Blogger of the Month - February


Kilalanin si Otep ng Libra Lang Mangarap



Basahin ang panayam sa kanya DITO

March 1, 2010

Ang Kwaderno ni Bino (ikalawang yugto)

ang unang yugto ay mababasa dito

Himala. Milagro. Totoo daw ito sabi ng karamihan. At tanging mga banal na nilalang lamang dito sa mundon'g ibabaw ang pinagkakalooban ng kapangyarihan na makita ang hinaharap, makapagpagaling ng mga may karamdaman, atbp. Pero sino ba naman ang magaakala na ang aking lumang kwaderno ay lilikha ng isang "milagro" Kasalukuyan ako'ng nagsusulat ng kanta ng araw na iyon sa music bar na aming pinagpapraktisan. Ngunit tila hindi umaayon ang aking isipan sa pagsusulat dahil ilang beses ko mang basahin ang aking komposisyon, pangit pa rin sa pandinig at panlasa ang dating ng bawat letra ng kanta. Agad ko itong pinunit at ginawang bolang papel. Hinahagis hagis ko ito sa ere at nang nagsawa ako, ibinato ko ito sa aking likuran.

Dianne: Arggh! Sino nagtapon ng basuran'g to?!! (sa may kalakasang boses kasabay ng paghawak sa kanyang pisngi)

Bino: (Utak: buti pa ung basura nakadampi na sa pisngi niya)

Dianne: Ikaw!!! Sa yo to'ng basurang to noh?

Bino: Ako? (sabay ng tawa ng mahina)

Dianne: Hey you! Why are you laughing? Did you find this incident entertaining? We have a garbage can here!

Bino: (utak: nasa call center ba ko? parang irate customer ang kaharap ko ah) I do apologize for the inconvenience, rest assured it won't happen again. (sabay ngisi)

Dianne: Are you crazy?

Bino: Yes i'm crazy for you, touch me once and you'll know it's true! (Sinadya ko yun para lalo siyang inisin)

Dianne: Sa tingin mo nakikipaglokohan ako sa yo? Eto nang basura mo!

Bino: Hey wait Dianara!

Dianne: What the... It's Dianne! Yan oh, ang laki-laki ng name ko sa poster dito sa [name of bar sa alabang] Kailan pa naging miss universe ang name ko ha? At tigilan mo na yan, nakatingin na ung mga waiters dito oh (sa pabulong nyang sabi)

Bino: I see. Dianne. What a beautiful name. I'm Arvin Montilijao Bautista a.k.a Bino. Nice to meet you (sabay lahad ng aking kamay)

Dianne: Hahahhaha (kusa nyang inabot ang aking kamay)

Bino: bakit?

Dianne: La lang, talagang kailangan buong pangalan.

Bino: Ah, kala ko may balat ng malunggay ako sa ngipin. Bino na lang for your convenience.


Milagro ngang maituturing ang naganap na pag-uusap namin ni Dianne. Tubig at langis. Langit at lupa. Ito ay sa kadahilanang, ang banda niya ang most applauded sa bar na yun. Maraming tagahanga. Maraming nagrerequest. Pero matapos ang chit-chat namin ni Dianne, nasundan pa ito at di naglaon ay naging close na kami.


Pagpunta ko ng bahay nila Enzo, para ako'ng sikat na sikat na artista na naglalakad sa red carpet at tinitilian ng mga tagahanga. Ganun ang aking naramdaman.


Enzo: and the oscars goes to... Bino Bautista!!!!

Jam at Ryanjames: Congratulations! Palakpakan!!!

David: Swerte mo parekoy! Kala namin, wala sa isa sa atin ang makakahawak ng kamay ni Dianne! Nagmimilagro nga ang kwaderno mo! hahahaha

Bino: Mga Ul*l! Para kayong mga sira!

Jam: Dahil dyan...

Lahat: May nagtext!!!



Natigil lang ang aming paglolokohan ng singhalan kami ng kapitbahay. Parang fairytale lang ang mga pangyayari. Siya ang aking prinsesa. Dati hindi ko maabot ang mundo niya. Pero ngayon, tila ang mundo namin ay naging isa.




itutuloy...




7 ang nakaappreciate:

  1. huh?
    yun lang... taena parekoy..
    mahaba na yung post mo pero soooobrang bitin pa rin para sa akin.


    gaano ba kaganda si Dianara?
    isa kase sa pinakamalaking "no!" sa mga babae eh ang tawagin sila ng Buo sa Mahaba nilang pangalan.

    Pero kahanga-hanga kung paano mo nahandle yung sitwasyon! hahaha

    aabangan ko ang mga susunod pang kabanata.
    ReplyDelete
  2. ang totoo parekoy, dianne lang ang pangalan nya. hindi dianara. hehehe. pang-asar ko lang un sa kanya. bitin ba? senxa na, talagang bitin ako'ng magsulat. 3part-special kasi ito. heheheh
    ReplyDelete
  3. Bino---ikaw ba yung nag-add sakin sa FB>? hehe
    ReplyDelete
  4. Haha, pacomment uli ^_^

    Anu po pala ang name ng band nyo?

    Talaga bang pang Miss Universe ang ganda ni Dianne? anu surname nya hehe... baka meron siyang facebook. try kong search hehe /joke XD
    ReplyDelete
  5. @fiel-kun di ko pwedeg banggitin ang buong pangalan nya eh. hehehehe. peo nasa friendlist ko siy sa fb. hahaha
    ReplyDelete
  6. Sige Arvin Montilijao Bautista a.k.a Bino ituloy mo ang kwento... mukhang worth it naman kahit ilang araw kami naghihintay ng kasunod heheh =)
    ReplyDelete

Ang iyong hinuha, kuru-kuro, pananaw at opinyon ay aking pinahahalagahan. Comment na!