Dianne: I love you too.


Bino: (ang ganda mo talaga)



Dianne: Wala ka bang sasabihin?


Bino: Itigil na natin ito. Kanina pa si Joseph sa likod mo. Nagseselos. Effective ang plano mo. (sa pinakamalungkot na boses)


Dianne: Pwede mo ba kong ihug?


Bino: Anytime. (consolation prize)


Dianne: I love you Bino. This time, di na ko nagpapanggap








Wakas.





6 ang nakaappreciate:

  1. huh?
    ganun lang?
    hehehe.. bitin pa rin:D
    **peace**
    parang tingin ko kase parekoy,
    parang kasawian nalang lagi ang buhay pag-ibig mo..lols magpakatotoo ka ngaaa! heheh
    **peace**peace**

    Pero ayus lang yan!
    msaya ka naman!

    ReplyDelete
  2. hehehe. di ka na nasanay. lagi talagang bitin ang mga storya ko. at parekoy, di naman ako laging sawi. may alternate ending yan pero di ko na sinulat. hehehe

    ReplyDelete
  3. Nakanang chucha bino oh ANG LAKAAAAAS NG DATINNNGG!!! Patay tayo dyan! hahaha =)

    Idol ka na bino! Hehhehe....

    meron akong fb par, pa comment na lang sa site ko ng email mo tapos diko ppublish para ma add kita =)

    ReplyDelete
  4. naks, way back into love. hehe

    kamusta naman si dianne?

    ReplyDelete
  5. Hmm, I was wondering kung ano talaga ang itsura ni Dianne... mukhang patay na patay ka sa kanya parekoy hehe!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS