March 24, 2010

Mga Pinoy na Aswang

Lecture 101. Aswang. Maraming nagsasabing kathang-isip lang ang mga ito at hindi dapat paniwalaan. Kasama lang daw sa ating makulay na alamat ang mga ito tulad na lamang ng alamat ni Maria Makiling, Bernardo Carpio, mga Diwata at mga dwende at marami pang iba. Pero isipin mo naman, nakarating na ang tao sa buwan at computerized na ang bawat takbo ng buhay pero marami pa ring naniniwala sa aswang. Ano nga ba sila? Sabi ng mga matatanda, sila ay mga nilalang na di nabasbasan ng Panginoon noon'g araw na bumaba ito sa lupa at naghatid ng biyaya.

Ngayon kung tatanungin mo ko kung naniniwala ako sa aswang, oo ang isasagot ko. Maraming kilay ang magtataasan pero bilang Pilipino, naniniwala ako sa mga kwento ng aking mga lolo't lola tungkol sa mga aswang.

Pero alam nyo ba na may iba't ibang uri ng Aswang? Ayon sa aking nabasang libro na B1Gang, may limang uri ng aswang. Ito'y ang mga sumusunod:


1. Bampira - ang ugat nito ay nanggaling sa European at American Lower Mythology. Kung si Edward Cullen ng Twilight, New Moon, Eclipse, Breaking Dawn at Midnight sun ay ngipin ang ginagamit, ang pinoy vampire ay mayroong matutulis at mahahabang dila. Ibig sabihin, sanay sila sa torrid kissing (biro lang!). Amalanhig ang tawag sa bampira sa West Visayas, Danag sa Isneg at mandurugo sa katagalugan.


2. Viscera Suckers - nagkakaroon ng pakpak at nahahati ang katawan. Manananggal sa katagalugan, Abat sa mga West Visayas, buruka sa Ilocos at aswang na lupad sa Bicol. Paboritong biktima nito ang mga buntis.


3. Werebeast - kiwig ang tawag ng mga taga-aklan at malakat sa Cebu. Ito ay mga tao'ng may kakayahang mag-anyong hayop pagsapit ng hatinggabi. Pero di gaya ni Jacob na nagiging werewolf, ang anyo ng pinoy na werebeast ay itim na aso o malaking baboy.


4. Mangkukulam - alam na natin ang ginagawa nito. Pag nagalit sa isang tao ay kukulamin niya ito sa pamamagitan ng manikang basahan na tutusukin ng karayom. Ang iba naman ay uutusan ang mga inaalagaang insekto na pumasok sa katawan ng kagalit na unti-unting papatay sa biktima. Mambabarang ang tawag sa kanila sa Bicol, manggagamod sa Ilocos at Pangasinan at mamumuyag sa West Visayas.


5. Carrion-eaters o ghouls. Ang gawain ng mga ito ay mag-abang ng mamamtay at nakawin iyon para kainin. Ito ang pinakamababang uri ng aswang. Balbal ang tawag sa mga ito ng mga Tagbanuas, Busaw sa mga Bagobos, segben sa mga taga East at West Visayas at wirwir sa mga taga Kalinga Apayao.


At iyan ang limang uri ng aswang. Totoo man o hindi, walang mawawala kung tayo'y maniniwala. Iba pa rin ang nag-iingat. Pero alam nating lahat na ang tanging pananalig sa May Likha ang tanging makapagliligtas sa atin.








10 comments:

  1. Dahil pang 1000 ko na post sa blog ko pareng bino iimbitahan sana kita pati na rin ng mga libo libong nagbabasa't sumusubaybay ng blog mo na sumali sa contest to win 500 pesos cash! Medyo mababa pero walang sponsor eh ako lang hahahah

    http://www.kumagcow.com/2010/03/my-1000th-post.html

    Sali ka BINO please parang awa mo na AHAHAHAH! SALAMAT! =)

    ReplyDelete
  2. dami palang uri ng aswang noh?
    akala ko ang aswang eh yung lumilipad lang na nahahati ang katawan..lols

    ReplyDelete
  3. hi. ! ang galing meron talagang classification of aswang--in english :)) pano naman ang mga tyanak, tikbalang at tiktik. anong classification? this post was entertaining though :)

    bestpinay
    kcatwoman
    ldspinay

    ReplyDelete
  4. ako naniniwala din sa aswang, lalo sa mangkukulam.

    ReplyDelete
  5. HIndi ako naniniwala sa aswang. Walang aswang. Nasa isip lang ng tao ang aswang.

    ReplyDelete
  6. anonymous lang ang takot mabalikan sa pagcocomment hahahah

    ReplyDelete
  7. Naniniwala ako. Naka encounter na ko ng aswang nung nasa antique ako. Pati sa momo sa room namen sa school meron eh. Caught in a camera ng cellphne.

    ReplyDelete
  8. Naniniwala ako. Naka encounter na ko ng aswang nung nasa antique ako. Pati sa momo sa room namen sa school meron eh. Caught in a camera ng cellphne.

    ReplyDelete
  9. totoo ang aswang !!! dahil my kakilala ako na ganyan actually hindi lahat ng aswang nananakit at gusto ang pagiging ganito!! ang mga aswang ay my kakayahang marinig ang sinasabi tungkol sa kanila.... pag my kagalit sila na tao ginagantihan nila ito ...

    una muna nilang gagawin ay tatakutin ka pag sapit ng gabi .. naranasan ko na iyan dahil kapit bahay namin ang aswng na iyan .. maingay kasi ako lalo na pag gabi kasi tahimik hehehe ... pero wala na ung aswang saamin dahil meron akong bagay na hindi ako kayang saktang ng tulad nila!!!

    ReplyDelete
  10. kasi kaya ko rin silang saktan...

    totoo talaga ang lahat ng mga elemento like aswang,demonyo,engkanto,anghel at iba pa... ilang beses ko na silang nakita...

    kaya ko sila nakikita dahil my third eye ako...

    kaya magiingat kayo lagi sa mga elementong masa ma ang mithiin sa tao!!!

    ReplyDelete

Sisikapin ko'ng replyan ang mga komento ninyo.
Kung may sasabihin ka'ng di maganda, huwag ka'ng mag-ANONYMOUS.